"Thank you dok."
"Okay, maiwan ko na muna kayo."
Nakangiting paalam nito. Napatango na lamang sila.
"Pwede ko bang makita si baby?" Tanong sa kanya ng binata. Ito na ba yung tamang oras para makilala nito ang anak?
"Kasi-."
"Please."
Nagsusumamo ang mga mata nito.
Ipagkakait pa ba niya ang karapatan nito sa anak at ang kasiyahan ng anak na magkaroon ng Daddy?
"Sure." Nauna siyang pumasok at nakasunod sa kanya ang binata.
"Mommy!" agad na tawag sa kanya ng anak.
"How are you baby?" Agad na nilapitan niya ito at hinalikan sa noo.
"Im fine mommy." Mahinang sagot nito.
"Very good! that's my boy!"
Nakangiting ginulo niya ang buhok ng anak.
"Mommy.." Nakatingin ito sa may likuran niya at saka lang niya naalala na kasama pala niya si Jacob. Nilingon niya ito.
"Hi little kiddo! " Nakangiting nilapitan niya ito sa kama at hinalikan rin ito sa noo.
"Hello po." Nakangiting sagot nito.
"How are you baby?"
"I'm fine po."
Napatingin siya sa mga mata nito, matang parang sa kanya lang din, ang kilay nito, ang matangos nitong ilong, ang mapulang labi nito, hugis ng mukha lahat nakikita niya sa kanyang reflection.
Napatingin siya kay Tricia pero nag iwas ito ng tingin sa kanya.
"Tricia."
"Jacob, not now please!."
Tinitigan niya ito ng mariin.
"Mommy im hungry." Pagkuway sabi ng anak.
"Anong gusto mong kainin anak?"
"I want spaghetti Mommy, saka Chicken joy."
"Jollibee?" Tanong niya sa bata. Napatingin ito sa kanya.
"Yes po."
"Okay ako na bibili, how about you baby?"
Sinulyapan siya ng binata.
"Ikaw na lang bahala."
"Baby mo rin ang Mommy ko?" Nakangiting tanong nito sa kanya. Nakita niyang pinandilatan ito ng Mommy niya kaya napatawa siya.
"Yeah baby, baby ko kayong dalawa ni Mommy." Nakangiti niyang sagot sa bata. kahit hindi niya nakikita ang sarili alam niyang namumula siya.
"Si Mommy nagba blush!." kantiyaw ng kaniyang anak.
"Cade!." pinandilatan niya ito.
Saka sabay na pinagtawanan siya ng dalawa. Pati pagtawa pareho sila ng anak nito. Hindi na yata talaga siya makakaiwas.
"Sige na bibili na ako ng foods natin, saglit lang ako." Nakangiting paalam ng binata sa kanila at lumabas na ito ng kwarto.
Nagtatawanan ang mga ito ng maabutan niya. Agad na nilapag niya ang mga biniling pagkain sa mesa at nagsimula silang kumain.
"Gusto mong subuan kita?" tanong niya sa bata.
"Yes po." Agad na sagot nito. Sinubuan nga siya ng binata at ipinaghimay pa siya ng chicken joy. Naiiyak siya sa nakikita. Ang sarap sa pakiramdam na makita ang mag-ama na masaya habang kumakain at nagtatawanan. Ipagkakait pa ba niya iyon sa anak? kaya buo na ang kanyang desisyon na sabihin na sa binata ang totoo.
"Mommy are you okay?." tanong sa kanya ng anak.
"Mommy daw!" boses iyon ni Jacob.
"Ha?Ano?" Nawala na naman siya sa kanyang sarili.
"Are you okay Mommy?" tanong ng kanyang anak.
"Yeah baby, may naalala lang ako." saka niya nginitian ang anak at ipinag patuloy na nito ang pagkain.
Nang tapos ng pakainin ni Jacob ang bata nagkwentuhan pa ang mga ito bago ito natulog.
"Uuwi muna ako sa bahay, kukuha lang ako ng mga gamit." Pagpapaalam niya kararating lang ng yaya ni Cade at ito muna ang magbabantay.
"Sasamahan na kita." anang binata.
"May trabaho ka diba?"
"It's okay, mas importante kayo ni baby." seryosong sabi nito.
Nagpatiuna na siya sa paglalakad. nakasunod sa kanya ito.
"Sa kotse ko na lang." sabi ni Jacob. Hindi na niya ito kinontra. Ipinagbukas siya ng pinto at inalalayan hanggang makapasok siya sa loob.
Wala silang imikan habang nasa biyahe sila at hanggang makarating sa kanilang bahay.
"Maupo ka muna, gusto mo ng maiinom?" tanong niya sa binata.
"No, thank you." tipid na sagot nito.
"Aayusin ko lang yung mga gamit ni Cade." pagpapaalam niya. Tumango lang ito dahil nagriring ang cellphone nito.
Patapos na siya sa pag aayos ng mga gamit ng anak ng may magsalita sa kaniyang likuran.
"Anak ko ba si Cade?" Lumingon siya sa nagsalita at tumambad ang napaka seryosong mukha ng binata.
"Jacob." anas niya.
"Anak ko ba siya?" ulit nito.
"I'm sorry.." Napayuko siya.
"Kahit hindi mo aminin alam ko at nararamdaman ko na anak ko siya."
May galit sa boses nito.
"Jacob.."Napahikbi na lamang siya.
Iniabot nito sa kanya ang picture niya noong bata pa lang ito at ipinakita ang picture frame na hawak niya.
"Hindi mo ba talaga sasabihin sa akin ang totoo?"
Magkamukhang magkamukha ang dalawa. Kahit saan anggulo mo tignan. Parang pinagbiyak na bunga.
"Tricia please!."
pagmamakaawa nito.
"Oo na! sorry kung hindi ko sinabi sayo."
"But why?" Nilapitan siya nito at hinawakan sa baba.Nagtitigan sila.
"Bakit ko pa ipapaalam sayo kung hindi ka rin maniniwala."
"Sinubukan mo ba akong hanapin?"
"Hindi, para saan pa diba?"
"Alam mo bang pag gising ko hinanap kita agad? ilang buwan, 2 taon hanggang sa kusa na lang ako sumuko."
"Jacob."
"Anak natin si Cade diba?"
Malamlam ang mga matang tanong nito sa kanya.
"I'm sorry if I didn't tell you--." Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil bigla siyang hinapit ng binata at mariing hinalikan sa labi. Hindi na siya nakapalag. Nagtagal ng ilang minuto ang halikang iyon.
"I miss you baby!"
Sabi ng binata at minsan pay kinintalan siya nito ng halik sa labi.
"Jacob! baka magising na yung anak ko hanapin ako." Marahang tinulak niya ang binata dahil baka saan na naman mapunta ito kung hindi siya unang iiwas.
"Anak mo lang?" Napasimangot ito.
"Eh di anak natin." Nasabi na lang niya. Kinindatan naman siya nito.
"Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin noon na buntis ka? ni hindi mo man lang ba ako hinanap?"
Tqnong sa kanya ng binata, pabalik na sila noon sa hospital.
"Nahiya nga ako, baka kasi hindi mo matanggap si baby kasi hindi naman natin ginusto yung nangyari sa atin noon."
"What?"Nagsasalubong ang mga kilay na tinitigan siya nito. Hindi rin naman kasi sapat yung dahilan niya, kumbaga napaka babaw na dahilan. Nahiya siya kaya hindi na siya nag hanap?
"Sana naisip mo man lang na kailangan din ni Cade ng isang Ama."
Pagalit na sabi pa nito. Kanina lang napaka sweet nito at hinalikan pa siya tapos ngayon galit na naman? Hindi niya maintindihan kung anong meron ugali ito.
"Oo na, mali na ako! isipin mo naman napaka lawak ng maynila saan kita hahanapin diba?"
"Sana gumawa ka man lang ng paraan, 5 years yung nasayang na sana nakasama ko din yung anak ko."
Galit parin ito.
"Oh di bumawi ka ngayon! bakit ba galit na galit ka!"
Inis na sabi niya sa binata. Tinitigan siya nito ng mariin. Hindi siguro nito inaasahan na sasagutin siya nito.
"Ngayon na kasama ko kayo ni Cade, ako naman ang masusunod."
"Fine!."
"Dahil sa ayaw at sa gusto mo sa bahay ko kayo titira ng anak natin."
"Ano?"
"Narinig mo naman yung sinabi ko!"
Supladong sabi nito. Hindi na lang din siya nagsalita dahil baka lalo pang lumala ang away nila.
Hanggang sa makarating na sila ng Hospital hindi parin siya pinapansin ng lalaki.
"Jacob." Tawag niya pero tinignan lang siya nito ng masama. Sakto namang pagdating ng kaibigan na si France.
"Sweetheart."
"France! " agad na yumakap siya dito. Hinalikan naman siya nito sa noo.
"Kumusta na si Cade?" tanong nito sa kanya saka napatingin ito sa gawi ni Jacob. Nagtatanong ang ang mga mata nito.
"Siya ba?" tanong nito. Kahit naman sino ang makaka kita iisipin talaga na si Jacob ang ama dahil nakuha lahat ni Cade ang features ng Daddy nito.
"Yeah, ako nga pare, im Jacob."
Sabad at seryosong sabi nito.
"France Pare."
Tinanggap nito ang nakaumang na palad ng lalaki.
"Tignan ko lang si Cade."
pagpapaalam ni France, tinanguan lang din siya ni Jacob kaya napasunod siya sa kaibigan sa loob.
"Ang gwapo naman pala talaga ng Daddy nitong anak mo! nakaka bakla." nakatawang sabi ng kaibigan sa kanya.
"Guwapo nga suplado naman."
Napaismid siya.
"So aminado ka talagang guwapo siya?" Siniko siya ng kaibigan.
"Ikaw nagsabi niyan, hindi ako."
