ILIANA'S POV:
--
SA entrada pa lamang ng hospital ay pinagtitinginan na kaming magkakapatid or more like sa mga Kuya ko na mukhang modelo kung maglakad habang papasok kami sa naturang establisyemento. Sa tindig at tikas ng pangangatawan ng mga Kuya ko, hindi sila aakalaing doktor dahil bukod sa gwapo na, mayayaman pa. Pwera nga lang sa dalawa nilang stethoscope at sa pagkakaakabay sa akin ni Kuya Eli.
"Ang aga niyo yata, Doc Eren?" salubong sa amin nang isang nurse nang mahinto kami sa receiving area nitong hospital kung saan din naroon ang nurse station.
"Better early than never. How's my patients?" ani ni Kuya Eren.
"Uh, nabigyan na po namin ng gamot at sabi ho ni Director Choi pumunta raw ho kayo sa opisina niya kasama pa ang iba ninyong kapatid."
Nagsalubong ang kilay ko. Director Choi is our mother's cousin at talaga kina-career nito ang pang-aalila sa mga kapatid ko.
"Alright. Thanks for the information."
Nilisan namin ang receiving area at saka kami dumiretso sa elevator. Magkakasama kaming lima at nagmukha akong may apat na bodyguard dahil napapaligiran nila ako. Nang bumukas ang pinto ng elevator, agad kaming pumasok at iginiya ako ni Kuya Eli nang hindi bumibitaw sa pagkaka-akbay sa akin.
"Ano na naman bang kailangan ng matandang Choi na 'yon?" ani ni Kuya Edmar nang sumara ang pinto ng elevator. Sumandal ito sa pader at humalukipkip doon.
"Mag-uutos na naman siguro. Akala mo talaga siya ang nagpapasahod sa atin gayong si Daddy ang Presidente ng hospital na 'to at si Kuya Ezia ang susunod." mapaklang wika naman ni Kuya Eliot.
"Minsan nga napapaisip ako kung siya ba ang sumusulsol kay Mommy-- Aww!" hindi natuloy ang sinasabi ni Kuya Eli nang sikuhin ko ang kanyang tyan.
"Tumigil ka nga. Alam mong masama ang mambintang o magsabi ng mga bagay sa ating ng walang kasiguraduhin, Kuya Eli," saway ko.
"Princess naman, nagsasabi lang si Kuya ng totoo."
Napailing na lang ako at hindi na pinansin pa si Kuya Eli. Hanggang sa bumukas ang pinto ng elevator, naunang lumabas si Kuya Eren, Kuya Edmar at Kuya Eliot bago kami sumunod ni Kuya Eli. Pero ganun na lamang ang gulat namin nang madatnan si Kuya Ezia at Director Choi na nagsisigawan sa hallway.
"You don't have the right to pull that kind of operation, Choi! Ano bang laman ng utak mo at iniutos mo yun? Buhay ng tao ang nakasalalay dito pero anong ginawa mo!?" nanggagalaiti si Kuya Ezia at halos kitang-kita ko ang ugat sa leeg at braso nito dahil sa pagpipigil ng galit.
"Tama lang yung ginawa ko dahil sa hukay rin naman sila mapupunta! Ano bang ikinapuputok ng butse mo gayong wala namang maipambabayad ang mga 'yon sa operasyon na pinaglalaban mo!?"
Nagkatinginan kaming magkakapatid at saka namin nilapitan sina Kuya Ezia at Direktor Choi. Bumitaw ako mula sa pagkakaakbay ni Kuya Eli at saka ko nilapitan si Kuya Ezia at hinawakan ang kamay nitong nakakuyom. Marahan kong hinilot 'yan nang marahas na lumingon si Kuya Ezia sa akin.
"Ang kamao mo, Kuya. Open it." malumanay na sabi ko.
Napabuga ng hangin si Kuya Ezia bago niya unti-unting binuksan ang kanyang kamao kaya naman hinawakan ko 'yon at pinagsalikop ang daliri naming dalawa. Bata pa lang ay ganito na ang ginagawa ko sa kanya sa tuwing nauubusan siya ng pasensya mula kina Kuya Edmar, Kuya Eli, Kuya Eliot, at Kuya Eren dahil sa kakulitan namin.
"Lumayas ka sa harapan ko, Choi at baka mabasag ko 'yan pagmumukha mo." ani ni Kuya Ezia pero ngumisi lang si Direktor Choi.
"Yang kabaitan ninyong magkakapatid ang siyang magpapahamak sa inyo. Tignan nating kung hanggang saan kayo aabot dahil diyan sa pagiging malinis ninyo."
Nilayasan kami ni Direktor Choi at saka lumapit sa amin sina Kuya Edma at hinawakan nila sa balikat si Kuya Ezia.
"Kalmahan mo bro, he's not worth of your time." ani ni Kuya Eli.
"Oo nga, Kuya. Kahit ang sarap niyang palamunin ng injection at estethoscope, hayaan na natin." sabat naman ni Kuya Eren.
"Bakit ninyo isinama si Iliana rito sa hospital?" usisa ni Kuya Ezia habang pinapakalma ang sarili nito matapos ang sagutan nila ni Direktor Choi.
Sa aming magkakapatid, si Kuya Ezia ang nakakatakot kapag nagagalit at mapigtas ang kanyang pasensya. Bukod sa pagiging tahimik at kalmado siya, tila isa siyang dilubyo kapag nawawalan na siya ng pasensya sa mga taon nasa paligid niya pero pagdating sa aming mga kapatid niya, he knows how to control his temper of not hurting us even if it's intentional or not.
"Sinampal ni Mommy kagabi."
Naningkit ang mga mata ko sa sinabi ni Kuya Eli. Pinapakalma ko na nga si Kuya Ezia tapos dadagdagan niya pa?
Bumaba ang paningin ni Kuya Ezia sa akin kaya naman iniwas ko ang tingin ko sa kanya pero hinawakan niya lang ang pisngi ko kung saan ako unang sinampal ni Mommy kagabi. Bakas ng pag-aalala ang mukha nito habang nakatitig sa akin.
"You okay?" aniya.
"I'm fine, Kuya. Sumama kasi ako sa medical mission ni Jerro at tatlong araw kami sa Tondo. Nagalit si Mommy sa akin dahil hindi ko sinipot ang lalaking nirereto niya sa akin."
Napabuga na lamang si Kuya Ezia ng hangin at saka niya ginulo ang buhok ko at nagsimula itong maglakad pabalik sa opisina na siyang inuukopa nila. Mayroong sariling opisina ang Lawford at walang sinuman ang pwedeng pumasok doon ng walang pahintulot ni Kuya Ezia.
Pagkarating namin sa opisina, binitawan ni Kuya Ezia ang kamay ko at saka ito dumiretso sa kanyang upuan at pasalampak itong naupo sa swivel chair. Ako naman ay dumiretso sa visitor's lounge maging ang iba kong kapatid ay nagkani-kaniya nang pwesto sa kanilang silya.
"Anong gagawin ko rito sa hospital, Iliana?" ani ni Kuya Ezia habang nakapikit ang mga mata nito. Ngayon ko lang napansin na nangingitim na ang eyebag nito at mukhang ilang araw na itong walang maayos na tulog.
"Eh, tulungan ko raw po si Kuya Eli sa operasyon niya kaya isinama niya ako." sumbong ko.
"He can do it alone, baby. Come here," napakamot ako sa aking sintido at saka ako tumayo sa aking kinauupuan at lumapit kay Kuya. Hinawakan niya ang aking kamay at saka pinaupo sa kanyang hita na para akong bata gayong twenty-seven na ako. "Sino na namang hukluban ang nirereto sa'yo ni Mommy?"
Napanguso ako.
Kung ibang tao ang makakakita sa amin, mukha kaming mag-asawa. Pero dahil kilala kami bilang magkakapatid na Lawford, hindi nila kami pag-iisapan ng masama.
"Hindi ko nga po kilala at saka wala akong balak na siputin ang kahit na sinong binubugaw ni Mommy sa akin. Kaya ko namang pumili ng taong makakasama ko hindi ba?"
"Yeah, pero siguraduhin mong dadaan muna siya sa akin bago mo sagutin."
"Kuya! Ang O.A mo ha? What if matakot ang lalaking mapili ko dahil sa inyo?"
"Edi wala siyang karapatan na kunin ka sa amin. Gusto kong lalaki na mahanap mo ay yung kayang harapin ang kamao naming lima at kaya kang ipaglaban sa harapan nina Mommy at Daddy. Kung bahag lang din ang buntot at balak ka lang ring buntisin, ngayon pa lang ihahanda ko na ang morge para sa kanya."
Hinampas ko ng marahan ang balikat ni Kuya Ezia. "Ang morbid mo, ah? Nga pala, natutulog ka pa ba? Mukhang ilang araw ka nang walang tulog."
"One week na akong gising, baby. Pero nong makita ko kayong lima, naramdaman ko yung pagod. Can you stay here with me? Inaantok na talaga ako." nakangusong wika pa niya.
"Kailangan ni Kuya Eli ang tulong ko."
Bumaling ang atensyon ni Kuya Ezia kay Kuya Eli na kausap si Kuya Eliot at Kuya Edmar.
"Eli, Iliana will stay here." ani ni Kuya Ezia.
"Bakit? Isinama ko nga 'yan para tulungan ako tapos aagawin mo na naman?" parang bata na nagmamaktol si Kuya Eli at lumapit silang tatlo sa table ni Kuya Ezia.
"I'm tired Eli, please?"
"Psh! Ganyan kayo, eh. Kapag nandito si Iliana nakakalimutan niyong mas matanda kayo sa amin."
"Wala kang magagawa Kuya, comfort zone natin ang ating prinsesa," sabat naman ni Kuya Eliot.
"Oo na. Sige na. Mas mabuti na rin na nandito 'yan kaysa pag-initan ni Mommy sa bahay."
Walang nagawa si Kuya Eli kundi ang pumayag sa gusto ni Kuya Ezia dahil minsan lang siyang humiling sa aming magkakapatid. Strong and independent si Kuya Ezia pero pagdating sa aming mga kapatid niya, he looks lost at lonely.
Hanggang sa sumapit ang oras ng duty nina Kuya Edmar, Kuya Eli, Kuya Eliot at Kuya Eren, naiwan kaming dalawa ni Kuya Ezia sa loob ng opisina. Dahil nga sa inaantok na si Kuya Ezia inaya ko siyang mahiga sa hospital bed na nandito bilang pahingahan nila.
Nahiga si Kuya sa kama at saka ako sumunod at yumakap sa kanyang bewang nang hindi alintana ang hospital gown nito kung malukot ko man 'yon.
"Kuya, sa tingin mo ano ang ikinagagalit ni Mommy sa akin?" basag ko sa katahimikan naming dalawa habang nakaunan ako sa matigas na braso ni Kuya Ezia.
"Galit siya dahil hindi lalaki ang bunsong anak niya. Ang totoo niyan si Eliot dapat ang bunso kaso dumating ka. Sa pamilya ng Lawford, kailangang anim ang anak na lalaki para mapunta sa pamilya natin ang yaman ng Lawford kaso babae ang naging bunso ni Mommy. Pero huwag kang mag-alala dahil mahal ka namin at hayaan mong maging dragona si Mommy araw-araw."
Nakakalungkot pa ring isipin dahil kung naging lalaki ako, baka hindi ko nararanasan ang ganito.
"Pero paano kung naging lalaki nga ako, ano ang magiging kahihinatnan ng pamilya natin?"
Maraming bagay ang gumugulo sa isip ko at tanging si Mommy at Daddy lang ang makakasagot nito pero si Kuya Ezia ang tinuturing kong magulang ko.
"Ganun pa rin. Maghahabol sa yaman ng Lawford kahit hindi naman na kailangan. You know, I am thankful because you came into our life. Hindi porket lalaki kaming lahat ay wala na kaming nararamdamang pressure. Bata pa lang ay isinisiksik na ni Mommy sa utak namin na kailangan ganito o ganiyan. Lawford ka, hindi ka pipitsuging nilalang. I mean, masyadong nakikipag-kompetensya si Mommy sa angkan natin kahit hindi naman na kailangan."
Mahigpit kasi ang pamilyang Lawford at habang tumatagal parang pinagsisisihan ko na mapunta sa pamilyang 'to pero mas pipiliin ko pa ring maging kapatid ang mga Kuya ko kung bibigyan ako ng pagkakataon na mabuhay ulit sa susunod na henerasyon.
"Kung hindi ba kayo naging doktor, ano ss tingin mo ang meron ka ngayon?"
"Hmm? I would be an space engineer, I think? Then, Edmar would be an architect, Eli would be a sea man. Eren would be a businessman and you as a pilot. Pangarap mo 'yon, diba?"
"Yes, but I can't do that anymore because we are already tied of being a doctor."
Hinalikan na lamang ni Kuya ang aking noo, hanggang sa maging banayad ang paghinga nito kaya naman hinayaan ko na siyang makatulog para naman makabawi siya sa kanyang lakas na halos isang linggo ring nawala sa kanya.
Bilang doctor ay hindi ganoon kadali. Bawat araw, ilang buhay ang hawak namin at sa bawat buhay naililigtas ng isa sa amin ay siya namang kabawasan ng aming katauhan dahil kahit pahinga ay hindi na namin magawa.