Casper's POV
Napaka ironic talaga ng pangalan ko. Casper. Sinunod kay Casper the friendly ghost. Ironic kasi hindi dahil sa ghost ako but dahil sa nakakakita ako ng ghosts.
Pero feel ko may similarities din kami ni Casper the friendly ghost, which is yung pagiging friendly ko, but not to humans and other living beings, kundi sa mga multo. Creepy man sya pakinggan pero totoo. Wala eh, nabiyayaan ng ganitong gift so might as well use it.
Ngayon kasi, mas feel ko pang maging friendly sa multo kesa sa mga tao. Unlike them, ghosts won't judge your every move and choices. Hindi tulad ng sa ibang tao, na hindi na nagbibigay ng benefit of doubt at basta basta na lang nang jujudge. Saklap diba.
Nung una palakaibigan rin naman ako. Nagkakaroon rin ako ng ilan-ilang friends. Pero ang downside lang is kapag nalalaman na nila yung 'gift ko' ,unti-unti na nila kong nilalayuan.
Kaya one time naisipan ko na lang makipag kaibigan sa mga multo sa school namin kesa sa mga kaklase ko. I-judge man nila kong baliw, atleast may unique friends akong bahalang magbigay ng punishment sa kanila. Bwahahaha. Subukan lang nilang i-bully ako, tignan natin kung hindi sila magsisigaw pauwi. Pero syempre, dahil nga friendly ako, sinasabihan ko na lang yung mga ghost friends ko na pagpasensyahan na lang sila.
Kriiiiiing
Nawala ako sa pagmumuni-muni ko ng mag-ring na yung bell ng school. Signalling that classes will start soon.
Dali-dali naman akong pumunta sa room ko para sa first subject.
"Pssst...pssst." Nilingon ko yung lugar na pinanggagalingan ng sut-sot.
Female Restroom
So ito pala yung sinasabi nilang haunted na C.R. ng babae sa second floor. Matagal na daw walang gumagamit nito kasi may mga nagpaparamdam.
Andyan yung bigla na lang may kakatok kapag umiihi ka pero pag binuksan mo naman wala, meron din daw white lady na nagpapakita sa salamin, gusto sigurong humingi ng polbo, at marami pang ibang kababalaghan.
"Pssst..." Muling parinig ng kung sino mang tumatawag sakin. Pero this time mas sure na'ko na dito nanggagaling yun sa loob ng 'haunted restroom'.
"Tuuloong." Prolonged at parang nahihirapang sabi ng tao sa loob ng C.R. Kung tao nga talaga yun.
Inalis ko muna lahat ng takot sa katawan ko, bago ako nagpatuloy sa pagpasok sa C.R.
Kahit naman kasi sanay nako sa kanila at nakikipag friends pa, hindi parin nawawala yung possibility na baka vengeful spirit tong maencounter ko. Vengeful spirits are those spirits na either pinatay o namatay at hindi matanggap na expired na yung birth certificate nila, kaya humahanap sila ng way para makabalik dito sa mundo natin by possessing somebody or someone na mahina ang loob o will power.
Sabi kasi ni Father Marcus, sya yung pare na pinagkonsultahan ko about sa third eye ko, na lahat daw tayo may kakayahang i-wash away yung mga bad spirits na umaaligid sa atin, by way of prayers and removal of negative energies sa katawan. Isa daw kasi yung pagiging nega ng tao sa mga bagay na nag-aatract atvnagpapadali para sa mga evil spirits na makapasok sa katawan natin. Pinapahina raw kasi nito yung tapang natin at tiwala sa sarili.
"Hello? May tao ba dito?" Dahan dahan akong lumakad sa loob at sinipat-sipat kung meron nga bang tao sa loob.
Blag Blagg Blag
Napatingin ako sa salamin ng CR dahil doon nanggagaling yung kalabog.
Tumambad sakin ang mukha ng isang maputlang babae.
Base sa itsura nito ay halata nang patay nato. Pero di katulad ng ibang multo, na naa-agnas na yung mukha o di kaya bali yung leeg o kaya wala ng ulo, medyo maayos pa naman tignan to.
Ano kaya yung way ng pagkamatay nito? Kadalasan kasi ng mga naeencounter ko, na kung ano yung ikinamatay ganoon din yung magiging itsura ng multo nila. Siguro dahil sa sakit sya namatay.
Blaag Blag Blag
"Tuuuloong. Palabasin nyo ko dito?" So totoo pala yung sinasabi nilang white lady na nagpapakita sa salamin, at kaya siguro sya nagpapakita ay para makalabas sa loob nito.
"Ahhh...Hello?" Kaway ko dito.
"I-ikaw? Nakikita moko?" Tanong nito sakin. "Palabasin moko dito, parang awa mo na." Pagmamakaawa nya.
"Eh paano ka ba kasi napasok dyan?" Lumapit pako sa salamin para mas makausap ko 'to ng mabuti.
"Nagsasalamin lang ako tapos hindi sinasadyang natulak ako ng mga babaeng gustong magsalamin. Sinubukan kong lumabas pero hindi ko na magawa." Paliwanag nya.
Uhm...papa'no ba to? Siguro tatanungin ko na lang si father Marcus.
"Sige-sige tutulungan kita. Pero hindi ko kasi alam kung pa'no kita palalabasin dyan eh. Pero wag kang magalala meron akong kilalang makakatulong satin, sandali lang ha."
Lumabas ako ng C.R. at tatakbo na sana papunta kay father Marcus ng may maalala ko.
"Sh*t may klase pa nga pala ko."
Agad akong bumalik sa C.R. at humarap sa salamin.
"Miss...miss.." Hindi ko nga pala natanong yung pangalan nya.
"Anna..." Nagpakita na sya uli. " Anna yung pangalan ko."
"Anna pwede bang mamayang tanghali na lang kita tutulungan. May klase pa kasi ako eh."
"Wag kang mag-alala naiintindihan ko." Tumingin sya sa kawalan at parang may inaalala.
"S-sige, bye." Umalis na agad ako sa C.R. at hindi na tinanong pa kung ano yung inaalala nya.
---
Eksaktong tanghalian na ng matapos yung pang-umagang klase ko.
Agad akong pumunta sa simbahan kung nasaan si father Marcus.
Itatanong ko kung alam nyang magpakawala ng mga spiritong na-trap sa mga objects.
"Father." Nakita ko si Father Marcus na nakatambay sa garden ng simbahan. Hindi nya napansin yung pagtawag ko kasi nakatalikod sya sakin at parang merong kinakausap.
"Father." Pagtawag ko uli ng makalapit ako sa pwesto nya. Tumingin si Father sakin at nginitian ako.
"Oh ikaw pala Cas!" Cas kasi yung tawag nya sakin kahit ilang beses ko na syang sinabihan na wag, kasi masyado pangbabae.
"Hello po Father. Meron po sana kong gustong itano-" Napansin ko yung parang umiilaw na insekto na nakadapo sa bulaklak sa harapan ni Father. "F-father ada ba yan?" Kung titignan mukha talagang insekto yun pero kapag tinitigan mong mabuti makikita mo yung parang taong may pakpak na sobrang liit.
"Ah si Francine ba?" Turo nya dun sa parang insekto. "Oo ada sya." Totoo rin pala yung mga ada o fairy sa ingles.
Lumapit ako kay Francine at ininspeksyon syang mabuti. Ngayon lang kasi ako nakakita nito eh.
Kulay blue ang buhok nito na naka-bun sa ulo nya at may mangilan-ngilang buhok na tumatabon sa maliit pero maganda nyang mukha.
Meron syang petite na pangangatawan na dinamitan nya ng aqua blue na cocktail dress at tinernuhan ng dark blue na crystal flat shoes. Pero ang higit na nakatawag sa pansin ko ay yung pak-pak nya. Ang ganda-ganda kasi nito. Parang glass na merong kakaibang pattern sa loob. Meron din tong light blue na glow na nakadag-dag sa ganda nito.
Blue fairy. Yan agad yung unang pumasok sa isip ko ng mapagmasdan ko sya.
"Nakikita nya ko Father." Pati yung boses nya kakaiba. Ang liit na parang bell na tumutunog pero naiintindihan ko naman.
"Ah oo katulad ko kasi sya." Maikling sagot ni Father.
Humarap sakin si Francine at ipinakilala ang sarili nya.
"Hello, ako nga pala si Francine. Ikaw si Cas diba?" Pati ba naman sy-
Ay oo nga pala! Bago ko makalimutan.
"Father meron nga po pala kong itatanong."
"Ano yon?"
"Meron po kasing multo dun sa school namin, at na-trap po sya sa salamin." Paliwanag ko. "Baka po kasi alam nyo kung pa'no sya mailalabas dun."
