Ilang araw ng hindi nagpapakita si Prince sa kanya!! hindi niya maipaliwanag pero parang may nakaturok na matigas na bagay sa kanyang puso! ang bigat bigat ng pakiramdam niya!! na mimiss niya ang mokong na yon!!di siya makatulog sa gabi dahil sa kakaisip dito nagiguilty siya dahil sa nasabi niyang hindi maganda dito!alam niya sa sarili na walang katotohanan lahat ng iyon!dahil hindi naman talaga niya gusto si Jake!nadala lang siya ng inis dahil sa inasal nitong pakikialam sa kanya!!kaya tuloy feeling niya ang haggard haggard na niya!! nahalata naman ni Lauren ang pananamlay nya!!
"Besh ok ka lang? ilang araw kanang lutang! sino ba iisip mo si jake ba? tanong nito sa kanya!!
"oh baka naman si kuya??? ngingiti ngiti ito!!
kilala talaga siya nito. may
sa engkanto rin ito alam niya dahil ilang beses niyang napapansin ang biglaang pagsulpot nito sa kanyang harapan pero binabaliwala lang niya dahil ang akala niya ay namamalikmata lang siya!! nasanay na din siya dito at hinayaan na dumating ang panahon na sabihin nito ang katotohanan sa pagkatao nila..
"ano dika ba magsasalita??"
bumuntonghininga siya at kinuwento ang lahat ng nangyari sa kanilang sagutan ni prince nung nakaraang araw!!
nanahimik ito at tumingin sa kanya!!
"alam mo besh! di sa kinakampihan ko si kuya dahil sa kapatid ko sya! pero kilala ko yang si kuya ! patas lumaban yun! di yun gagawa nag hindi maganda lalo na ang saktan ang damdamin ng taong malapit sa kanya!! hindi niya magagawang saktan si Jake para lang mahalin mo siya. labag sa batas namin yun!! kaya maniwala ka wala siyang kinalaman sa pagkawala ni jake!!
para siyang naguilty sa ginawa nyang panghuhusga kay prince!! gusto niyang humingi ng tawad dito. pero paano eh itinaboy na nga niya ito diba!!.
"wag kang mag aalala besh! malamang miss na miss ka na nun! kaya di rin yun makakatiis siguradong bigla nalang yun nandito para makita ka!"
nagpaalam na si Lauren na mauna ng uuwi dahil may aasikasuhin pa daw ito.kaya nag antay nalang siya sa parking lot mag isa!wala pa si mang cardo.saktong tatawagan na niya ito ng mag ring ang kanyang phone!!
nadisgrasya daw ito. binunggo daw ang likod ng sasakyan nitong minamaneho kaya malabo daw na masundo sya !!kaya napagpasyahan nalang nyang mag commute pauwi!ayaw naman nyang abalahin pa si lauren dahil nagmamadali itong umalis kanina at siguradong importante ang lakad nito!!
hindi pa niya nasubukang magcommute at mag isa pa siya !!wala syang magagawa dahil ang kuya niya ay wala rin nasa tagaytay ito at dun na naglalagi sa bagong bahay nito!!nagpagpasyahan niyang sumakay nalang ng taxi hanggang sa bahay sakto naman na may padaan at pinara niya ito!!
pagsakay niya ay pinagmasdan niya ang driver at sinabi ang address kung saan siya ihahatid nito!sinimulan na nitong paandarin ang sasakyan.palibhasa ay ngayon lang siya nakapag commute ay wala talaga siyang alam!halos 10 minutes na silang nagbibiyahe ay hindi parin niya matandaan ang dinadaan nito.ang akala niya ay may iba pang daan papunta sa kanila pero parang nakapagtataka na dahil nagiging liblib na ang tinatahak nila.pinagmasdan niya ang driver ng taxi tingin niya ay bata pa ito siguro nasa late 20's lang!ngumiti ito sa kanya na parang May ibang kahulugan!kinabahan siya kaya napagpasyahan nyang bumaba pero di niya mabuksan ang pinto nalalock ito!!
