PARANG hinampas ng dos por dos na tabla ang dibdib ni Alexander Chase nang masilip na magkayakap sila Cloudy at Bryle. "Why do I feel this way?" naguguluhan niyang tanong sa kaniyang sarili. Napakabilis naman para maramdaman niya ang ganoon para rito kay Cloudy. Parang gusto niyang manakit at magwala. Napatiim bagang siya at nakuyom ang kamao. Ngunit bago pa man tuluyang manlabo ang pag-iisip niya ay nagpasya siyang umalis na lang. Tinugpa niya ang daan patungo sa exit way ng ospital. Ngunit bago pa niya iyon sapitin ay nasalubong niya sa hallway ang lalaking pasyente na nakasakay sa stretcher. Duguan ito at nagwawala habang pilit na pinipigilan ng dalawang nurses na lalaki. Dumating ang doktora na mayroong hawak na syringe at akmang itutusok iyon sa pasyenteng iyon pero mas la

