Bagong Simula

4416 Words
Friday, Ika- apat ng Abril.               “Romano! May pinadi-deliver si bossing!”               “Sige po! Nandyan na po ako!”               Sa isang sikat na fast food chain nagpapart time si Drexter Romano. Siya ang delivery boy ng naturang fast food. Mag-iisang buwan na rin kasing syang bumukod sa pinsan nya kaya kailangan nyang itaguyod ang sarili.               Nagpadala na sya ng maraming resume sa maraming kompanya, ngunit ang laging sinasabi ng HR ay wala pa raw available na slot para sa kanya, sayang raw at magaling pa naman daw sya.               Kaya last week nagbakasakali sya sa isang kompanya. Sekretarya ang inaplayan nya. Malay nya, baka qualified sya. Ang importante lang naman kasi ay ang magkaroon sya ng kahit kaunting stable na source of income.               Nagtapos sya sa kursong Bachelor of Science in Business Administration Major in Marketing sa isang sikat na unibersidad sa Pilipinas. Mahirap nga talaga ang buhay, kailangan nyang itaguyod ang sarili.               Limang taong gulang pa lamang sya ng mamatay ang mga magulang nya sa isang aksidente sa dagat. Isa yung bangungot para sa kanya na hanggang ngayon ay hindi parin nya nakakalimutan. Mahal na mahal nya ang mga namayapa nyang magulang kaya gagawin nya ang lahat para kahit papaano ay maipagmalaki sya ng mga ito.               “Romano, deliver this to Chrisavel Firm. You hurry, okay?” ani ng boss nyang puti.               “Yes bossing! Right away!”                Isang half- American ang boss nya sa Dad’s Cook. Mabait naman ito pero medyo mainitin lang ang ulo. Tumatanda na kasi eh. Marunong naman itong mag- tagalog pero mas maiintindihan mo sya pag nag- English, medyo slang kasi magsalita, nakakalito tuloy.               Kailangan nyang makarating sa firm ng hindi lalagpas sa tatlumpong minuto, tag-line kasi nila We serve within 30 minutes, no matter how far you are! Pahamak din yung tagline na yun, deduct sa sweldo nila pagnahuli sila kahit isang minuto lang.               Minsan nga sa kamamadali nya, muntik na syang hulihin ng MMDA, buti nalang at napaki-usapan. Nagamit nya ang makamandag nyang convincing power.               Nasa isang kalye sya na talagang suki na ng traffic. Bakit ba kasi dito pa ang daan papunta sa firm na yun. May alam syang shortcut, kamakailan lang nya nadiskubre ito. Mabuti pa at tunguhin na nya yun, para naman hindi makaltasan yung isang buwang suweldo nya.               Binabaybay na nya ngayon ang isang masikip na kalye na tanging mga single motor lang ang nakakadaan. Makitid kasi ang lugar, pero okay na yun, basta ba mapapadali nito ang trabaho nya.               Pagkalagpas nya sa lugar na yun ay nakita na nya ang main road na magdadala sa kanya sa firm. Binuwelo na nya ang makina ng motor nya. Tiningnan nya ang oras sa wristwatch nya at sampung minuto pa para sa thirty minutes na delivery may allowance pa syang five minutes.               Pagkalabas nya ay may nakita syang itim na kotse na paparating, hindi pa naman nya na-minor ang takbo ng motor nya. Para maka-iwas sa disgrasya, iniliko nalang nya ang motor sa isang poste at doon sya bumangga sa katabi nitong basurahan.               Sa inis nya ay iniwan nya ang motor nya at dire-diretsong pumunta sa kung sino man ang nagmamaneho ng kotseng itim na yun. Aba’y loko-loko, paano nalang kung nagkabanggaan sila, ospital pa ang abot nya o mas worse, sa sementeryo ang bagsak nya.               Kinatok nya ang salamin ng naturang sasakyan at sinenyasang pababain ang driver. Pag di bumaba tong driver na ‘to, babasagin ko talaga ang salamin nito.                Nagbukas ng salamin ang driver at nakita nyang matanda na pala ito. Ang kanina’y nag-aapoy nyang ulo ay parang binuhusan ng malamig na tubig. Naging malumanay tuloy sya sa pakikipag-usap sa matanda.               “Pasenya ka na hijo, hindi ko napansin yung motor mo.” Ani ng matanda na sa tantya nya ay nasa singkuwenta hanggang sisienta na.               “Naku manong, buti nalang po at hindi po tayo nagkabanggaan. Kung di, tiyak na kayo po ang magbabayad ng damyos. Mas malaki po kaya tong kotse nyo kaysa sa motor ko.”               “Pasensya ka na talaga hijo, nagmamadali lang talaga ako.”               “Paano yan manong, nagasgasan nyo po yung motorsiklo ko!”               “Hijo, baka pu-pwedeng pag-usapan natin yan.”               “There’s no need. Mister, may kasalanan ka rin naman, dapat hindi mo binabaybay ang lugar na yan. Pantao lang ang daanang yan.”  Sabad ng babaeng ngayon lang nya napansin na nasa likod pala ng driver.               “Paki-ulit miss...”               “Hindi ko na kailangan pang ulitin ang sinabi ko. I’m sure you’ve heard it!”               “Teka, teka, sino ba ‘tong babaeng ‘to. Apo nyo po ba ‘to manong?”               “Of course I’m not his grand-daughter!”               “Relax... Eh manong, sino po ‘to? Ang tabil ng dila hah...”               “Boss ko po.. “               “Hah? Boss ka mo?”               “Yes! I’m his boss! So take this! Nagmamadali kami.”               Hawak ni Drex ang limang libong piso na binigay nang babae. Kung ganun, binabayaran sya nito? At hindi man lang nag-sorry. How rude of her.               “Hindi ko kailangan ‘tong pera mo. Kailan ko yung apology mo!”               “Whatever! I don’t say sorry for someone na may kasalanan din naman. Pasalamat ka nga at ako na ang magbabayad ng damyos.”               “Pero, teka-“               Bago pa man sya makatapos sa pagsasalita nya ay naka-alis na ang kotseng sinasakyan ng mata-pobreng babae. Maganda pa naman sana, kaso ang pangit ng ugali. Naku, buti nalang at hindi ganun si Krisha. Mabait at maalaga kasi yung nililigawan nya.               Naku! Muntik na nyang makalimutan. May idideliver pa nga pala sya. Pagtingin nya sa oras ay lagpas na pala sa sampung minuto. Walang-hiya, kailangan na nyang magmadali. Kaltas na naman ang suweldo nya nito.               Ang babaeng yun kasi eh. Naubos tuloy ang oras nya sa pakikipagtalo. Mabuti nalang at nasa kabilang kanto na yung firm na pag-dideliveran nya. Hindi na sya masyadong matatagalan pa. Tama na ang limang minutong natagalan sya sa delivery. Baka sisantihin na sya.               Nakabalik na sya sa pinagtatrabahuan nya. And he is right, nag-aapoy na naman sa galit ang boss nyang puti. Paano ba naman, pangatlong beses na nya ‘tong late sa delivery sa isang linggo.               “Hoy Romano! Baka sisantihin ka na ni bossing nyan hah...” ani ni Paul na mas naunang pumasok sa kanya sa Dad’s Cook.               “Pag-nasisante ako, siguradong ikaw na ang pinakamasayang tao sa balat ng lupa” sagot nya naman na may halong sarkastiko               “Buti naman at alam mo” sabay tawa ni Paul.               “Hahaha, sapakin kita dyan eh…”               Talagang ganyan na lang ang bangayan ni Paul at Drexter, paano ba naman kasi, selos na selos si Paul kay Drex dahil kahit na parehas silang matagal ng nanliligaw kay Krisha, kay Drex lang ito maalaga at sweet.               Si Krisha kasi yung tipong maalaga at mahinhin. Matatawag mo talaga syang isang dalagang Pilipina. Ang Maria Clara ni Crisostomo Ibarra. Ang hindi lang nya type dito, eh yung sobrang matatakutin sa pag-ibig, ni ayaw pumasok sa relasyon kahit na alam naman nilang pareho sila ng nararamdaman.               Dalawang taon na syang nanliligaw dito, pero hanggang ngayon ay di pa rin sya sinasagot. Lagi nalang itong naghihintay ng senyales. Pinagpapasa-Diyos ang desisyon kung sasagutin ba sya o hindi.               Feel din naman nyang gusto rin sya nito, pero bakit ang Diyos pa ang magpapasya para sa kanya? Bakit? Ang Diyos ba ang pakakasalan nya kung sakali? Baka naman gusto nitong magmadre?               Dahil sa sobrang pakipot ni Krisha, nasi-sisi nya tuloy minsan ang Diyos na wala naman talagang kasalanan sa ugali ng babaeng mahal nya. Sana dumating na yung araw na sagutin na sya ni Krisha at ng mapangaku-an na nya ito ng kasal.               Si Krisha kasi ang typical na babaeng gustong dalhin ng isang lalake sa harap ng altar. Mabuti rin siguro ito kapag naging isang ina. Paano kasi, mabait ito sa mga bata. Malapit kasi ang babae sa mga nakababatang pinsan nito.               