KINO ELIAS VALDERAMA- When Kino woke up the next day, he immediately tapped the bed next to him. Para lang siguraduhing may kasama pa siya sa kama at hindi nag-iisa. Pikit mata siyang huminga ng maluwag ng mahawakan niya ang katawan ni Maria sa kanyang tabi. Nakabalot ito ng puting kumot habang namamaluktot ang katawan. He extended his arms into her small body and hugged her tighter. Matutulog na sana siya ulit kung hindi lang niya naramdaman ang bahagyang panginginig ng katawan nito. Napakunot ang noo ni Kino at agad bumalikwas ng bangon para suriin ang katabing babae. Nakayakap ang dalaga sa maliit nitong katawan at nangangaligkig sa ginaw kahit nakabalot naman ang buong katawan nito ng kumot. At nang hawakan niya si Maria sa noo ay doon niya napagtanto kung bakit ito nanginginig. N