"bakit nyo nilock ang pinto.manong bababa na ho ako!!diyan nalang ho sa tabi!!"pinilit nyang pakalmahin ang sarili pero kinakabahan na siya!!
meron itong inispray sa gawi niya at maya maya ay bigla siyang nahilo at nakaramdam ng pamimigat ng mata!hindi niya namalayan ay napapapikit na siya at nakatulog.
Naalimpungatan siya ng may maramdaman siyang humawak sa kanyang kamay kaya mabilis siyang umupo!! nasa loob pa siya ng taxi ,ang driver ay nasa tabi na niya at may nakatutok sa kanya na patalim at pilit syang hinihila nito palabas ng sasakyan
"huwag kang papalag kundi sasaksakin kita" banta nito sa kanya!!nakaramdam siya ng takot!ano ng mangyayari sa kanya!tumingin siya sa paligid masukal ang daan at may hindi kalakihang bahay na nakatayo sa kanilang harapan. pilit siya nitong hinihila papasok sa loob nito!
wala siyang magawa! gusto nyang lumaban kaso may patalim ito paano kung totohanin nitong saksakin siya!!
nang makapasok sila sa loob ay itinulak siya nito ng malakas kaya bigla siyang napaupo sumakit ang kanyang likod dahil tumama ito sa silya ng mapaupo siya!!
"ang ganda ganda mo at mukang ang bango bango pa!! swerte ako ngayon kasi ikaw ang naging pasahero ko !alam mo ba ng makatakas ako sa kulungan nung isang linggo umuwi ako sa misis ko kaso nahuli ko na may lalaki !!kaya ayun sinaksak ko ang lalaki nya !!sana nga napatay ko para makaganti man lang ako!! sabay halakhak nito ng malakas!" alam mo ba ang may ari ng bahay nato ay pinatay ko!at swerte ko dahil me taxi pala ang loko at eto ikaw ang unang biktima ko! napakaswerte ko talaga! jackpot ako sau!!
akma syang hahawakan nito ng mabilis siyang tumayo at sipain ito sa maselang bahagi ng katawan ! namilipit ito sa sakit at sa galit ay sinampal siya nito! halos mabingi siya sa lakas ng pagkakasampal sa kanya kaya napaiyak siya sa sobrang sakit.pumutok ang kanyang labi at may dumaloy na dugo mula dito!!lalo namang parang baliw na humalakhak ang lalaki na nasa kanyang harapan at animoy tuluyan ng nawala sa tamang pag iisip! wala ka ng magagawa kahit magsisigaw ka dito walang makakarinig sa iyo!! sisiguraduhin ko na sisigaw ka sa sarap!!bago kita patayin!!
nakaramdam siya ng takot katapusan na ba niya!ayaw pa niyang mamatay!!bigla niyang naisip ang mga magulang!marahil nag aalala na ang mga ito sa kanya!!
hinawakan siya nito at kinalaladkad papasok ng kwarto kung saan inihagis siya nito sa di kalakihang kama!!wala na siyang lakas para lumaban dahil nanakit na ang buo niyang katawan
Diyos ko tulungan mo po ako!!
pumatak na ng tuluyan kanyang luha!
marahil nakakarma na ata siya ng dahil sa ginawa nyang panghuhusga kay prince!!bigla nyang naalala ang binata!!
parang may nagtutulak sa kanya na tinawagin ang pangalan nito!!
"prince tulungan mo ko!!" mahinang sabi nya!!
" aba bumubulong ka pa!siguro gusto mo ng maromansa !!! hahawakan na siya ng lalaking baliw ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si prince na pulang pula ang mata sa galit!!
