Chapter 2

2056 Words
ACALLY Nadatnan kong nakaupo si Fhil, habang nakatingin sa hawak na cellphone. Marahan akong lumakad palapit sa kanya na ikinalingon naman niya, sabay tayo ng makita ako para salubungin ako. "Ready?" mabilis na tanong ni Fhil sa akin. Pinasadahan niya tingin ang buong katawan ko na agad ikinapula ng mukha ko. Hanggang ngayon kasi ay nahihiya pa ako sa paraan kung paano niya ako tingnan kahit ilang taon na kaming magkasintahan. Malinaw kay Fhil na hanggang hawak-kamay at halik lang ang kaya kong ibigay ngayon, pero nangako ako na ibibigay ko ang sarili ko sa kanya sa mismong araw ng kasal namin bilang regalo. Gusto ko kasing humarap sa altar na buo at malinis gaya ng panata ko sa sarili ko. Gusto kong matupad 'yun, kaya masaya ako na dalawang linggo na lang ay ikakasal na kaming dalawa at nagawa ko ang pangako ko sa sarili ko na buo ako. Ngumiti ako kay Fhil at niyaya ko na siya. “Tara na." Nag-iwas ako ng tingin dahil ayaw ko kasing salubungin ang mga mata niya. Natatakot ako sa emosyon na maaari kong makita, kaya ako na ang unang umiwas bago pa ako matukso. Tukso dahil napakalagkit niya kung titigan ako. Mabuti na lamang at malakas ang kontrol ko sa sarili ko dahil kung hindi ay sigurado na wala na, naisuko ko na noon pa ang pagkababaê ko. Isang mainit na halik sa labi ang natanggap ko, pero agad pinutol ni Fhil ng tapikin ko siya sa balikat. “I miss you,” namumungay ang mga matang bulong ni Fhil sa akin. Ngumiti ako at nag-iwas ng tingin dahil baka biglang lumabas si Mc at abutan kaming ganito ang eksena kaya niyaya ko na siyang lumabas. Malapit lang ang simbahan kaya nakarating agad kami bago ang takdang oras. Isang oras lamang ang itinagal ng seminar, kaya napagkasunduan naming mamasyal at maglibot-libot sa mall. Bihira kasi naming gawin ang ganito dahil magkaiba kami ng rest day. Simula ng lumipat ako ng trabaho ay hindi na kami laging nagkikita. Sa tawag at text na lang kami araw-araw nag-uusap dahil malimit ay hatinggabi na ako kung makauwi ng bahay at minsan naman ay madaling-araw na. Magkaiba ang schedule ng pasok namin sa beauty center na pinapasukan ko bilang receptionist, kumpara sa kompanyang pinagtatrabahuhan ni Fhil. Sa hapon ang simula ng shift ko at madaling araw na kung umuwi. Risky ito sa tulad kong babae pero nasanay na ako. Mabuti na lang talaga at lumipat si Mc ng trabaho kaya kasama ko siya gabi-gabi umuwi. "Sa SM na lang tayo mamasyal, babe," sabi ni Fhil. Tumango ako at ngumiti sa kaniya. Sobrang na miss ko rin kasi talaga siya, kaya natutuwa ako na p'wede kaming mamasyal ngayon ng magkasama. "Manood na lang tayo ng sine. Anong gusto mong panoorin?" tanong ni Fhil, habang nakaakbay sa akin at naghihintay ng taxi na dadaan. “Pili na lang tayo sa sinehan kung alin ang magandang showing ngayon," nakangiti na sagot ko, dahil hindi rin kasi ako updated sa mga bagong palabas ngayon. Ilang saglit pa ay lulan na kami ng taxi at patungo sa pinakamalapit na SM dito sa lugar namin. Hindi mahirap hanapin ang shopping mall na pupuntahan namin dahil kahit saang sulok ng bayan ay may branch sila. Isang sweet romance na palabas ang napili ko na panoorin namin. Hinayaan akong pumili ni Fhil dahil treat raw niya ito sa akin. Napaka-gentleman talaga ng fiance ko at laging ako ang priority niya, kaya naman spoiled talaga ako sa kaniya sa lahat ng bagay. Tulad ng dati ay hawak-kamay kaming dalawa ni fhil kahit saan kami pumunta. Nahihiya man ako sa sweetness na pinapakita niya sa akin kahit may ibang tao sa paligid namin ay unti-unti na rin akong nasanay. Si Fhil kasi ang klase ng tao na napakalambing. Maya't-maya ay gustong nakayakap at nakahalik sa akin. Gusto rin na laging hawak at magkasalikop ang kamay naming dalawa. I felt so special with him. Wala na akong mahihiling pa at labis ang pasasalamat ko sa Panginoon na ibinigay niya si Fhil sa akin. Siya ang pumuno sa kakulangan ko. Sa kaniya ko rin natagpuan ang pagmamahal