Matapos magpaalam kay mommy ay umalis na kami sakay ng kotse ni Terron. Nanatili akong tahimik habang nakaupo sa front seat. Nasa back seat naman ang dalawa kong anak na panay ang kwentuhan at kulitan, pero wala na roon ang atensyon ko. “We're here.” Medyo nagulat pa ako sa pag-anunsyo ni Terron. “Huh? N-Narito na ba tayo?” Napatingin naman ako sa labas. Pero agad na nanlaki ang mga ko nang makita kung nasaan kami. “S-Sandali lang!” Mabilis kong pinigilan ang braso ni Terron sa akmang pagbaba ng sasakyan. “Bakit tayo narito sa bahay niyo? Ano'ng gagawin natin dito?” Bigla akong kinabahan. “I told my parents that you're alive, and they wants to see you, especially my sister.” What?! “No, hindi puwede, Terron! I mean, hindi pa ako handang makita sila't makausap. Ano na lang ang sasabihi

