Chapter Seventeen

3402 Words
Ria Sinunod ko ang payo ni Camille. Hindi muna ako nagbook ng flight going back to France. Gusto kong sulitin ang stay ko dito sa Hacienda at inaamin ko sa sarili ko na gusto kong makasama si Zach. I remembered his famous tag line way back then but along with that is the pain he inflicted to me. Pero past is past na nga and I need to moved on from those painful memories. Hindi padin umalis si Keith at Chivas habang hindi pa tapos ang anihan ng mga mais. And looks like Zach is having his great time torturing his friends from doing dirty and hard works. Nakakaawa minsan pero parang nageenjoy naman sila. Nagbobrowse ako ng Social Media Accounts ko ng may makita akong advertisement ng isang cafe ng mga cakes and pastries. An idea came thru my mind and I need to consult it with Camille. Nagbobrowse pa ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Unregistered number. +639983127575 sent a photo Kumunot ang noo ko, hindi ko kasi alam kung kaninong number to. Binuksan ko nalang ang picture na sinend. At nang buksan ko yun, picture ni Zach ang tumambad sakin. Nasa maisan padin sila pero may mga ibang tao na alam kong hindi nila tauhan. Mas nagpakunot pa ng noo ko ang kausap ni Zach. Babae. Maganda at maputi. May isa pang photo na nagpop up sa screen ng phone ko. Si Zach ulit tapos yung babae na naman but this time nafocus ko ang paningin ko sa kamay ng babae na nakahawak sa braso ni Zach. Nakaramdam ako ng kakaiba ng makita ko ang picture na yun. Isa pang pop up ang nagappear sa screen ko. At pagopen ko mukha ni Chivas at ni Peter ang lumabas. At nagiinvite na ng face time ang number. Sinagot ko naman agad at mukha ng dalawa ang nakita ko. "Did you see the photos?? Pang black mail ko yun kay Zach because he is torturing us!" Chivas exclaimed. "San mo nakuha number ko?" Tanong ko sa kanya. "Kay Peter. And that woman is with Zach until now. I think she's a buyer ng mga mais. And I think she is hitting on Zach!" "Grabe ka naman Kuya Chivas, naguusap lang yun dalawa eh." Paliwanag naman ni Peter. "Kanina pa yun dito, ayaw umalis eh. Si Zach lang kinakausap Ria!!" I heaved a deep sigh. I felt something inside and it's telling me to follow them. Pero ano naman sasabihin ko kung bakit ako nandun. Tiningnan ko ulit yung dalawa kong kausap. "They are just talking Chivas. Don't put colors on it." Inalis ni Chivas ang screen sa mukha nya at itinutok kay Zach na kausap pa din ang babae. They are obviously talking but the woman is really touching him. Nakikita ko ang pag-iwas ni Zach but the woman is persistent. She keeps on getting close to Zach which made my blood boil for some reason. "Peter!" Bumalik sa mukha ng dalawa ang screen. Nakakunot ang noo ng dalawa. "Bakit Ate?" "May dala kang sasakyan papunta dyan?" I saw Chivas smirked. "Dala ko po ang Fortuner. Kay Kuya Zach po ang Ford." "Sunduin mo ako. Pupunta ako dyan." "On my way Ate." Pagkasabi nun mabilis na tumakbo si Peter paalis. "Happy?" Tanong ko kay Chivas. "You don't have any idea." Tumawa pa ang magaling na si Chivas. Tiningnan ko ang mga damit ko sa closet. Naalala ko ang suot ng babae. Hindi naman ako threatened sa kanya, kasalanan to ni Chivas. He provoked me. This is not so me. Dapat wala akong pakialam. But she is touching Zach and i don't like it. Nagsuot nalang ako ng skinny jeans at saka white polo shirt. I decided to pair it with my Ariat Brown Boots. I looked like a Hacienda girl with my outfit, well that's the plan. Nakareceived ako ng text kay Peter na nasa baba na daw sya. Ang bilis nya ah. Bumaba na ako at  nginitian nya ako agad. "Ang ganda mo Ate Juri." Nakangisi si Peter at alam kong may kahulugan ang ngisi nyang iyon. "Kasalanan nyo tong dalawa ni Chivas." "Wala naman kaming ginagawa Ate." "Sarap nyong tirisin dalawa." Tinawanan nalang nya ako at pinaandar ang sasakyan. Papalapit palang ang sasakyan namin nakikita ko na si Zach at ang babae. Hanggang ngayon hindi padin sila tapos magusap? Napatingin si Zach sa direksyon ng sasakyan namin. "Ate Juri, para sayo." Napatingin ako sa inabot ni Peter. Ang ganda ng ngiti nya. "Para kumpleto outfit mo. Yan lang meron dito eh." Napatitig ako sa inabot nyang Western Hat na color Brown. Napangiti naman ako saka inabot ang hat. "Thank you Peter. Bagay na bagay." At sabay na kaming bumaba ng sasakyan. Nakita ko kung pano bumaling ang paningin ni Zach sakin. Pati yung babae. I can feel the weight of his stares, his lips are parted. Nakita ko kung pano nya ako tiningnan mula ulo hanggang paa. Hindi ako sure kung didiretso ba ako kay Zach o kay Chivas na kumakaway sa may likuran. I decided to do the latter at nilagpasan ko lang silang dalawa. Nilapitan ko si Chivas na nakangisi, nakita ko din si Keith na papalapit. "Wow! You look amazing Ria!" Chivas exclaimed. "Kasalanan mo to Chivas." Tinawanan lang nya ako. "Kanina pa kasi sya dito eh. Ayaw yatang umalis." He is pertaining to the woman. Napatingin ako sa direksyon ng babae pero natigilan ako sa madilim na mukha ni Zach. His brows are furrowed and his jaw is clenched. And he is staring at me. Bakit parang sya pa ang galit? Sya nga itong nakikipagflirt sa babaeng yun. Kumunot ang noo ko ng papalapit si Zach samin kasunod yung babae. Pagkalapit nya saken agad nyang hinawakan ang bewang ko papalapit sa kanya. Napatingin naman ako sa kanya. He look so serious. Nakatingin na din ang babae sakin. "My wife." Pakilala nya saken. Nakita ko ang tipid na ngiti ng babae. "So it's really true. You are married now. Hi, I'm Beatrice Fontanilla." "I'm Ria." Pakilala ko. "I'll go ahead. My men will pick up the products tomorrow." "Ok, I'll make sure that the supplies are ready." Zach answered. "Sure. Thank you Mr. Villafuerte. Send my regards to Tita Zandra. Bye!" At tumalikod na sya kasunod ang kanyang mga tauhan. "What are doing here Love?" His voice is cold and his gaze is giving me goosebumps. "Sinundo ko sya Sir Zach. Wala daw kasi syang ginagawa sa Mansion. Dalhin ko na din sana sya sa Greenhouse." Si Peter ang sumagot. Napatingin ako sa kanya. Matiim akong tiningnan ni Zach. Tiningnan pa nya ako ulit mula ulo hanggang paa. Hindi ba nya nagustuhan ang outfit ko. Mas maganda ba para sa kanya ang outfit ng Beatrice na yun. "Why am I even here? I came here to rain on someone's parade, right? "Yeah, you can visit the greenhouse." Isang sulyap pa ng binigay nya saken saka nya tiningnan ng masama si Chivas. "What was that Zach?" Si Chivas naman ay ngumisi lang at umiling-iling pa. "Mukhang uulan Bro. Ayusin na kaya natin yung mga sako ng mais. Madilim ang langit eh." Tinuro pa nya ang langit. "Yeah, you're right. Back to work assholes." Utos nya sa mga kaibigan nya. "Love, you might wanna cancel your visit in the greenhouse. Visit it some other time, the weather doesn't look good." Tiningnan ko si Peter at tumango sya. "Ok, sa susunod nalang. Peter uwi na tayo." "Sige Ate Juri. Sir Zach, hatid ko lang si Ate." "Siguraduhin mong sa Mansion ang punta nyo." "Yes Boss." Umalis na kami ni Peter. Hindi na ako nagpaalam kay Zach. He seems off today or is it because I came here unannounced. Naistorbo ko ba ang paguusap nila ni Beatrice? Nakakaramdam ako ng inis dahil dun. "Peter. Pwede mo ba akong ihatid sa dati naming bahay. Ituturo ko nalang sayo." "Pero Ate Juri, ang sabi ni Sir Zach ihatid ka sa Mansion. Papagalitan ako nun." "Sunduin mo nalang ako ng hapon. Gusto kong pumunta sa bahay ng mga magulang ko." Natahimik si Peter at tumango nalang. "Samahan nalang din kita Ate Juri." "Kelangan nila ng tulong sa farm Peter. Mukhang