na hindi ko nakita at naramdaman mula sa mga magulang ko. Hindi man perpekto ang relasyon naming dalawa dahil may pagka-seloso si Fhil at ayaw niya akong nakikita na nakatingin sa iba ay hinayaan ko na lang at sinunod ang gusto niya. Mahalaga siya sa akin at ginagawa ko ang lahat ng alam kong tama para maging maayos ang relasyon naming dalawa. Siya ang nasusunod sa maraming bagay. Siguro nga ay masasabi ko na sa kaniya na ako naka-depende. I loved him so much to the point na gusto ko na siyang pagbigyan, dahil alam ko na nahihirapan siya sa sandaling magkasama kami at nauuwi sa mainit na halikan ang simpleng pagyakap niya sa akin. Sa pinaka-sulok na upuan ng sinehan ang nakuha naming upuan. Hindi rin maraming tao dito sa loob dahil hindi blockbuster na pelikula ang napili ko, tapos tanghaling-tapat pa kaya ito marahil ang dahilan kaya ilan lang ang nanonood ngayon. Yumakap agad sa akin si Fhil nang makaupo kami at sinibasib ako ng halik sa labi. Hindi na ako nakapagreklamo ng ipasok niya ang kamay sa loob ng blouse na suot ko at mabilis na nahawakan ang dibdib ko. "Fhil, anong ginagawa mo? Baka may makakita sa atin," kinakabahan na bulong ko ng pansamantalang pakawalan niya ang labi ko para sumagap ng hangin. "It's okay, babe. Ilang araw na lang naman ay ikakasal na tayo. Baka pwede ng mauna ang honeymoon natin. Wala naman akong nakikitang problema kung pagbibigyan mo ako, kasi pakakasalan naman kita," sensual na bulong ni Fhil, bago muling lumapat ang labi sa balat ko at nagsimula na namang humalik sa leeg ko. Nanayo ang balahibo ko nang buksan ng isang kamay niya ang butones at zipper ng pantalong suot ko. "Please, tigilan mo yan, Fhil," mahinang pakiusap ko sa kanya dahil kahit kami lang ang narito sa sulok at madilim ay hindi ako komportable sa ginagawa namin. "Na-miss kita ng sobra, babe. Mukhang hindi mo naman ako na-miss man lang," bakas ang pagtatampo sa tinig na sabi ni Fhil Napabuntong-hininga ako. Ito ang iniiwasan ko, dahil ayaw kong magalit at magtampo si Fhil sa akin. Kaya lang kung hahayaan ko siya ay baka kung saan kami humantong, lalo na at nasa pampubliko kaming lugar. Malaking kahihiyan kung may makakita sa amin at higit sa lahat ay natatakot ako sa posibleng mangyari, lalo na at ramdam ko na hindi na naman makapagpigil si Fhil. "Hindi sa ganon, Fhil. Alam mo naman kung bakit ‘’di ba? Isa pa, nasa pampubliko tayong lugar. Paano kung may makakita sa atin?" Mahinahon ko siyang kinausap dahil ayaw ko kasi na pagsimulan namin ito ng away. Nakahinga ako ng maluwag ng tumigil sa panghahalik sa akin si Fhil. "Okay, walang problema kung ayaw mo." Inalis niya ang kamay sa loob ng damit ko at sumandal sa upuan. Mabilis na inayos ko naman ang sarili ko, maging ang damit na suot ko. Wala kaming imikan habang pinanonood ang palabas kahit pa hindi ko na naunawaan ang takbo ng istorya. Nag-aalala ako kay Fhil kapag ganitong tahimik siya. Sinisisi ko tuloy ang sarili ko dahil kung pinagbigyan ko na siya ay baka na-enjoy pa naming dalawa ang pinapanood namin ngayon at walang cold treatment ng sa isa't isa. Gusto ko siyang kausapin pero nagpipigil ako dahil baka umabot na naman sa punto na mapikon siya at bulyawan ako. Ayaw ko na dito pa kami mag-away kaya hinayaan ko na lang siya. Abala sa hawak na cellphone si Fhil habang nagtitipa ng mensahe. Hindi ko na lang pinansin kung sino ang ka-chat niya dahil baka bored na siya. Ilang saglit pa ay nagpaalam si Fhil na pupunta sa CR saglit, pero inabot siya doon ng halos kalahating oras bago nakabalik. Masakit daw ang tiyan niya kaya natagalan sa loob ng comfort room. Dahil nag-aalala ako sa kanya kaya inaya ko na siyang umuwi na kahit hindi pa tapos ang palabas. Ayaw ko naman na maging makasarili at mag-eenjoy sa panonood, gayong masama ang pakiramdam ng kasama ko. Nakikita ko sa kilos ni Fhil ang pagkabalisa, kaya hindi na ako nagpahatid sa kaniya pauwi sa apartment. Sumakay na lang ako ng taxi