Bawat halik na pinagsasaluhan nilang dalawa ni Kino ay nakakapanghina. Nakakawala sa katinuan at nakakapanabik. Hindi niya alam na sa ilang araw nilang hindi nag-uusal ay ganito na pala niya ito ka-miss. Ramdam na ramdam ng bawat himaymay ng ugat niya ang mga haplos ng malambot nitong labi sa kanya. "You are seducing me, are you?" bulong nito kasabay ng pagdampi ng mainit na palad sa nakaladlad niyang hita. Noon lang niya naalalang suot lang pala niya ang roba na nakita sa banyo. Walang kahit anong nasa ilalim kaya nakahantad din sa lalaki ang ibabaw ng dibdib niya. "H-hindi..Hindi kita sine-seduce, Kino.." mahinang sagot niya sa kabila nag paghihirap na habulin ang hininga. "But I'm very very seduced, Maria.." buoong nito malapit sa puno ng kanyang tenga. Nang mas gumapang pa ang ka

