Kino Elias- Habang nasa loob ng sasakyan ay panay ang buntong-hininga ni Kino. Gusto niyang kausapin si Maria pero natatakot siya sa katahimikang pinapakita nito. Ngayon lang yata siya nakaramdam ng ganitong takot sa buong buhay niya. Is she mad? Of course, you idiot! Sinong hindi magagalit kapag nakitang may humalik sa kanya na ibang babae? Hindi niya rin mabasa ang emosyong nakapaloob sa mga mata ng babae. Hindi naman niya inakalang hahalikan siya ni Leslie kaya hindi agad siya nakaiwas. That b***h! Nagtagis ang bagang niya at gusto niyang sunggaban si Leslie pero hindi niya nagawa dahil mabilis siyang tinalikuran ni Maria. Pumasok agad ito sa sasakyan kaya't atubili siyang sumunod para magpaliwanag sana pero katahimikan ang sumalubong sa kanya. Mas matatanggap pa yata niya kung