at umuwing mag-isa dahil malayo ang bahay niya sa lugar kung saan ako nakatira. Nakita ko na hindi komportable si Fhil sa mga kilos niya at halos hindi makatingin sa paligid. Gusto ko sanang sumama sa bahay niya para may kasama siya in case na kailangan niya ng tutulong sa kaniya, pero tumanggi siya. Ayaw na raw niya akong abalahin dahil kaya na daw niya. Normal na sakit ng tiyan lang daw ang nararamdaman niya dahil nalipasan siya ng gutom kagabi tapos heavy meal ang kinain niyang breakfast kanina. Tinanggap ko ang paliwanag ni Fhil kaya umuwi akong mag-isa. Nakarating agad ako sa apartment at nadatnan kong mahimbing ang tulog ng kaibigan ko, kaya hindi ko na ginising si Mc dahil alam kong pagod at puyat siya kagabi. Kanina pa ako nakahiga, pero hindi naman ako dalawin ng antok. Hindi rin ako mapakali dahil ilang ulit ko nang tinatawagan si Fhil pero hindi siya sumasagot. Mas lalo akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko. Kahit gaano ka-busy si Fhil ay tumatawag siya sa akin, pero dahil mukhang masama talaga ang pakiramdam niya, kaya hindi niya magawang sagutin ang mga tawag ko. Dahil talaga nag-aalala ako ay hindi ko na nagawang magpalit ng damit. Agad akong lumabas ng apartment para pumunta sa bahay ni Fhil. Alam ko ang lugar kung saan nakatayo ang bahay na nabili niya kaya madali para sa akin na puntahan si Fhil kahit mag-isa lang ako ngayon. Ilang ulit na niya kasi akong isinama doon at hindi lang isang ulit na muntik-muntikan na niya akong maangkin kung hindi lang ako nakapag-pigil. Para kasi kay Fhil ay normal lang ang pagtatalik kahit hindi pa kami kasal. Hindi umano kailangan ng kasulatan para gawin ang bagay na 'yun dahil magagawa namin iyon basta gusto naming dalawa, pero ilang ulit na tinutulan ko kaya paulit-ulit na pinag-awayan namin. Tinawagan ko ang numero ni Fhil pero tulad kanina ay nagri-ring lang ito. Naririnig ko pa mula dito sa kinatatayuan ko ang malakas na tunog ng kanyang ringtone na always be my baby by Mariah Carey, pero hindi niya sinasagot. Sigurado ako na nasa loob ng bahay si Fhil kaya lumapit ako sa pintuan para kumatok kaya lang, nakaawang pala ang pinto at indikasyon na bukas ito. Malaki ang hakbang na pumasok ako sa loob ng bahay para lang magulat ng marinig ko ang impit na mga ungol ni Fhil. Abot-abot ang kaba na mabilis akong umakyat sa hagdan at pumasok sa nakabukas na pintuan ng silid niya pero nagulat ako sa tagpong bumulaga sa aking mga mata. Nakahiga si Fhil sa ibabaw ng kama habang pinapaligaya ng babaeng hubo't hubàd na nasa pagitan ng kanyang mga hita. Isang hikbi ang kumawala sa labi ko na ikinagulat ng dalawang taong naabutan ko. Agad tumayo si Fhil at kahit walang saplot ay akmang lalapit sa akin. Umiiling ang ulo at nanghihina na umatras ang mga paa ko pero sa gilid ng hagdan ako napa-sandal. "Anong ginagawa ng babaeng 'yan dito sweetheart?" nakataas ang kilay na tanong ng babaeng nakahalukipkip sa sulok at hindi nag-abala na magbihis o magtakip ng katawan. Hindi siya pinansin ni Fhil at nagkukumahog na lumapit sa akin habang walang tigil ang pag-agos ng luha mula sa mga mata ko. "Babe, magpaliwanag ako," natataranta na sabi ni Fhil. "Babe? So, siya pala ang girlfriend mo na demure at tinitikis ka, kaya kapag hindi ka nakakatiis ay tinatawagan mo ako para paligayahin ka?" naka-ngising sabi ng babaeng kasama ni Fhil. Nasa tinig nito ang pangungutya sa akin at hindi ko hahayaan na insultuhin niya ako. Nagpunas ako ng luha sa pisngi at tumayo ng tuwid, saka tinitigan sa mata ang nag-aalala na si Fhil. "Tapos na tayo, Fhil. Tinatapos ko na ang lahat sa atin. Malaya ka na. P'wede mo nang gawin ang lahat ng gusto n’yo ng babae mo. Huwag ka na ulit magpapakita sa akin kahit kailan," matigas na sabi ko at pagkatapos ay mabilis na tumakbo pababa ng hagdan at walang lingon-likod na umalis sa bahay ng lalaking pinagkatiwalaan ko pero niloko ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD