KASALUKUYAN na kaming kumakain ng dinner sa dining area kasama ang parents ko, dalawa kong anak, at si Terron na napakatahimik, nagsasalita lang ito kapag tinatanong ni mommy at daddy. At ako naman ay hindi makatingin sa kanya ng diretso dahil hindi ko kayang salubungin ang kanyang tingin. Kaya naman para hindi makahalata ang parents ko ay nagkunwari na lang akong busy sa pag-asikaso sa dalawa kong anak na nasa tabi ko nakaupo. “Hijo, ano kaya kung dito ka na lang muna sa amin matulog ngayong gabi?” my mom suggested. Bahagya namang humigpit ang hawak ko sa tinidor dahil sa narinig. Nang mag-angat ako ng tingin ay agad na nagtama ang mga mata namin ni Terron. I don't know but there's something in his eyes that I couldn't explain the way he looked at me. Mabilis ko nang iniwas ang tingin

