Isang linggo na ang lumipas mula ng magkasakit si Maria. Nagkakapaglakad na siya at medyo hindi parin komportable ang bandang gitnang hita. May iniinom parin siyang gamot na laging hinahanda ng lalaki pagkatapos siya nitong pakainin. Pakainin. Oo dahil mula noong may mangyari sa kanila ay hindi na niya nagagampanan ang totoong trabaho niya sa bahay na ito. Gumigising si Maria na malinis ang buong bahay at natutulog siyang walang nagagawa. Puro nalang si Kino ang kumikilos sa lahat na ultimo paghuhugas ng pinagkainan nila ay ayaw nitong ipahawak sa kanya. Gusto na niyang magduda kung sino ba ang talaga ang katulong sa kanilang dalawa. May mga sandaling tinatanong niya ang lalaki tungkol doon pero puro- "No, ako na ang bahala. Magpahinga ka dahil hindi ka pa gumagaling. I want you to be

