Six: Give in For Few Minutes
Freya
Hindi pa man humuhupa ang balita sa pagkamatay ni Attorney Milan ay may gusto na namang ipapatay si Congressman Hidalgo. Marahas akong napabuga ng hangin at masama ang tingin na nakatitig sa kabibili ko lang na cellphone. Katatapos lang namin mag-usap at ang inuutos niya sa akin ngayon ay manmanan ang anak ng isang Senador.
Duda siya sa motibo ng babae kaya balak niyang paimbestigahan muna sa akin bago sumang-ayon sa gusto ng babaeng iyon. Alam kong may kuntsabahan na nangyari sa pagitan nina Congressman at Laiza Madrigal, nagkita na kaming dalawa ni Layza ngunit duda akong mamumukhaan niya ako kapag nagkita kami ng harapan dahil lagi akong nagsusuot ng face mask kapag may kausap si Congressman. That’s part of our deal.
Tinanggal ko ang simcard sa cellphone at hinulog iyon sa toilet bowl, pagkatapos kong i-flush iyon ay ibinulsa ko ang cellphone at lumabas na. Naglakad ako palapit sa motorbike ko, nasa isang gas station ako at nagpa-gasolina, malayu-layo ang biyahe ko ngayon kaya kailangan kong magpa-full tank.
Walang nakakaalam kung saan ako naglalagi—kahit si Congressman ay walang kaalam-alam. Marami akong lugar na pinagtataguan at halos lahat ng kagubatan sa buong bansa ay pinagpatayuan ko ng simpleng bahay-kubo para gawin kong pahingahan. Kailangan ko pa ring mag-ingat kahit pa sabihin na malinis ang ginagawa kong trabaho. Isa pa, may lahing traydor ang Congressman kahit pa sabihing sinusunod ko lahat ng mga utos niya ay may pagkakataong sinusubok niya pa rin ang katapatan ko sa kanya.
Pinaharurot ko palayo doon ang motorbike ko, isang lugar ang destinasyon ko ngayon. Ayoko man pumasok sa mga ganoong lugar ay kailangan ko dahil iyon ang laging tambayan ni Layza Madrigal. She’s enjoying every ounce of her life by f*cking everyone whom she likes to f*ck.
What a b*tch. Tch!
Sa loob ng mga nagdaang taon ay napigilan ko ang sarili ko sa gano’ng uri ng aktibidad. I promised someone that he’s the only one I want to make love with. Ilang beses akong na-tempt na magpakita sa kanya o puntahan siya dahil sa sobrang pangungulila ko sa kanya, ngunit hindi maari, kailangan kong mag-ingat at ayokong madawit siya sa gulo ng buhay ko.
I don’t want to burden him. Hindi ko kayang humarap sa kanya na ganito ang kalagayan ko. Para sa akin, simula nang lisanin ko ang kampo ay pinatay ko na ang lahat ng pangarap kong magkaroon ng masayang pamilya kasama siya. It won’t happen again. Never!
Marami kaming pangarap na binuo at pareho kaming nangako sa isa’t isa kaya sobrang sakit para sa akin ang ginawa kong paglayo at pag-alis ng hindi man lang nagpaalam sa kanya. I had to do it for the sake of my family and I know he would understand it.
Kasabay nang pagtigil ng mga sasakyan ay ang mabilis na paglalakbay ng mapait na alaalang sumira sa buhay ko.
Flashback . . .
Mabigat man ang loob ko habang naglalakad palabas ng kampo ay pinigilan kong umiyak—ni ang pagtulo ng aking luha ay pinigilan ko. Ayokong ipakita sa lahat na luhaan akong aalis sa kampong iyon, o mas tamang sabihing pinaalis dahil lamang sa isang walanghiyang pulitiko.
Ilang minuto lang ang ibinigay sa akin para mag-empake ng mga gamit ko. Pagkapasok ko pa lang sa kuwarto ko ay ang unang kinuha ko ay ang mga gamit na bigay ni Nicklaus. Kagat-kagat ang labi ko habang deretso lang ang tingin sa daan. Hindi ko pinansin ang ilang mga sundalong napalapit na rin sa akin, lahat sila’y nagtatanong ngunit kahit isa man sa kanila ay wala akong sinagot. Mahigpit ang banta sa akin na huwag ipagsabi kahit kanino ang dahilan ng aking pag-alis, dahil kung hindi ay ang pamilya ko ang magdudusa.
Nang tuluyan na akong makalabas ng kampo ay isinakay ako sa isang putting sasakyan. Isang nakauniporme pang sundalo ang sumundo sa akin at iginiya ako papasok sa sasakyan. Tahimik lang ako at deretso lang ang tingin sa kawalan, may pakiramdam ako kung saan ako dadalhin kaya’t hindi na rin ako nagtanong pa.
“Masuwerte ka, at nagustuhan ka ni Congressman Hidalgo. Bihira lang pumili iyon ng mga sundalong gagawin niyang tauhan,” nakangising sabi ng sundalo nang makapasok na rin siya sa loob ng sasakya.
Lihim na nakuyom ang mga kamao ko, sa isip ko ay pinilipit ko na ang leeg niya’t itinapon sa labas ng sasakyan.
Sunod-sunod na busina ng sasakyan at nakapag-pabalik sa akin sa kasalukuyan. Naipilig ko ang aking ulo at mapaklang napangiti. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang matinding galit na nararamdaman ko sa unang beses na magkita kami ni Congressman Hidalgo.
Binuhay ko ang makina ng aking motor at mabilis na pinihit ang kambiyo at paharurot na umalis sa lugar na iyon.
Dahil sa bilis nang pagpapatakbo ko ay ang apat na oras na biyahe ko ay naging dalawang oras lang, malaking tulong na motorbike ang gamit ko kaya nakakaya kong makipag-gitgitan sa mga kotse, nakatulong din ang walang masyadong traffic kaya nakarating ako agad sa destinasyon ko.
Pagkaparada ko ng motorbike ko ay hinubad ko ang suot kong helmet. Nakarinig agad ako ng magkakasunod na pito mula sa mga lalaking nakasabay kong nag-parking. Hindi ko sila pinansin at tulou-tuloy lang akong naglakad papunta sa bungad ng Club. Kinindatan ko lang ang guard at hindi na ako nag-abalang magpakita pa ng card pass dahil lagi naman na ako doon.
Pagpasok ko sa loob ng Club at sinalubong naman ako ng Manager na si Vince.
“Hi, Vince, how are you today?” nakangiting tanong ko sa kanya.
Magiliw ang lalaki at wala din namang itulak-kabigin sa kaguwapuhan, iyon nga lang wala talagang epekto iyon sa akin. Para sa akin, isang katawan lang ng anak ni Adonis ang pagpapantasyahan at kailangan ko, at bato na ang tingin ko sa iba.
F*ck, how can I stop thinking of him? Whenever I see a man, I always think of him and God, I f*cking missed him like hell!
“Good to see you here, Angel,” nakangiting sabi niya sa akin at inakay ako papunta sa pinto na papunta sa underground.
Angel ang ginamit kong pangalan, mas mabuti nang mag-ingat kahit pa sabihing safe naman ako sa lugar na iyon dahil sa tindi ng security at confidential lahat ng bagay doon. Kahit na sinong magpunta doon ay makakaasang walang makakalabas na balita ng tungkol sa mga pinaggagawa nila. The owners of the Xhaven reassured everyone who goes in and out. Kung ano’ng meron sa lugar na iyon ay mananatili lang doon.