"at sino ka namang pakialero ka na basta nalang papasok dito!!sigaw ng lalaki na galit din dahil naudlot ang gusto nitong gawin!
lumingon si prince sa kanya at ng makita nitong duguan siya ay lalong itong nagpuyos sa galit.mabilis nitong hinablot ang lalaki at pinagsusuntok
"hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa babaing pinakamamahal ko!!"
inihagis nya ito at tumalsik ng ilang metro!!akmang lalapit si prince sa kanya ng biglang tumayo ang lalaki at saksakin si prince sa likod!napasigaw siya sa takot ngunit parang hindi naman ininda ni prince ang ginawa nito,bagkus nagulat sya ng biglang lumabas ang pangil nito sa galit!!
walang sabi sabi na binalian nito ng leeg ang lalaki at agad binawian ng buhay!!
lumapit ito sa kanya na parang nag aalala dahil sa nasaksihan nya!! ngunit mas nanaig ang kanyang nararamdaman dito hindi na niya napigilan ang sarili at siya na mismo ang unang yumakap dito at humagulgol ng iyak!!
"it's ok baby!! hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may masamang nangyari sayo!! hinagod hagod nito ang kanyang likod."
"Prince salamat ! kung hindi ka dumating ay baka kung ano ng nangyari sakin!! garalgal ang boses nyang sabi dito
"Di ko papayagan mangyari yun!alam mo bang halos mabaliw ako ng maramdaman kong nasa panganib ka! at ng tawagin mo ako lalo akong natakot dahil akala ko ay huli na!! "
"ok ka lang ba?kinapa niya ang likuran nito ngunit wala siyang nakitang bakas na sugat nito!tanging nabutas na damit at bakas na dugo lang ang nandun!nakaramdam siya ng takot anong nilalang ba ito bakit napakabilis mag hilom ng sugat nito!hinawakan ni prince ang pisngi niya at hinalikan siya nito ng ubod tamis!!
nakalimutan niya lahat ng takot ! nakaramdam din siya na unti unting bumabalik ang kanyang lakas na parang walang nangyari!! sinipsip nito ang dugo sa kanyang labi na lalong nagpadarang sa kanya!! nakaramdam siya ng grabeng pananabik na maangkin nito!! hinawakan niya ito sa batok at lumaban ng halik dito!! wala na siyang pakialam kung ano ang isipin nito! sigurado na siya sa nararamdaman niya mahal na niya ang binata!! at kahit ano pa ang nasaksihan niya kanina ay handa niyang tanggapin dahil hindi niya na mapipigilan ang kanyang puso! hulog na hulog na ang damdamin niya dito! lalo na ngayon na iniligtas nito ang buhay niya!!
halos mapugto ang hininga niya ng pakawalan siya nito!!
"akin na akin kana Almira! nanalaytay na ang dugo mo sa akin!! wala ng makakapaghiwalay sating dalawa! at di ako papayag na mawala ka sa paningin ko kahit isang saglit!!gustong gusto na kita maangkin ng tuluyan pero alam ko hindi pa maari!marami kapang dapat malaman!!"Mahal na Mahal kita Mira!!" parang gustong sumabog ng puso niya sa sinabi nito!! gustong niyang tugunin ito pero nanatiling nakatikom ang kanyang bibig!gusto niyang siguraduhin talaga kung mananaig ang pagmamahal niya dito sa malalaman niya na totoong pagkatao nito!!
"Ihatid mo na ko sa amin prince!malamang nag aalala na ang mommy at daddy sa akin!!"tanging nasabi niya lang dito!!tumango naman ito at agad na pinangko siya at mabilis umalis na sa lugar na iyon!!!
umiiyak ang mommy niya ng salubungin siya nito!!
"bakit ngayon kalang?kanina pa kami nag aalala sau!muntik na kami tumawag ng pulis!gabing gabi na saan ka ba nanggaling? sunod sunod na tanong nito sa kanya!!
"pasensiya na mommy kasi naligaw po ako tapos yung bag ko naisnatch kaya diko alam kung paano uuwi buti nalang at nakasalubong ko sa daan si Prince kaya nagpahatid na po ako pauwi!! "pagsisinungaling niya sa mahal na ina!ayaw niyang mag alala pa ang mga ito kung sasabihin talaga niya ang totoo.
"si daddy nasaan?may pag alala sa boses niya kasi alam niyang mahina ang puso nito kaya kanina pa siya kinakabahan baka kung napaano ito!!
"nasa kuwarto na!kanina pa yun di mapakali pero buti at nakatulog na rin!!"
nakahinga siya ng maluwag!
