Kabanata Tatlumpu't Isa Marcus Point of View Punung puno na ako, gigil na gigil mula pa kanina. Kahit ilang beses kong tangkain na pumasok sa kwartong kinalalagyan ngayon ng aking asawa, hindi ko magawa dahil nakaharang doon ang tatlong kapatid niya na halos kainin na ako ng buhay sa pamamagitan ng mga mata nila. Kasalukuyan kaming nasa ospital, isinugod nila si Maxene dito matapos itong mawalan ng malay sa mga braso ng kanyang kapatid na hindi ko na nakilala dahil sa sobrang pag aalalang aking naramdaman. Kanina------ ang mga mata niya.. nakatingin iyon sa akin habang dahan dahang tumutulo ang kanyang mga luha.. hindi ko kayang ipaliwanag yung takot, kaba, pagtataka------halo halo na ehh sabayan po ng malakas

