"Ang sakit pare." umiiyak na sabi ni Arvin sa kaibigang si France. Nandito sila ngayon sa bar at umiinom. "Pare." "Akala ko okay lang pero hindi pala, ang sakit sakit!." patuloy ito sa pag iyak. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan na sila ang mahalaga mailabas niya ang totoong nararamdam, ang nagpapabigat sa kaniyang damdamin. Ngayon lang siya umiyak dahil sa isang babae, alam ng Diyos kung gaano niya kamahal si Tricia. "Naiintindihan ko naman siya, dahil alam kong para kay Cade yung ginawa niya." dagdag pa nito. "Magiging okay din ang lahat pare." tinapik niya ito sa balikat. "Mahal na mahal ko parin siya pare, hindi iyon magbabago kahit kailan." Humahagulgol na sabi nito. Siya si Arvin Dela Vega. Isang CEO at nag iisang anak umiiyak dahil sa isang babae. "Kapag sinaktan siy

