PAGTAPAT pa lang sa pintuan ng master bedroom suite ni Alexander Chase ay agad na nitong sinalubong ng mainit na halik ang labi niya kasabay ang paghapit sa kaniyang maliit na baywang. Parang bolta-boltaheng kuryente ang agad na dumaloy sa kaniyang katawan. Ipinihit siya nito at isinandal sa pintuan. "Baka makita nila tayo…" namamalat na agad ang boses na awat niya sa binata nang bumaba ang mainit nitong labi sa leeg niya. Hindi ito nagsalita bagkus ay pinihit ang siradura ng pinto sa gilid niya. Itinulak nito iyon pabukas habang marahan din siya nitong itinutulak papasok. Sinipa ng binata ang dahon ng pintuan pasarado. Magkahinang pa rin ang mga labi nila habang palapit sa bed. Nang marating nila iyon ay marahan siya nitong itinulak pahiga sa malambot at malawak na kama. Aga

