Chapter 29 Mierve's POV Nang umalis si Drixx ay agad akong nagbihis. Hindi ako papayag na basta na lang ako sasaksakin ako patalikod ng isa sa kaibigan ko. Tama na ang pananahimik ko. Nagmamadali kong tinungo ang bahay na pinaghihinalaan ko. Bago ko iyon pinuntahan ay tinawagan ko muna bago ako pumunta. Siniguro ko na naroon siya. Mabilis ko naman narating ang bahay niya. Pagdating ko doon ay siya agad ang hinanap ko. Ayon sa nakausap ko ay nasa study room daw nito ang pakay ko. Agad ko naman tinungo ang magaling kong kaibigan. Pabalya kong binuksan ang pintuan ng study room nito. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha nito sa ginawa ko. Tumayo ito at sinalubong ako. Hindi ko ito hinayaan makahawak sa akin. Bagkus, isang sampal ang sinalubong ko rito. "Bakit mo 'ko sinampal?" takang t

