“Mommy, magbasa ka pa po ng kuwento sa akin.” “Anak, malalim na ang gabi kaya dapat matulog ka na. Baka bukas niyan ay tanghaliin ka pa ng gising at ma-late pa sa klase mo.” My daughter frowned. “But I can't sleep, mom. Gusto ko pa po ng kuwento…” Hindi ko mapigilan ang mapangiti at marahan na hinaplos ang buhok ng anak ko na hindi raw makatulog pero parang hindi na kaya pang imulat ang mga mata. “Sige na nga, babasahan ka na lang ulit ni mommy ng story.” Wala na akong nagawa kundi buklatin ang isang story book at ito'y marahan na binasa. Hindi nagtagal ay napangiti na lang ako nang tuluyan nang makatulog ang anak ko. Marahan kong hinaplos ang buhok nito at kinumutan na, nahiga na rin ako sa kama. Pero hindi ko pa naipipikit ang mga mata ko nang may kumatok naman sa pinto. “Anak, gis