uulan nga, magbubuhat pa kayo ng mga sako ng mais." "Nakikinita ko na ang galit na mukha ni Sir Zach Ate Juri. Patay talaga ako nito eh." Napakamot pa sya sa ulo nya. "Akong bahala sayo Peter." "Narinig ko na yan eh, tapos ako naman ang kawawa. Tss." Tinawanan ko nalang sya sa sinabi nya. Itinuro ko ang way papunta sa dati kong bahay. Nagdadalawang isip pa si Peter kung aalis at iiwan ako or magsstay para samahan ako. Pinilit ko pa syang tumulong nalang sa boss nya. Pagpasok ko sa bahay namin agad bumalik sakin ang mga memories ng family ko. Nandito padin naman ang mga gamit, hindi naman lahat dinala ni Camille sa Hacienda. Pumasok ako sa kwarto ko. Umupo ako sa kama ko. Medyo maalikabok na, kelangan ko ng maglinis. Pinuntahan ko ang closet ko at nakita ko ang mga iba kong damit. Nagpalit ako ng pambahay ko at nagsimulang maglininis ng bahay. Sinimulan ko sa kwarto ko hanggang makarating ako sa kusina at banyo. I felt famished nang matapos ko ang paglilinis, binuksan ko ang cupboard ko at nakitang may mga cup noodles at de lata pang nandoon. Tiningnan ko ang mga expiration date at buti nalang next year pa. Naginit ako ng tubig para sa cupnoodles pero wala naman akong mantika para sa mga de lata. Nakita ko un spam at sausage kaya yun nalang ang kakainin ko, pre cooked naman yun. Pagkatapos kong kumain saka ako naligo, nagsuot muna ako ng oversized na tshirt. Paglabas ko ng banyo nagulat ako ng marinig ko ang malakas na kulog at kidlat. Napatingin ako sa labas, sobrang dilim na at ang lakas na ng ulan. "Ang lakas na pala ng ulan." Iniisip ko kung magpapasundo pa ba ako kay Peter, sobrang lakas ng ulan. Ayoko naman syang mapahamak ng dahil sa sama ng panahon. Kinuha ko ang cellphone ko but I was halted when it was drained. Lowbat na pala ako. Agad kong binuksan ang drawer ko pero laking disappointment nang makita kong wala nga pala akong charger dito. Wala din akong dalang bag para ilagay ang powerbank ko. I heaved a deep sigh, mukhang maghihintay nalang ako ng tumila ang ulan. Bumalik ako sa kusina at pinagpatuloy ang pagkain ng mga delata. "Wala pala akong bigas. Gusto ko pa naman ng rice." Pinapak ko nalang ang spam at sausage. Buti nalang may mga bottled water ako dito. Baka mamatay ako sa alat ng mga kinakain ko. Nagulat na naman ako ng biglang kumidlat. At muntik pa akong mapasigaw ng biglang mamatay ang ilaw. Nanlaki ang mga mata ko ng marealize kong nagblack out. "Oh My God." Napakavery wrong ng pagpunta ko dito. Wala akong makita dahil sa dilim. "Relax ka lang Ria. Maghanap ka ng kandila." Pero pano ko hahanapin eh hindi ko makita ang paligid ko. Tumayo ako at nangapa sa paligid. "Bakit naman kasi nagblack out. Ano na San Nicolas?" Nakahinga ako ng maluwag ng biglang nagkailaw. Agad kong hinanap ang mga kandila sa bahay pati nadin mga scented candles saka posporo baka bigla na namang mawalan ng kuryente. Maya maya kumidlat na naman at nawalan na naman ng kuryente. "Malas mo talaga Ria. Wala na ngang kuryente wala pang charge ang phone ko." Sinindihan ko na ang isang scented candle para dalhin sa kwarto ko. Dun nalang ako magstay hanggang tumila ang ulan. Siguro naman alam na nila sa Mansion kung nasan ako hindi naman na sila magaalala. Humiga nalang muna ako sa kama at tumitig sa madilim na kisame. I can smell the scent of the candle, it's Amber and Vanilla Blossom. Pipikit na sana ako ng makarinig ako ng malakas na katok sa may pinto. Napatayo ako bigla. Kinuha ko ang kandila saka bumaba. "Sino naman to. Ah baka si Peter." Gusto kong isipin na si Zach ang susundo sakin pero alam kong busy sya sa farm kanina at malamang pagod yun. At pagbukas ko ng pinto. I was halted when I saw Zach standing right infront of me and he is soaking wet. "Z-zach." Nagtitigan muna kaming dalawa saka ko narealized na basang basa pala sya. "Pasok ka na. Basang-basa ka na." Pumasok na sya sa loob ng bahay. Sya nadin ang nagsara ng pinto. "Wait lang, kunan kita ng towel." Agad akong pumasok ng kwarto at kinuha ang towel ko na ginamit ko din kanina. Yun nalang ang naiwan eh kasi dinala ni Camille sa Mansion ang mga gamit ko. Agad kong inabot sa kanya ang towel na kinuha naman nya. Tahimik lang syang nagpupunas ng kanyang ulo at braso. Nagdagdag din ako ng kandila sa mesa. "Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya. "Sinabi ko kay Peter na sa Mansion ka ihatid pero bakit dito ka dumiretso?" Seryoso nyang tanong. "Gusto ko lang puntahan itong bahay namin kaya dito ako nagpahatid." "And you're not answering my calls and my messages." He looked pissed. "Lowbat yun phone ko. Wala naman akong charger dito saka walang kuryente." He just stared at me and then heaved a deep sigh. Pinagpatuloy nya ang pagpupunas ng kanyang katawan. "Pwede ba akong maligo? Nabasa na ako ng ulan." "O-oo pwede naman. May cr dito sa baba saka sa kwarto ko." "Dun nalang sa kwarto mo. You have extra clothes?" "Sige, ihanap kita. Dito ang kwarto ko." Sumunod naman sya sakin. Itinuro ko ang cr sa kanya. Dinala nya ang towel sa loob. Agad ko syang hinanapan ng pwede nyang isuot. Buti nalang oversized ang mga tshirt ko dito sa bahay. May naiwan pang nga tshirts pero kulay Pink ito at mukha ni Patrick Star ang print. Hinanapan ko din sya ng pants pero kulay yellow naman ang naiwan. "Ok na to kesa walang syang suot." Natigilan ako sa sinabi ko, feeling ko namumula ako sa naisip ko. Naririnig ko pa ang tunog ng tubig mula sa banyo. Nakakaramdam ako ng tension dahil kay Zach. He look so pissed. Bakit pa sya nagpunta dito kung magagalit lang sya sakin? Napatingin ako ng bumukas ang pinto ng Cr at iniluwa si Zach na nakatapis ng tuwalya. Nanlaki ang mga mata ko ng makita syang top less. My eyes automatically wandered until it reached the center of his legs. Napalunok ako at napapikit. Inalis ko ang tingin sa kanya ng lumakad sya papalapit sakin. "I used your shampoo and body wash." Napatango lang ako. Naaamoy ko sa kanya ang body wash ko. Strawberry scented pa naman yun. Ang sarap tuloy nyang amuyin. "Merde" "E-eto nalang mga naiwan kong damit dito sa bahay. Baka hindi kasya sayo." Inabot ko sa kanya ang mga damit. Kinuha nya ang tshirt saka short at tiningnan. Hindi ko masyadong makita ang expression ng mukha nya dahil liwanag lang ng scented candle ang meron sa kwarto. "Labas muna ako. Sa may sala lang ako." Bigla kasing uminit ang pakiramdam ko. Nakaupo ako sa sofa ng lumabas sya mula sa kwarto ko. Sinuot nya talaga ang pink na tshirt saka yellow na short. Napangiti ako sa itsura nya. Naging fitted kasi ang tshirt at hindi umabot ng tuhod ang short nya. Ang cute nya tuloy tingnan. "Can I have a glass of water?" He asked. "Oo naman, wait ikukuha kita." Tatayo na sana ako para kunan sya ng tubig. "Ako nalang ang kukuha." Napatango nalang ako pero sinundan ko sya. "Nagugutom ka ba? Cup noodles lang saka de lata ang meron dito." "I'm fine, I'm not hungry." Seryoso nyang sagot. Napatango lang ako. Kumuha na din ako ng tubig at ininom ko yun. Ramdam ko ang titig nya sakin. Tumalikod ako sa kanya dahil nabibigatan ako sa titig nya. "Bakit ikaw ang sumundo sakin hindi si Peter?" Nakatalikod kong tanong sa kanya. "Masyado nang malakas ang ulan saka hindi pwedeng sya ang susundo sayo dito. Ako ang asawa mo." Mariin ang pagkakasabi nya sa asawa. Napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi nya. "And I'm f*****g worried because of this f*****g rain. I immediately went here." Unti-unti syang lumapit sakin. I felt his hands on my waist. He is back hugging me. My body stiffened when I felt his body heat. "Don't make me worry like that Love. I'm going insane." "I'm sorry. Lumakas kasi yun ulan saka nalowbat ang phone ko." I heard him chuckled. "My sexy husband." Sa isip ko lang yan. Pareho kaming nakaupo sa sofa at nakatingin lang sa liwanag na galing sa scented candle. "It smells nice. Bakit scented candle ang sinindihan mo?" Tanong nya habang nakatitig sa kandila. "Para may scent." Tinaasan nya ako ng kilay dahil sa sagot ko. "Yung babae kanina.." Napatingin sya sakin. "Kaibigan mo ba sya?" "No." Humarap sya sakin at itinukod ang kanyang braso sa sandalan ng sofa. He is staring at me. "Her family is one of our client. They supplies and import some of our products here and in abroad. And she is not my friend." I simply nod without looking at him. I know he is still staring at me. "Why do you ask about her?" "Masama bang magtanong saka nakita ko kayong magkausap eh." Nakatitig padin sya sakin. Nakita ko kung pano bumaba ang kanyang mga mata papunta sa aking labi. Napalunok ako bigla. Iniwas ko ang tingin sa kanya. I can feel the space between us is slowly fading. "Bakit ka nga pala nagpunta sa farm kanina? Diba sabi mo sa Mansion ka kalang?" Nagtataka nyang tanong. Naalala ko agad ang mga pictures na sinend ni Chivas. Kasalanan nya talaga lahat isama pa nya si Peter. "And why are you wearing those kind of clothes?" "And why are you asking me those questions Zach?" "Because I'm dying of curiousity." "Curiousity kills the cat." I answered. He chuckled. Umiiling iling pa sya. "You look hot earlier. Gustong gusto kitang iuwi kanina. And the fucker Chivas is teasing me, feeding me with some bullshits. I wanted to believe him that you came for me." I looked at him. Nakipagtitigan ako sa kanya. There is no reason for me to deny it anymore. Because I'm falling again. I nod my head for my answer. "Chivas sent me some photos of you and Beatrice. I am jealo-." Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil bigla akong hinila ni Zach. And I felt his lips on mine kissing me hard. He shifted from his seat drawing closer to me. I opened my mouth to return his kisses. I can feel the intensity of his kisses and it send shivers to every fiber of my being. He held my waist and he carried me on his lap. I'm straddling him. Nahiya ako bigla sa position namin dalawa but it went to blur when he kissed me again. I placed my arms on his shoulders for support. I felt his hands caressing my back. I felt like something inside me stirred when his hands wandered inside my shirt caressing my bare skin. I release a soft moan when I felt his hand cupping my left boob. He stopped and looked at me, amused. "You're not wearing a bra?" "N-naligo ako kanina, nilabhan ko kaya wala akong suot." Tumaas ang isa nyang kilay. Is he going to stop now? Baka masuntok ko sya kapag huminto sya. Napapikit ako sa naisip ko. Am I expecting that will end up in bed. Matapos kong sabihin kay Camille na walang mangyayari samin. I'm eating my own words for God sake. I felt something poking at the center of my thighs. Napatingin ako kay Zach nang marealized ko kung ano ang matigas na tumutusok sakin. Zach is turned on and he is hard. "I think I won't be able to stop myself Love." He and his husky and sexy voice. It turned me on big time. "Then don't stop. Love." I saw how his lips parted when I said those words. And then he claimed my lips again. Kissing me like his life depends on it. I returned his kisses with the same intensity he is giving me. He stood up and carried me on the way to my room, still our lips locked. I heard how he just kicked the door. I felt him smirked while kissing me. "Bakit mo sinipa yun pinto, baka nasira yun." "Istorbo eh." At naramdaman ko ang paglapat ng likod ko sa malambot kong kama. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD