"Huwag kang humiwalay sa paghawak sa akin kalaisha..upang di ka malayo sa akin !,sobrang dilim ng paligid at di na natin alam kung saan matunton Ang malaking pinto rito upang makakalabas Tayo dito.." Sabi Naman ni Ismael. "O- okay Ismael.." Tugon ni Kalaisha sa panginginig ng boses. "Sinasabi ko na nga ba,masama talaga Ang kutob ko sa unang pagpasok palang natin dito kanina.." mahinang Sabi ni ismael. Hindi Nila alam kung Ano na Ang dinadaanan nila dahil sa sobrang dilim kaya naisipan ni Kalaisha Ang kanyang cellphone sa bag,kinapa niya ito roon upang gamitin pang tanglaw nila! Ngunit di pa nakuha ni Kalaisha Ang kanyang cellphone ay Isang malakas na kamay Ang biglang humablot sa kanya! "Ismael!Tulong!" Sigaw ni Kalaisha at mahigpit na humawak sa binata.namuwersa Naman Ang binata at n