Alam kong bihasa na si Father sa mga ganitong uri ng pangyayari kaya sya yung tinakbuhan ko kaagad. Ayon kasi sa kwento nya, ilang taon na rin nyang ginagawa 'tong mga supernatural kung baga na bagay. Marami na rin daw syang mga kaalaman tungkol dito na nakuha rin nya sa mga naging karanasan nya. Kaya nagbabakasakali ako na meron na syang naencounter na katulad kay Anna, na spiritong nakulong sa bagay.
"Ah ganun ba. Madali lang yan. Magtirik ka ng kandila sa harapan nung salamin at sabihan mo syang subukang abutin to. Magsisilbing daanan yung liwanag ng kandila para makalabas sya doon." Ganun lang pala yun kadali. "Pero Cas, mag-ingat ka. Wag kang masyadong magtiwala sa multo na yan. Kung may gagawin syang masama, gawin mo lang yung itinuro ko sayong dasal para magkaproteksyon ka." Paalala pa ni Father.
Alam ko naman yun eh. Sa siyam na taon kong pagtulong sa kanila, marami na rin akong na-encounter na mga masasamang ispirito. Kaya nga minaster ko na yung paggawa ng barrier para kung sakaling meron mang ispiritong gusto akong saktan, may laban ako.
---
"Maraming salamat."
Mga huling salita ni Anna bago sya tuluyang naging maliit na liwanag at umakyat papuntang langit.
Nagawa ko kasi ng maayos yung turo ni Father para mapalabas sya doon sa salamin.
At paglabas nga nya sa salamin ay unti-unti na syang nagliwanag. Ibig sabihin ay oras na nya para sumakabilang buhay, for real.
Nawala na kasi yung isang bagay na nagpapanatili sa kanya dito sa mundo natin.
"Buti naman." Nakahinga ko ng maluwag dahil isang kaluluwang ligaw na naman yung natulungan ko. Isa pa na confirm ko rin na hindi naman pala sya evil spirit.
So diba worth it yung pagod ko para mapalabas sya doon.
---
Agad na rin akong umuwi sa'min pagkatapos ng huling klase ko para sa araw na yun.
Pagdating sa bahay, agad sumalubong sa'kin ang amoy ng ginigisang bawang at sibuyas. Nagluluto na siguro si Nanay Karmen, kasambahay namin, para sa hapunan.
"Hello po Nay!"
"Ay sus ikaw na bata ka talaga! Ala ey lagi mo na laang akong ginugulat." Gulat na sigaw sa'kin ni Nanay. Haha. Ang sarap nya talagang gulatin.
"Haha. Sorry po. Ano'y ulam natin mamaya Nay?" Sinilip ko yung kawaling pinaglulutuan ni Nanay at sakto namang inihahalo na nya yung karne sa bawang at sibuyas.
"Adobo nak, paborito mo."
"Yes!"
---
"Nak sabi nga pala ng Mama mo i-bakante mo daw yung weekends mo kasi may pupuntahan kayo." Biglang sabi ni Nanay habang kumakain kami.
Saan kaya kami pupunta. Tsaka parang biglaan ata.
"Nay sa'n daw?"
"Walang sinabi yung Mama mo eh. Surprise siguro." Hindi ko naman mapigilang hindi ma-excite. Minsan lang kasi ko i-surprise ni Mama at pag nagsu-surprise yun, laging bongga.
"Uhm ok po. Wala rin naman akong gagawin eh."
---
Nanonood ako ng T.V. ng biglang bumukas yung front door namin.
"Oh Nak bakit gising ka pa?" Bungad sa'kin ni Mama pagkakita nya sa'kin.
Nakasunod naman kay Mama si Papa at umupo silang parehas sa sofa na inuupuan ko.
"Tanghali pa naman yung klase ko bukas Ma eh. Tsaka iniintay ko talaga kayo Ma kasi itatanong ko kung sa'n tayo pupunta sa weekend."
"Ah yun ba anak, pupunta tayo sa lola mo." Nagtaka ko sa sinabi ni Mama. Paano namin pupuntahan si Lola eh patay na'to.
"Eh Ma diba patay na si Lola."
"No what I mean is yung Mama ko hindi yung Mama ng Papa mo. Medyo meron kasing naging hindi pagkakaunawaan sa pagitan namin ng Lola mo and lately lang kami nagkaayos, at dahil nagkaayos na kami kaya pupunta tayo doon. " Paliwanag ni Mama.
Tumango na lang ako bilang tugon kay Mama.
Hindi ko na lang tinanong pa kung ano yung dahilan ng pagaaway nila, kasi mukhang private ata.
Inisip ko na lang kung ano kaya yung istura ng probinsya at bahay nila lola. At kung ano kayang mga misteryo ang matutuklasan ko doon.
Abangan...
---