"Saka CEO, bilyonaryo saan ka pa? Choosy ka pa?"
Kantiyaw nito sa kanya.
"Hindi ko kailangan ang yaman niya!."
"Arte nito!" Hinampas siya nito sa braso.
"Che!."
"So anong plan mo ngayon?." Tanong sa kanya ng binata.
"Hindi ko pa alam, basta sabi niya uuwi daw kmi sa bahay niya."
sagot niya dito.
"Pumayag ka na, malay mo nga naman masundan niyo na agad si Cade diba?"
Dagdag na biro pa nito.
"Hindi ako sasama sa kaniya, si Cade lang."
"Sus! kung hindi ko pa alam, mas excited ka pa yata kaysa doon sa anak mo."
"France!"
"Aminin mo na, maglilihim ka pa ba sa akin?"
Humahalakhak na tudyo sa kanya ni France kaya napatingin sa kanila si Jacob na nasa labas lang ng room ni Cade.
"Seryoso na, anong plan mo ba talaga?"
"Hindi ko nga alam kasi hanggang ngayon galit parin sa akin si Jacob. Napaka hirap intindihin ang ugali."
"Hayaan mo na muna, masama lang loob niyan dahil kahit naman sino 5 years kayong nawalay sa kanya."
"So siya na kakampi mo ngayon?" tinaasan niya ito ng kilay.
"No sweetheart, lalaki din ako at alam ko kung ano yung nararamdaman niya ngayon kaya intindihin mo na muna siya ha?"
"Bahala siya sa buhay niya! bakit masaya naman kami, tayo noong wala pa siya ah."
"Pero Iba na ngayon."
"So, hindi mo na kami papasyalan ni Cade?"
Nalungkot siya sa isiping iyon. Nasanay siya na laging kasama ito mula noon hanggang ngayon tapos matitigil lahat ng iyon dahil sa pagdating ni Jacob ang Daddy ng anak nito?
"Dadalawin ko parin kayo syempre, pwede ba namang hindi, pero may limitasyon na Sweetheart."
"Pero France!" Niyakap niya ito at Nagsimula siyang humikbi.
"Sweetheart ano ka ba naman, nandito lang ako hindi naman ako mawawala."
Hinagod niya ito sa likod at gumanti rin siya ng yakap. Mamimiss din niya ang mag-ina lalo na si Cade pero may limitasyon na ngayong dumating na ang Daddy nito.
"I'm sorry, nakaka istorbo ba ako?"
Pumasok si Jacob at naabutan niya ang tagpong magkayakap sila sa isat isa.
"No pare." si France.
"France." hikbi niya.
"Sweetheart." pang aalo ng binata sa kanya. Tinapunan sila ni Jacob ng masamang tingin saka lumapit ito sa anak.
Sakto namang nagmulat ito ng mga mata.
"Hey! little kiddo. How are you?"
Nakangiting hinagkan nito ang anak sa noo.
"I'm fine po, I don't have a fever anymore."
Nakangiting sagot rin nito.
"Okay, that's good baby!"
"Mommy.." Tawag ni Cade sa kanya. Nilapitan niya ang anak.
"Yes baby?"
"Why are you crying?"
Tanong ng anak, makakapag sinungaling pa ba siya? Matalino yata itong anak niya.
"No, I'm not..basta magpagaling ka na ha para hindi na sad si Mommy." Nasabi na lamang niya, sinulyapan niya si Jacob, nagtama ang kanilang mga mata.
"Hi baby!" Si France.
"Tito France!" agad na nagliwanag ang mukha nito.
"Magpagaling ka na ha?"
ginulo nito ang buhok ni Cade.
"Yes po, thank you po."
Saka nagka tinginan silang tatlo. Hindi niya alam kung paano sisimulan at kung paano sasabihin sa anak ang totoo.
"Baby." Kinakabahang sabi niya.
"Why Mommy?"
"Gusto mo nang magkaroon ng Daddy diba?" tanong niya sa anak.
"Gustung gusto ko po!." masayang sabi nito.
"Uhmm kasi--."
"I am your Real Daddy baby."
Sabad ni Jacob. Napipi naman siya. siniko naman siya ni France.
"Are you my real Daddy?." Nanlalaki ang mga matang tanong nito sa binata.
"Yes baby! anak ka namin ng Mommy mo."
Masaya at naluluha niyang niyakap ang anak. Napakasarap sa pakiramdam. Ganito pala yung feeling na makilala mo yung anak mo na hindi mo inaasahan at matagal na panahon na hindi mo pa nakita at nakasama. Tignan mo nga naman ang ikot ng panahon. Sino ang mag aakalang siya si Jacob Fuentebella, CEO ng Fuentebella Group of Companies at isang bilyonaryo ay may anak sa babaeng naka One Night Stand lang nito at heto sila ngayon.
"Mommy?" Maluha luhang tanong ng anak sa kanya.
"Yes baby, siya yung Daddy mo."
"Daddy."
"Baby."