" Maraming salamat sau Liam hijo. naku kung hindi mo nakasalubong itong unica hija ko eh baka kung napaano na! "siguro itinadhana talaga kayo sa isa't isa biruin mo sa dami ng pede niyang makasalubong ay ikaw pa talaga!!! manghang wika ng mommy nya!!
"naku hinding hindi ako tututol kung kayong dalawa ang magkakatuluyan!! madiin na wika nito!!
"Mom naman!!" pulang pula ang mukha ni almira dahil sa sinabi ng ina!!
"huwag ho kayong mag alala
Mrs. Villaflorr nakahanda ho akong protektahan si Almira anumang oras!! matapat na wika nito!!
"naku hijo!tita nalang ang itawag mo sa akin! dika na naiiba ang dami mo ng nagawa para sa pamilya ko!! nakangiting sabi nito!!
napatingin siya sa gawing hagdanan at nakita niya ang kuya alfred niya na pababa dito!! matiim itong nakatingin kay prince at parang sinusuri nito ang buong pagkatao ng binata..
dali dali siyang tumakbo at yumakap sa kuya niya namiss niya ito dahil halos hindi sila nagkita ng lumipat ito sa bagong bahay nito...
"i'm sorry lil sis. naging abala kasi ako sa bagong bahay ko! promise ngayon babawi ako!! "
hinagod hagod nito ang buhok niya!!
" ok lang yun kuya!! naiintindihan ko na naman na kelangan mo na rin asikasuhin ang sarili mo kasi tumatanda kana!! kaya wag mo na ko alalahanin. malaki nako at kaya ko na ang sarili ko! enjoy your new house !pero sana hindi si jen ang makakatuluyan mo!! alam nitong hindi siya boto sa nobya nito noon pa! ngumiti lang ito at biglang tumingin kay prince!!
"alfred anak ito si Liam yun sinasabi ko na bagong investor natin at siya rin ang nakakita dito ke mira at naghatid dito pauwi!!
lumambot ang mukha ng kuya niya!humarap ito kay prince at inabot ang kamay niya dito!!
"salamat pare sa pagligtas dito sa makulit kong kapatid!ikaw na bahalang mag adjust diyan!!
biro nito ke prince!! nagulat naman si almira akala niya ay susungitan nito si prince pero bakit parang nakuha din nito ang loob ng kuya niya ng ganun kabilis!! magtataka pa ba siya eh me sa engkanto nga diba!!
"mommy gutom na gutom na ko!!lumapit siya sa ina at yumakap!!
" sandali at iinitin ko ang pagkain ng makakain kana!!"
Nagpaalam na si prince na uuwi na dahil ayaw na rin nitong istorbohin sila!!
inihatid niya ito sa labas.wala nga pala silang dalang sasakyan!!ito ang isa sa mahiwagang bumabalot sa lalaki kun paano nito nagagawang tumakbo ng ganun kabilis o kaya ay sa isang iglap ay nasa ibang lugar na sila!!marami siyang gustong malaman!gusto niyang siguraduhing mabuti ang nararamdaman para dito!mahal na niya ito pero kaya ba niyang tanggapin ang sasabihin nito tungkol sa pagkatao nito!!
nakatitig lang si prince sa kanya!!bakit tingin palang nito ay grabe na ang bilis ng t***k ng puso niya!
"Prince gusto ko sanang magpasalamat sa pagligtas mo sa akin kanina!utang ko ang buhay ko sayo!sorry din sa sinabi ko sayo nung nakaraang araw tungkol kay Jake!! "I did'nt mean to hurt you!!sabi niya dito!!
lumapit naman si prince sa kanya at matiim pa rin tumitig sa kanya!!hinawakan nito ang kanyang pisngi!
"kahit ilang beses mo pa akong saktan hindi magbabago ang nadarama ko sayo Mira!ikaw lang ang babaing mamahalin at poprotektahan ko magpakailanman!!!at unti unti siya nitong hinalikan dahan dahan pero malalim!!alam na niya kung paano tugunin ang halik nito.napungol siya sa sarap ng halik ni prince!kaya lalong ginanahan ang binata sa paghalik sa kanya!!ngunit bigla din itong bumitaw sa kanya!
"If I should'nt stop! I cant control myself to take you home!!gigil na sabi nito sa kanya!!
"then take me home with you!!! biro niya dito!!
"Don't do this to me Mira!youll gonna regret it!!banta ni prince!!napahalakhak siya ng malakas!yumakap siya dito ng mahigpit!!
"prince i just want to be with you!!but i can't right now!marami pa kong tanong!marami pakong gustong malaman!!
"Handa na kong sagutin lahat ng tanong at lahat ng gusto mong malaman!!bukas susunduin kita!mag uusap tayo!!at nakahanda akong tanggapin kung ano man ang magigigng desisyon mo!! tumango siya dito tanda ng pagsang ayon sa sinabi nito!!
maghihintay ako sayo bukas!! "
sa huli ay hinalikan siya uli nito bago umalis!!
naalimpungatan si almira dahil sa malakas na sigaw ng kanyang mommy! dali dali siyang bumangon at lumabas ng kwarto! nakita niyang humahangos ang mommy niya at umiiyak!!pag lingon niya sa kwarto ng mga ito ay lumabas ang apat na tao na na may bitbit na stretcher at nakasakay ang daddy niya dito!biglang kinabahan si almira napatingin siya sa inang umiiyak!
"mommy anong nangyari?garalgal na tanong niya sa ina.
"ang daddy mo kanina ginising ako naninikip ang dibdib kaya tumawag nako ng ambulansya!
ngayon wala ng malay ang daddy mo Mira!! umiiyak na sabi nito!!
maging pati siya ay hindi na napigilan ang mapaiyak. dumating na naman ang kinakatakutan nila! nung huling maospital ang daddy niya ay sinabihan na sila na maaring sa susunod na pag inatake ito ay hindi na kakayanin ng puso nito at kailangan ng maagapang transplant para mailigtas ang buhay nito!!niyakap niya ang ina at inalalayan ito pababa ng hagdan nasa baba naman ang kuya niya at kausap ang emergency doctor! tumingin ito sa kanya!
"Mira ikaw na muna bahala ke mommy ako na sasabay sa ambulance! sumunod nalang kayo ni mang cardo!" utos nito sa kanya at nagmamadaling sumakay ng ambulansya!
dali dali din silang sumakay ng sasakyan ng mommy niya para sumunod sa ospital!
yakap yakap niya ang mommy niya sa loob ng sasakyan ng marinig niya ang boses ni prince. lumingon lingon siya ngunit hindi niya makita ang binata paano naman mangyayaring nandito yun eh nasa loob sila ng sasakyan!kinakausap ba siya nito sa kanyang isipan. maging ang kanyang isipan ay napasok na rin nito !!pambihira talaga ito!
"are you ok my love" may pag aalala sa boses nito!
"paanong pati isipan ko ay napapasok mo? totoo ba to?
" saka ko na ipapaliwanag sayo! anong nangyari? bakit ka umiiyak? "
" ang daddy sinugod sa ospital inatake kanina! parang batang sabi niya dito!
be strong my love I'll come to you!!
pag pasok palang nila sa ospital ay sinalubong na siya ni prince at niyakap siya nito! parang nakahanap naman siya ng kakampi mula dito!!
ang mommy naman niya ay dumiretso sa kuya niya at kinausap ito!saktong lumabas ang doctor na tumingin sa kanyang ama!
"hindi na ho ako magpapaligoy ligoy pa!delikado po ang kalagayan ng pasyente!kailangan po na mag under go transplant operation agad para maisalba natin ang buhay ni Mr.Villaflorr !pero sa kasamaang palad po kulang po tayo dito sa pilipinas ng mga donor !! sa america lang ho ang malaki ang chance na makahanap ng donor pero hindi parin ho nakakasigurado kung maisasagawa ang transplant agad agad!"
tuluyan ng napahagulgol ang kanyang ina!alam nilang darating ang ganitong sitwasyon ngunit matigas ang ulo ng kanyang ama at ayaw nitong mag pa opera!ngayon paano na? hindi niya alam ang gagawin ayaw niyang mawala ang daddy niya!!
