“Gusto mong gamitin?” tanong ni Alexandros sabay taas sa hawak na toothbrush habang nakatingin kay Cassandra. Ewan ba niya kung ano ang pumasok sa utak niya at naisip niya ang birong iyon. Ngunit biglang nabura ang ngisi niya nang lumapit si Cassandra at nakangiting inagaw nito ang sepilyo mula sa kanya. “Why not?” “Huh!” bulalas niya. At wala siyang nagawa kundi panoorin ang dalaga habang nilalagyan ng toothpaste ang hamak niyang sepilyo. Pagkuwa’y nagsimula na itong mag-toothbrush. He was stunned. Nagbibiro lang naman siya. Akalain ba naman niyang seseryosohin iyon ng dalaga? Naaliw siyang panoorin ito. At bakit naman hindi? Bumabakat ang mahubog nitong katawan sa manipis na shirt sa pagkakadukwang sa lababo. Napakaganda niya talaga. At nang mas lalo pa itong dumukwang sa lababo

