“Masyadong mapanganib ang lalaking 'yon, Jeziel. Hindi ka dapat pumunta sa teritoryo niya! Paano na lang kung hindi ko nalaman na naroon ka pala? Baka kung ano na naman ang gawin sa 'yo ng lukong 'yon! Hindi ka ba natatakot sa kanya, ha?!” sermon sa akin ni Kuya Axle habang lulan na kami ng sasakyan pauwi. “That dude is a psychopath, kailangan talaga ng mahigpit na pagbabantay para hindi siya makalapit sa kapatid mo, Ax. Siguradong gagawa ulit 'yon ng hakbang para makakuha ng tamang tiyempo, at baka kidnapin na ang kapatid mo sa susunod,” dagdag naman ni Kuya Bricks. Talagang gumatong pa ang luko. Kaya naman ay parang mas lalong sumeryoso si Kuya Axle at tiningnan pa ako sa mirror ng sasakyan, pero agad naman akong umiwas ng tingin at tumingin na lang sa labas. Nasa front seat silang da

