Hope's POV "Hello... Faith?" "Hope? Wait lang...lalabas lang ako sa kwarto ni Yuan. Tulog kasi eh, may lagnat..." aniya. Iyon palang dapat ang tatanungin ko ay nasagot niya na. "Ayos na ba siya? I mean...malala pa ba?" nagaalalang tanong ko. Napabaling ako kay Perseus na seryoso lang ang tingin sa akin. "Medyo okay na siya kumpara kahapon...baka sa susunod na araw pa nga siya makapasok, O sa susunod na mga araw pa," aniya. I nodded with worry. "Sige, kahit hindi na muna. Basta magpagaling siya. Ako nalang ang bahala sa mga kailangan niyang aralin..." I said. Naaasiwa talaga ako sa titig ni Perseus kaya tinalikuran ko siya. Para akong natutunaw sa mga titig niya. Nanlalambot ang mga tuhod ko at pakiramdam ko ay anumang oras babalik na ako kaya mabuti nang iwasan ko nalang.

