🥀THE WEDDING🥀

809 Words
"Annie Delavega, Tinatanggap mo ba itong si Jhon kyle rodrigo para maging asawa mo sa ginhawa at-" "Opo father.." "Jhon kyle Rodrigo, Tinatanggap mo ba itong si Annie Delavega ng buong puso para maging asawa mo sa hirap at ginhawa?" Tumambol ang puso ko ng hindi ito umimik. pakiramdam ko ay nagtatalbugan ang mga dugo sa bawat parte ng aking katawan. Paano kung tatangihan niya? Paano kung magbago ang isip niya? Ang mga bagay na tumatakbo sa aking isipan. "Inuulit ko, Tinatanggap mo ba-" "Opo.." Mahina ngunit sapat na para marinig at kumalma ang nararamdaman ko. Hindi man iyon dinig ng tao pero dinig na dinig ko naman. "Kung ganon, Sa bisa ng kapangyarihan na ibinigay sa akin, Pwede mo ng halikan ang asawa mo.." Naghiyawan ang mga tao sa loob ng simbahan. Mga animo'y kinikilig na mga kabataan. Pero di ko naman ikakaila na pati ako kinikilig. Nginitian ko siya pero isang pailalim lang na tingin ang ibinigay niya sa akin. Inaasahan ko na hindi niya ako hahalikan pero nagulat na lang ako ng hinapit niya ang bewang ko papalapit sa kanya at dumampi ang labi niya sa labi ko. Saglit na init ang naramdaman ko pero agad ding nawala ng marinig ko ang marahan pero madiin niyang bulong. "Don't you fuckin' enjoy.. Dahil may kapalit ang bawat desisyon.. Remember that." At saka niya ako binitawan. Lumingon sa mga tao at nagkunwaring nakangiti. Ginawa ko na rin ang ginawa niyang pag ngiti sa mga tao kahit na Nasaktan ako sa sinabi niya, pero hindi ko na lamang pinaglaanan iyon ng pansin. Ang mahalaga ay akin at apelyido ko na ang apelyido ng lalaking pinakamamahal ko. Pagkatapos naming pumirma sa marriage contract namin ay dumiretso na kami sa engrandeng bahay nila kyle. Doon ay binati kami ng ilan sa mga kaibigan at magulang namin. "Congrats iho, iha.." Nakangiting sabi ni papa pero hindi man lang nag-abalang sumagot si kyle. Kaya naman agad kong nginitian si papa bago sumagot. "Salamat po papa.." Sasagot pa sana si papa pero napansin ko ang pagtunog ng cp niya at ang madalian nitong pagkuha ng cellphone sa pantalon niya. "Excuse me for a minute iha.." "Sige po.." Sumunod na lumapit ay ang magulang ni kyle. Medyo nahiya ako ng tignan nila ako pababa at pataas. Waring sinusuri nila ako. "So, After some time iho, Nakapag asawa ka na rin .." Nakangiting sabi ng papa ni kyle. "Not with-" "Oh come on! She's beautiful.." Agad naman na sagot ni Don Rio Rodrigo na ikinangiti ko ng konti. "She's not that bad, But I prefer Mi-" Naputol ang pagsasalita ni Donya Margarita ng magsalita ulit si Don Rio. "Ano ka ba! Your son is already married.. Wag mo ng ipilit dahil kasal na sila-" "Dahil ginusto mo-" "Ah Donya Margarita, Don rio, Alis po muna ako saglit.. Pupunta lang ho ako sa kusina.." Awat ko ng mapansin ko na parang mag- aaway na ang mga magulang ni kyle samantalang siya ay parang walang paki-alam na nanonood. Nasaktan ako sa ipinakitang ugali ni Donya margarita pero inintindi ko na lamang. Afterall, Nanay pa rin siya ng lalaking minahal ko. And I should respect her still. ********* "Hello baby? I'm sorry if you got into this trouble.. Don't worry, I'll do something to annul our wedding as soon as possible.." I was silently hearing my husband conversation with someone. I know He was talking again to her girlfriend. Tama ka ng pagkabasa, Isa akong kabit. Kumabit sa relasyon ng may relasyon. Mahal ko si kyle, At ginawa ko lang ang alam kong tama. I agreed to marry him easily because of business and love- one sided love. Alam ko na mahirap ang pinasok ko pero naniniwala ako na mamahalin din niya ako balang araw. Agad akong bumalik sa pagkakahiga ng mapansin ko ang mga yabag niya, at nagkunwaring tulog. pero ang totoo, Hindi mapigilan ng mga mata ko ang pagtulo ng aking luha. 'Nagmahal lang naman ako e!' 'Bat pa kasi hindi nalang ako kyle..' Samu't saring mga isipin ang pumasok sa isip ko ng gabing iyon. Oo, Alam ko kasalanan ko kung bakit nangyayari ito sa akin ngayon, At hindi ko ipagkakaila dahil kagagawan ko naman talaga. Kung hindi ako pumayag, Maaring magkakatuluyan sila ng dating kasintahan niya. Pero ayoko kasing mangyari iyon e. Masama na bang hilingin ko sa diyos na akin lang siya, Kasi kaya ko namang maghintay ng kahit gaano katagal basta matutunan niya akong mahalin. Ps: Baka may babaguhin kapagka. The original plot was supposed to be a short story, dahil meron na ito sa notebook ko pero kapag may mood ako, baka may isisingit akong mga eksena na wala naman talaga sa plot. Anyway, Enjoy reading. Pasupport and Follow na rin po ang story na to para updated po kayo pagka nag update po ako.? And advance thank you guys❤️❤️?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD