Ilang beses siyang napakurap ng mata pero walang lumalabas na salita sa kanyang bibig. Nakahiga parin si Maria sa couch, nanghihina at hubo't-hubad. Habangbang lalaki naman ay nakatitig lang na naghihintay siyang makabawi. "A-anong sabi mo?" ilang minuto bago niya nagawang sabihin. "I want you to marry me." mas malinaw nitong sambit dahilan upang matahimik siya ulit. "B-bakit?" "Because I love you?" patanong din nitong sagot. Umupo ito sa couch at napahilamos ng mukha. Parehas pa silang walang anumang saplot pero heto at inaalok na siya nito ng kasal. Hindi kaya nasobrahan lang sa pagod ang lalaki? "Hindi ganoon kadali 'yon diba?" sabi niya saka bumangon at umupo din sa couch sa tabi ni Kino. Napatitig ito sa kanya pagkatapos ay bumuga ng marahas na hangin. "I know, And I know t

