THE SECRET

722 Words
(LAUREN'S POV) Ala- sais na nakauwi si lauren sa mansyon. madami pa silang pinag usapan ng mag pipinsan tungkol ke Almira, alam niya maging ang mga ito ay di maiwasan madala sa aura ng dalaga,me kakaiiba talaga dito, maging siya ay di nya malaman kun ano iyon,pero alam nya mahal nya ito bilang kapatid at kahit anong mangyari handa nya itong protektahan . Mag 20 na sya, ilang buwan nalang at magaganap na ang pinakahihintay ng lahat ang maging ganap siyang vampira. Oo lahi sila ng vampira, un ang matagal ng pinakatatagong lihim ni Lauren sa kaibigang si Almira . pareho din naman sila ng pangkaraniwang tao na kumakain din ng kung ano mang kinakain ng mga ito, mas masarap nga lang ang dugo ng tao dahil nagbibigay ito ng lakas at kabataan sa kanilang lahi,pero dahil mabait silang vampira hindi nila ugali ang pumatay ng tao at sipsipin ang dugo nito,dugo ng hayop ay sapat na sa kanila at kundi talaga nila mapigilan ang tawag ng pagkauhaw, maghahanap sila ng biktima ngunit sapat na dugo lang sipsipin nila dito para hindi malagutan ng hininga at buburahin nila ang memorya ng mga ito para walang maalala at hindi matrauma.nakakasakit lang sila at nakakapatay kapag talagang kailangan nilang protektahan ang sarili o ang mga mahal sa buhay,natutulog din sila kun kelan nila gustong matulog, ngunit hindi sila basta basta nakakaramdam ng pagod o ng hirap dahil likas silang malalakas lalo na ang pang amoy at pandinig,maging ang pagiisip ay kaya nilang basahin, mas iba lang sila sa pankariniwang vampira dahil nabibilang sila sa royal family lalo na siya na isang prinsesa, at anak ng haring vampira, mas malakas siya at mabilis ,kaya rin nyang magteleport at baguhin ang anyo, matalas din ang kanyang paningin kaya nyang makita ang tao,hayop o bagay kahit gaano pa ito kalayo, ngunit meron din naman silang kahinaan,Iyon ay ang kanilang mate, dahil pag natagpuan na nila ito,, ay hindi nila mapipigilan ang kanilang puso na mahalin ito at mananatiling ito lamang ang kanilang mamahalin at sasambahin habangbuhay.... pag naging ganap na ang kanyang pagiging vampira ay maaari na nyang mahanap ang kanyang mate, ngunit hindi ibig sabihin ay agad agad na matatagpuan nya ito, dahil tadhana ang maghahatid sa kanya para mapagbuklod ang kanilang landas.maari rin silang makipagniig sa kahit na sino hanggat hindi pa nila natatagpuan ang kanilang mate,ngunit kapag natagpuan na nila , ay wala ng mas mahalaga sa kanila kundi tanging ito lamang at hindi na rin sila makakaramdam ng pagnanasa sa iba.para itong sumpa sa kanilang lahi, dahil kahit anong gawin nila ay hindi nila mapipigilan o mababago kung sino man ang nakatadhana sa kanila... Pag naging ganap na din syang vampira ay titigil ang t***k ng kanyang puso ngunit ang tanging makakapagpapatibok lang uli nito ay ang kanilang mate.kaya malaking bahagi ng buhay nila ang matagpuan ito at makasama .. mas madali kun kapwa vampira ang kanilang magiging mate dahil madali nila itong mapapa ibig,ngunit kun pangkaraniwan tao lang ang kanilang katadhana ay mahihirapan sila dahil kelangan pa nila itong gawin kauri nila at kun hindi ito pumayag ay magiging malaki itong problema ,hindi nila saklaw ang puso nito,kailangan nila itong kusang mapaibig,kaya marami ang nagnanais na kapwa nalang din nila vampira ang maging katadhana.... Para kay Lauren kahit pankaraniwang tao o vampira ay walang problema sa kanya handa syang mag antay kahit gaano katagal,ayaw nyang makipag relasyon sa iba,hanggat hindi pa nya tatagpuan ang mate nya mas lalo naman ang makipag hmm.. alam mo na" hindi katulad ng kuya prince nya na kun sino sinong babae ang nalilink dito, katwiran nito ay hindi naman sya ang lumalapit kundi ang mga chicks ,at saka ayaw pa daw nitong makilala ang mate ,dahil baka daw hindi sexy o maganda, kaya hanggat hindi pa sila nagkikita ay magpapakasawa na muna daw sya ... hay naku!mabait naman ang kuya nya,minsan napagkakamalan nga itong suplado which is totoo naman, tahimik lng kasi ito, hindi rin pala ngiti,short temper din ito,mabilis magalit at mainis, pero sa chicks ay naku matinik, ibat iba ang lagi nitong kasama palibhasa club owner ito kaya madami ang babaeng lumalapit dito..,hay sana naman matagpuan na nito ang kanyang mate para magtino na ang buhay nito.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD