Third Person’s P.O.V Napasandal si Yvette sa likod ng gate nila matapos niyang pumasok. Sandali siyang natulala, bago nagpasiyang maglakad papasok sa pinto ng bahay nila. Luckily, nahanap niya ang spare key na nakatago sa gilid ng gate, kaya naman hindi na niya kailangang hintayin ang parents niya na umuwi, para makapasok. Pumasok siya sa kwarto niya. Kinuha niya ang laptop niya na nasa ibabaw ng kama at ipinatong sa lap niya. She checked if may mga unread messages siya sa messenger and meron nga. Maya-maya pa, bigla nalang tumawag si Najh na agad niya namang sinagot. “Hello, Babe!” bungad nito sa call habang suot ang isolation gown niya. Nginitian naman siya ni Yvette at umusog sa head board ng kama, para makasandal. “Hi. Nandiyan na bas i Nathaniel?” tanong ni Yvett

