10:38 AM Nakatulala lang si Jeziel habang nakaupo sa gilid ng swimming pool at iniisip ang kanyang mga nararamdamang sintomas. Kinakabahan siya sa totoo lang. Hindi siya maaaring magkamali, ganitong-ganito ang sintomas ng isang buntis. Nung nagbuntis siya kay baby Theo ay ganito rin ang naramdaman niya, madaling masuka at mahilo, mapili sa mga pagkain. Ngayon ay kasalukuyan siyang nasa swimming kasama si Tanya na kanina pa pabalik-balik ng langoy. Si Terron ay pumasok na ng prisento, at 'yung parents naman nito ay pumasok na rin sa kanilang mga trabaho sa ospital, pareho palang doctor ang mag-asawa. Kaya naman ngayon ay tanging sila lang ni Tanya ang naiwan sa bahay at ng kanyang anak na kasalukuyan namang binabantayan ng Nanny nito sa loob ng bahay. “Jez, ano'ng iniisip mo riyan?” “Ho

