NAPANGIWI si Jeziel nang maramdaman ang pagkirot sa pagitan ng kanyang mga hita, mukhang nagkasugat yata sa loob ng kanyang private part dahil ramdam niya ang hapdi nito lalo na kapag umiihi siya. Kahit hinang-hina ang katawan ay pinilit niya pa ring bumangon at bumaba ng kuwarto habang nakabalot ng makapal na kumot. Ayaw niya sanang lumabas pero mula kanina pa siya tinatawag ni Dylan para sa kanilang lunch, ayaw naman niyang magalit ito kaya kahit bugbog-sarado ang kanyang katawan ay pinilit pa rin niya ang kanyang sarili. Pagkababa ng stairs ay agad niyang nakita si Dylan na mala-haring nakaupo sa may dining area. Nang makita siya nito ay agad na nagsalubong ang mga kilay sa kanya. “At sinong nagbigay sa 'yo ng pahintulot na magdala ng kumot dito?” kunot ang noo nitong tanong sa kanya