"we have a family doctor 's that could help!!ipaaayos ko ang lahat! para bukas na bukas maari na kayong lumipad para sa operasyon ni Mr.Villaflorr!!"
halos sabay silang napalingon kay prince.hindi na niya pinansin kung nasa tabi niya ang ina at kuya niya.dali dali siyang yumakap ng mahigpit dito dahil sa tuwa!!lagi itong nasa tabi niya!ito ang kanyang "night and shining armor!"
"naku Liam hijo salamat sa Diyos at ibinigay ka sa amin!!
tuwang tuwang sabi ng mommy niya at ang kuya niya ay tumango lang tanda ng pagsang ayon sa tinuran ng ina!!
nagpaalam sandali si prince para asikasuhin ang lahat!! kasama nito ang kuya niya!!
makalipas ang ilang oras ay bumalik na ang kanyang kuya at hindi nito kasama si prince gusto niya sanang tanungin ito pero naunahan siya ng hiya baka isipin nitong may gusto siya sa binata!!
"ano nang balita kuya? anong oras daw tayo aalis? "
" were leaving tommorrow! you have to go and mom to pack up all our things! ako na muna ang bahala dito!! nabunutan siya ng tinik sana maging maayos lahat at sana ay maging successful ang magiging operasyon ng daddy niya!!
nakahanda na ang lahat sa private plane ni prince sila sasakay at ito rin ang maghahatid sa ospital na mag oopera sa kanyang daddy!si lauren ay hindi nakapunta masama daw ang pakiramdam nito pero lagi naman itong tumatawag sa kanya para mangamusta!!
ang akala niya ay hindi sasama si prince pero nagulat siya ng bigla na naman itong sumulpot at nakasuot ng simpleng puting t shirt na pinatungan ng black suit at blue jeans.napakaguwapo tlaga nito kahit simple lang ang suot!
hinawakan nito ang kanyang kamay at inilalayan hanggang makaupo sila sa loob!ang kuya naman niya ang nakaalalay sa kanyang mommy!buti nalang at hindi sumama ang gilfriend nito dahil hindi naman talaga niya ito inituring na kapamilya!!!
naging mahaba ang biyahe humigit 16 anim na oras pero hindi naman siya naiinip dahil laging nasa tabi niya si prince at ang mommy niya at kuya na naging malapit ang loob sa binata!magaling makipag usap si prince! ito ang napansin niya dito! madali nitong nakakapalagayang loob ang kausap!kaya maging siya ay nadadala din dito.lagi itong nakasulyap sa kanya na parang may gustong laging sabihin!at hindi na nga ito nakatiis!!
nag paalam siya sa ina na mag babanyo lang! naghilamos siya at nagsipilyo nag halfbath na rin siya dahil kanina pa siya nanlalagkit !nag palit narin siya ng damit dahil malapit na rin silang lumapag!pag labas niya ng banyo aynagulat siya ng mula sa likuran niya ay sumulpot si prince at yumakap sa baywang niya ito!grabeng kuryente ang kanyang naramdaman.lalo na ng halikan nito ang kanyang batok at bumulong!!
I 've miss you so much !!humarap siya dito at dahil masikip ang pasilyo ng eroplano ay halos magkadikit ang kanilang katawan.ramdam na ramdam niya ang matitipunong nitong mga braso at dibdib at ang hininga nito na napakabango!napapikit siya ng dahan dahan siya nitong halikan!nag uumapaw ang kanyang dibdib sa bawat hagod ng halik nito!bumaba ang labi ni prince sa kanyang leeg!napaungol siya sa sarap ng nararamdaman! bumaba ang kamay nito at dahan dahan hinimas ang kanyang dibdib na lalong nagpadarang sa kanya!!ipinulupot niya ang kamay sa batok nito at siya na ang kusang humalik dito!!halos maputulan siya ng hininga ng maghiwalay ang kanilang labi!!
