Chapter 24 Mierve's POV Kahit excited akong makita siya ay hindi nawawala ang kaba sa dibdib ko. Alam ko na galit pa rin siya sa akin dahil sa nalaman nito. Hindi pa ako handa na kausapin siyang muli. Natatakot ako sa posibleng mangyari sa pagkikita naming muli. Ang buong akala ko ay sa opisina ako dadalhin ngunit sa isang pamilyar na lugar ako dinala ng sekretarya nito. Wala akong nagawa ng dalhin ako ng sekretarya nito sa condo niya dahil pinapasundo niya ako. Isa pa, utos ng May-ari ng mall na pinapasukan ko. Sino ba ako para tumanggi? Wala akong ideya kung bakit nito ako pinapunta rito. Ang pinagtataka ko ay bakit hindi na lang sa opisina nito? Bakit kailangan pa sa condo unit ako dalhin? Nasa loob na ako ay hindi ko makita sa mga mata nito na excitement. Bagkus ay tiim baga

