Hades Habang nasa biyahe ako ay hindi mawala sa isip ko ang mga posibleng mangyari sa gabing iyon. ‘Freya, please don’t do anything bad. Please, wait for me.’ Sa isiping iyon ay mas lalo kong diniinan ang pagtapak sa silinyador at agad na humaruro ang sasakyang kinalululanan ko. Wala akong dapat sayanging segundo dahil dalawang buhay ang nanganganib sa gabing iyon. Napatingin ako sa monittor na siyang nagsisilbing gps tracker ko ‘Fck, ten more minutes!’ Kung puwede lang na paliparin na ang sasakyan ko ay ginawa ko na para lang makarating agad sa lokasyon. “Hades, slow down, you’re overspeeding. Baka sa kamamadali mo ay may mangyari sa sasakyan mo,” Narinig ko ang boses ni Athena sa earphone device na nakasabit sa tenga ko. Humigpit ang hawak ko sa manibela ko at marahas na napabunto

