“Dress yourself up and leave,” malamig na utos ni Alexandros kay Cassandra. Nakaupo ito sa gilid ng kama patalikod sa kaniya. Marahang hinahagpos ang sariling ulo at batok. Halata ang galit na tinitimpi. “Bago ko maisipang arestuhin ka at bitbitin sa kulungan.” Cassandra rolled herself on the other side of the bed. Kahit nanghihina ay pinilit niyang tumayo. Mabilis pa sa alas-kuwatrong tumungo siya sa banyo upang maglinis ng sarili. Naroon din ang mga damit na hinubad niya kanina, ang mga iyon uli ang isusuot niya sa pag-alis niya sa lugar na ito. Itinodo niya ang bukas ng shower. Umaasang huhugasan ng tubig mula sa dutsa ang masamang karanasan niya ngayong gabi, maging ang sakit at lungkot na dumudurog sa kaniyang pagkatao. “No, Cassandra, you can’t be weak,” sabi ng utak niya. “Yo

