Hindi paman sila nakakaalis sa mesa ay may narinig na narinig na silang tikhim mula sa pinto ng dining. Sabay pa silang napalingon tatlo sa lalaking nakatayo sa bungad na mukhang kararating lang mula sa kung saan.. Nahihiyang napayuko nalang si Maria dahil walang ibang dumating kundi ang ama ni Kino na hindi niya matandaan ang pangalan. Para itong tore na sobrang tangkad at kababakasan ng kumpyansa ang buong tindig sa kabila ng edad. Sa unang tingin ay halos magkamukha talaga si Kino sa ama. Noong unang beses niya kasing nakita ang tatay ng lalaki ay hindi niya masyadong nabistahan ang mukha nito. Ngunit kung titingnang mabuti ay may hawig din si Kino sa ina nito na hindi din naman biro ang ganda. No wonder nakagawa ito ng isang napakagwapong lalaki. "Nandito lamg pal kayo. Hey, lovely