"I can smell your arousal my love!"
sabi nito na abot hanggang tenga ang ngiti na nagpapula sa kanyang pisngi pati ba naman yun ay hindi niya maitatago sa binata.
"you can't hide anything from me!ultimo bilang ng buhok mo ay alam ko!!kumindat ito sakanya!
"kanina pa kita gustong masolo buti nalang nagkaroong ako ng pagkakataon kundi baka sa harapan ng kuya mo at ng mommy mo gawin ko sayo to!!sabay tawa nito!kinurot niya sa tagiliran at inirapan ito!!
"ewan ko sayo!!halika na baka kanina pa naiinip ang mommy at kung ano pang isipin nun!!"
"mahimbing silang natutulog sinilip ko kanina!!" palusot pa nito!
Prince salamat sa tulong mo!lagi ka nalang nandyan para sakin baka masanay ako!!"
seryosong sabi niya dito!!
" then be it!!karugtong na ako ng buhay mo Almira!ikaw ang buhay ko at hindi mo na yun mababago!!"mahal na mahal kita Almira!!" hinalikan niya si prince at sabay tumalikod dito!hindi pa ito ang tamang oras para sagutin niya ang binata may kailangan pa siyang ayusin bago tugunin ang pagmamahal nito!!
ng lumapag ang eroplanong sinasakyan nila ay may sampung katao ang sumalubong sa kanila nakasakay ang mga ito sa isang ambulance at ang iba naman ay sa private car! para silang vip kung asikasuhin ng mga ito. si prince naman ang ang nakipag usap at nagmamando na dapat gawin! naibaba na rin ang kanyang ama at isinakay sa ambulance papunta sa ospital!!
mamamangha ka dahil hindi pangkaraniwan ang ospital na pinagdalhan sa kanila! isa itong mala hotel kung titingnan. napakalinis nito sa loob at sobrang tahimik wala kang makakasalubong na mga taong nagkukumpulan! parang bihira o hindi mo nga makikita ang mga doctor na dumadaan! tumingin siya kay prince na nagtatanong alam niyang nababasa nito ang isip niya kaya kahit hindi siya magsalita ay alam na nito ang gusto niyang sabihin.
"private ang hospital nato!! no one is allowed without our permission!! magiging ok ang lahat baka nga mamaya makakusap mo na agad ang daddy mo!!"
sumandal siya sa matipunong dibdib nito!
" I just wanna say sorry that I'll always giving you a mess since we've met!! I'm so lucky to have you prince!! sana hindi ka mapagod!! tuluyan ng tumulo ang luha niya at niyakap ito ng mahigpit!!
hinagod hagod ni prince ang kanyang likod at hinalikan ang kanyang buhok at hinawakan nito ang kanyang baba at itinaas patingin sa kanya!
"hindi ako mapapagod alagaan ka Mira!!pamilya mo! pamilya ko na rin!!pagkatapos ng lahat ng ito sisingilin kita!!makahulugang pabiro nitong sabi sa kanya!!
napatawa siya sa sinabi nito.may itinatago rin palang kakengyuyan ang mokong na to!!
"I'm willing to pay my love!!"
mahinang bulong niya dito!!
nanlaki ang mata nito na parang nagulat sa sinabi niya!!
"tama ba yun narinig ko???"
umirap siya dito!
"nagiging mahina rin pala ang pandinig ng tulad mo?!"
"No i can hear what you've said !loud and clear!!hinila siya nito ng akto siyang palayo dito!!
"you make me crazy you know!!"humanda ka talaga sakin pagkatapos ng lahat ng to!!be ready cause I'm gonna punished you so hard!!!
namula ang pisngi niya sa sinabi nito at biglang nag init ang kanyang katawan!
"I can smell your arousal my love" pang aasar nito!
"shot up!!" nahihiyang tinalikuran na niya ito at mabilis na umalis!!
"kasi ba naman bakit diko mapigilan ang sarili ko na wag kiligin sa mokong na yun!!"
I can hear you my love!"
bulong nito sa kanya!!
" shot up mr. stalker!!!""