Chapter 11

1681 Words
Chapter 11 Mierve's POV Nagmamadali akong kumilos. Habang nag-aayos ay pinakuha ko na kay Mandy ang skirt ko sa sampayan. Pagkatapos ko magkilay ay nagpahid agad ako ng lipstick sa labi ko. Ito na rin ang nilagay kong blush on sa pisngi ko na agad ko naman kinalat sa aking pisngi. Pagkatapos ay nagsuklay na ako ng buhok. Tumutulo pa nga ito at basang-basa na ang sahig dahil sa tubig. "Mandy! Nasaan na?!" tawag ko sa kapatid ko dahil tapos na ako lahat-lahat sa ginagawa ko ay wala pa rin ito. "Nand'yan na ate!" tugon nito. "Naku talaga, Mandy. Kapag na-late ako ngayon, hindi talaga tayo lalabas sa day off ko. Bahala ka lumabas mag-isa." Reklamo ko sa kapatid. Bago kasi kami natulog ng nagdaang gabi ay may pinakita sa akin itong korean drama. Fan ako ng korean drama at paborito ko pa ang star ng naturang drama. Ang siste ay, alas tres na ng madaling araw ako natulog. Nag-alarm ako sa cellphone ko, pero nakakailang tunog na ang alarm ay pinapatay ko lang at natutulog akong muli dahil sa antok ko. Hanggang sa napabalikwas na lang ako ng bangon ng maalala ko na pasok pala ako. "Bakit ako sinisisi mo ate? Sino ba naman kasi may sabi sa'yo na ubusin mo panuorin ang episodes ng Love in the Moonlight?" sabi nito habang papasok ng kwarto. Dala na nito ang skirt ko. "Sinabi mo kasi sa'kin. Kung hindi mo sinabi eh, hindi ko panunuorin." Giit ko. Naupo ito sa kama at pasalampak na nahiga. "Pambihirang ate, kasalanan pa ng bunso." Bulong nito. Kinuha ko ang skirt sa kamay niya at mabilis kong tinanggal ang short ko na suot. Naghubad na ako sa harap nito. Agad ko isinuot ang skirt ko saka nakangiting tumayo sa harap nito at umikot. "Okay na ba ang ayos ko, Mandy?" bagkus ay tanong ko sa kapatid. Tumaas ang isang kilay nito saka ngumuso. "Kahit hindi mo itanong sa akin ate, maganda ka na." Pagtataray nito. Lumawak ang pagkakangiti ko at lumapit sa kapatid ko. Yumukod ako at mabilis kong pinisil ang pisngi nito. "Ate, masakit!" bulalas nito. Pilit nitong inaalis ang kamay ko sa pisngi nito pero nagpatuloy ako. Ganito ako ka-sweet sa kapatid ko. Kulang na lang sa sobrang gigil ko sa kapatid ko dahil sa mga kakulitan nito ay gusto ko itong palitan bilang kapatid. Pero dahil mahal ko ang kapatid ko, matagal pa ako magtitiis sa katabilan ng dila nito hanggat hindi pa ito lumalagay sa tahimik. Pabalya ko binitawan ang pisngi nito kasabay ng pagkawala ng ngiti ko sa labi. Nakapamaywang akong tumayo sa harap nito sabay ngisi dahil pulang-pula ang pisngi nito sa ginawa ko. Naupo ito sa kama habang himas ang pisngi. Nakasimangot itong tumingin sa akin. "Ang harsh mo sa akin ate. Guluhin ko talaga make up mo para mas lalo ka pang ma-late," sabi nito na ikinalaki ng mata ko. Nagmamadali kong nilagay sa shoulder bag ko ang ID at mga make up kit ko. Magre-retouch pa kasi ako sa locker. "Ipagdasal mo na hindi ako ma-late ngayon," sabi ko pa rito bago ito tinalikuran. "Kunwari ka pa eh, paborito mo naman 'yung bida kaya ka inumaga ng panunuod," sabi nito habang nakasunod sa akin. Tinungo ko ang kusina at kinuha ang baon kong kanin at ulam. Nakalagay na iyon sa lunch box. Bago ako naligo ay nagluto muna ako ng baon ko sa trabaho. Mas mainam na lang ang magbaon kaysa ang bumili sa canteen. Mas mahal pa kasi ang mga ulam doon kaysa sa niluluto kong almusal na para sa aming tatlo. Mas nakakatipid kapag nagbabaon ako ng tanghalin. "Eh, ano naman? Pasalamat ka si Park Bo Gum ang nagpapuyat sa'kin. Kung hindi, maghapon talaga tayo rito sa bahay sa day off ko." Sabi ko na sinamahan ko ng pananakot. Napangiti ako ng yumakap ito mula sa aking likuran. Kapag ganitong yakap ay nawawala ang lahat ng pagod at puyat ko. "Ate, sge na, lumabas tayo sa day off mo. Kawawa naman si tatay, palagi na lang na nasa bahay." Paglalambing nito sa akin. "Pag-iisipan ko," biro ko rito. Hindi ko naman bibiguin ang mga ito. Kapag sinabi ko na lalabas kami ay gagawin ko. Isa pa, iyon na lang ang araw na kasama ko ang mga ito. Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at marahan akong kinurot sa tagiliran ko. "Kilala na kita ate," nakangiting sabi nito ng sulyapan ko. Inirapan ko lang ito at lumabas na ng kusina. Nakita ko si tatay na nakaupo sa kahoy naming upuan sa labas ng apartment. Lumapit ako rito at nag manong bago ito hinalikan sa pisngi. "Tay, 'yung gamit n'yo po huwag n'yo kakalimutan na inumin ha," paalala ko rito. "Mandy, ikaw ang nandito kaya ikaw na bahala magpainom kay tatay." Baling ko naman kay Mandy. Nakangiti itong naupo sa tabi ni tatay na tahimik lang na nakamasid sa akin. Nabanaag ko ang lungkot sa mga mata nito. Pero hindi ako nagpaapekto dahil sa nakalipas na anim na taon ay naging matatag na ako. Hindi na ako ang Mierve na iyakin. Kapag hindi ako naging matapang sa buhay ay baka wala kaming ganitong buhay. Simula ng ma-stroke si tatay ay ako na ang umako ng responsibilidad nito sa amin ni Mandy. Dapat ko lang palitan ang lahat ng sakripisyo na ginawa niya sa aming dalawang magkapatid. Kahit mahirap ay kinaya ko para lang mapagtapos si Mandy sa pag-aaral. Ngayon nga at malapit na siyang grumadweyt sa kursong Business and Administration. Niyakap ni Mandy si tatay saka tumango. "Ako na ang bahala kay tatay, ate. Basta huwag mo kalimutan ang pasalubong namin ni tatay," nakangiting sabi pa nito. Ngumuso naman ako sa kapatid ko na walang bukang bibig kun'di pasalubong. Kahit noong uuwi ako galing sa panggabi kong trabaho ay palagi itong nagpapaalala ng pasalubong daw nila ni tatay. Kung hindi ko lang talaga kapatid ang babaeng ito ay inihagis ko na ito sa kanal. "O sige na, aalis na ako. Mandy ha, 'yung bilin ko." Paalala kong muli sa kapatid ko na tumayo na at sumabay sa akin palabas ng gate. "Ate, may sasabihin ako sa'yo," mahinang wika ni Mandy na umangkla pa sa aking braso. Natigilan naman ako sa paraan ng pagkakabitaw ng salita nito. Hanggat maaari ay ayaw ko makarinig ng kung ano man sa kan'ya. Kaya nga hindi ako nanunuod ng balita. Kahit sa cellphone ko ay hindi ako madalas sumilip. May f*******: account ako pero hindi ako ang nasa profile. Iniba ko lahat ng information ko na nasa media account ko. Alam ko na kaya niyang gawin ang lahat para lang hanapin ako. Tama, hahanapin niya ako dahil hindi na ako nagpakita sa kan'ya simula ng araw na iniwan ko siya sa condo unit niya na labis na nagpahirap sa akin. Ngunit hahanapin niya ako para hindi makita, kun'di para singilin sa kasalanan ko. Araw-araw akong nangungulila sa kan'ya. Gabi-gabi ako umiiyak sa tuwing naiisip ko siya. Hanggang sa nagsawa na lang ako. Sa anim na taon ay isang beses lang ako sumilip sa google para masilayan kahit man lang ang mukha niya. Gamit ang camera ng cellphone ko ay kinuhanan ko siya ng picture. Iyon na lang ang nagpapatanggal ng pangungulila ko sa kan'ya. "Mandy, huwag mo na ituloy. Aalis na ako dahil male-late na ako," pigil ko sa kapatid. "Okay, ikaw din. Baka magsisi ka bandang huli at hindi mo ako pinakinggan," panunudyo nito sa akin. Sinamaan ko ito ng tingin. Kapagkuwa'y hinila ko ang dulo ng mahaba nitong buhok. Natatawa na lamang ito na binabawi sa kamay ko ang buhok nito na hawak ko. "Ewan ko sa'yo. Bumalik ka na sa loob. Pakainin mo si tatay." Sabi ko rito at tinalikuran na ito. "Bye, ate. Ingat ka. Tumingin ka sa dinadaanan mo at baka makasalubong mo ang prince charming mo!" sigaw nito dahil nagmamadali na akong maglakad. Paglabas ko ng kanto ay agad naman akong nakasakay ng jeep. Mabuti na lamang at hindi mahirap sumakay sa labasan dahil sangdamakmk na jeep agad ang bubulaga sa akin. Pinili ko talaga ang malapit sa pinapasukan ko dahil oras na kailangan ako ni tatay ay pwede ako magpaalam sa department manager ko para mag-undertime. Thirty minutes lang kasi ang byahe patungo sa mall na pinapasukan ko. Nang huminto ang jeep sa tapat ng mall ay nagmamadali akong bumaba at naging lakad takbo na ang ginawa ko papasok ng employees entrance. "Bilisan mo, Mierve. Nand'yan 'yung CEO ng mall. Ayaw pa naman nya ang nale-late," bungad agad sa akin ni Kuya Bong, ang guard sa employees entrance. "Kuya Bong naman eh, pinapakaba mo ako." Sita ko rito. Tumawa lamang ito sa akin. Pagdating ko sa locker ay nagmamadali akong naglagay ng powder sa mukha para kahit paano'y maging fresh ang mukha ko. Saka ako naglagay ng eyeshadow at mascara sa pilikmata para naman magkabuhay ang mata ko. Pagkatapos ay nagmamadali ko na lang na basta sinalpak sa loob ng locker ang mga gamit ko saka ito isinara. Mamaya ko na siguro aayusin kapag lunch break na. Mabilis akong lumabas ng locker at patakbo ko na tinungo ang biometric para mag-tap ng may pumigil sa akin at inunahan ako. "Lintik ka Ara, inunahan mo pa ako." Reklamo ko at nagmamadaling nilagay ang hinlalaki sa biometric. Tatawa-tawa lang ang magaling kong kaibigan at katrabaho. "Ang bagal mo kasi. Halika na, may pogi tayong bisita. Bilisan mo." Sambit nito at nauna ng naglakad. Nagmamadali namin tinungo ang counter 12 dahil doon madalas magpatawag ng peptalk. Ako na rin ang humila kay Ara na ikinagulat nito. Tawang-tawa naman ako dahil muntik na itong matapilok dahil sa pagmamadali naming dalawa. Pagdating namin sa karamihan ay nagsisimula na nga ang peptalk. Dinig pa namin ang tuksuhan doon. Kami naman ni Ara ay abala sa pagsisipat ng aming sarili. Hindi na namin alintana ang biglang pagtahimik ng kapaligiran at ang bulungan. Bahagya akong humagikgik ng pinatirik ni Ara ang mata na animo'y may ginagawa sa kan'ya. Kapag si Ara ang kasama ko, pati utak ko nagiging wild. "Finally, I found you," isang pamilyar na baritonong boses na nagpatigil sa mundo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD