NINE: BROKEN INTO PIECES, AGAIN Nicklaus “F*ck!” malakas kong sigaw habang tinatanggal mula sa pagkakatali ang isa kong kamay. Halos isang oras ko nang sinusubukang makawala ngunit hindi ko pa rin matanggal ang taling iyon sa kamay ko. Magaling si Freya sa pagbubuhol ng tali, kahit noong pareho pa kaming nasa kampo ay walang nakakatalo sa kanya sa ganoong abilidad. Huminga ako ng marahas at napatingin sa suot kong sapatos, may nakalagay akong swiss knife doon ngunit ng tangkain kong abutin ay hindi ko rin magawa dahil nakatali din ang isang kamay ko. “How the hell did she tie me like this?” salubong ang kilay na tanong ko sa sarili. Dalawang beses ko pa siyang naangkin at alam kong sabay kaming napakit at nagpahinga kaya hindi ko matandaan kung paano niya ako naitali ng ganito. “Damn