Parang yung mama nya nung nabubuhay pa ito, maalaga,maasikaso at mabait. Wala na talagang mas gaganda pa kay Krisha. Isa itong anghel na animoy tutubuan ng pakpak dahil sa ka-inosentehan at bait nito.               Si Krisha na talaga ang siguradong babaeng gusto nyang iharap sa altar.               Naalimpungatan si Drexter sa tunog ng cell phone nya. Nasa stock room sya ngayon at nagnanakaw ng tulog. Ilang gabi na rin kasi syang puyat dahil sa kapit-bahay nilang laging nagbabangayan dis oras ng gabi.               Kinuha nya ang cell phone, tiningnan kung sino ang tumatawag. Unregistered yung number, baka isa na naman ito sa mga prank calls na natatanggap nya kamakailan lang.               Papungas-pungas na sinagot ni Drex ang tumatawag sa cell phone nya.               “Hello, Sino ‘to?” ani ni Drex sa cell phone matapos mapindot ang answer button.               “Is this Mr. Drexter Romano?”sabi ng kabilang linya.               “Ah, Oo… Sino po sila? ”               “This Themarie Valdez, HR head ng BuilGuez Corporation. Nabasa kasi naming yung resume mo. About that Mr. Romano, can you drop by to our company for your interview?”               “Hah? Interview kamo?”               “Yes sir, and the interview will be tomorrow, 8 o’clock am po. Are you available?”               “Yes, yes I am available… I’ll be there… Thank you…”               “You’re welcome sir, I hope you could get the position.”                 At dun nga natapos ang conversation nya with the HR head. Excited naman sya sa interview. Ibig sabihin lang nun na may pag-asa syang matanggap sa trabaho. Kailan nyang maging handa para dito.               Ano kaya ang magiging resulta ng interview nya. Sana ito na ang huling kompanya na aaplayan nya. Hindi na sana sya lilipat pa sa ibang kompanya para magpasa na naman ng resume at maghihintay ng tawag para malaman kung may pag-asa ba syang tanggapin.               Siguro ay mag-li-leave na lang muna sya sa Dad’s Cook para sa interview. Baka sakali kasing matanggap sya sa BuilGuez ay kailangan na nyang iwan ang trabaho nya sa Dad’s Cook.               Bukas na bukas rin ay magpapaalam sya sa bossing nya para sa interview nya. Hindi man sya sanay na umabsent sa trabaho pero kailangan nyang magbakasali. Malay nya, dito na pala sa trabahong ito sya matatanggap.               “Anukha mo? A-absent ka?” manghang tanong ni Gina, yung cashier nila.               “Oo, may interview ako bukas sa BuilGuez…”               “Ows? Di nga? Binibiro mo lang yata ako eh!”               “May interview nga ako… Nasaan ba si bossing at ng makapagpaalam ako.”               “Nasa office nya, nagbibilang ng pera nya… Alam mo na…”               “Ah… Sige, puntahan ko na lang”               “Galingan mong mag-ingles, dumugo yung ilong ko kakausap sa kanya eh…”               “Syempre naman… Magaling yata ako dyan…”               Nakita nga nyang nagbibilang ng pera ang boss nya. Iba rin kasi trip nang puting ‘to eh, ayaw i-deposit ang pera sa bangko, mas gusto nyang nasa safety box nya lang ito. Wala raw itong tiwala sa mga bangko. Hindi naman ito sina-unang instik para maging ganun ka kuripot sa pera.               Pumasok si Drex sa loob ng opisina. Nagulat naman ang boss nya at dali-dali kinamkam ang pera at isinilid sa bag. Tumingin ng matalim kay Drex saka nagwikang,               “How many times do I have to tell you to knock before you enter?” pulang-pula sa galit ang boss nya.               “Sorry bossing…” akmang lalabas uli sa pintuan.               “What is it? What do you want? Say it quickly.”               “Bossing! I’m going to file a leave!”               “What? You mean you’ll have a leave of absence now?”               “No, I mean tomorrow.”               “Why will you do that? Is there any problem?”               “Honestly speaking bossing, I will be going to an interview.”               “What is that interview you’ll going to have?”               “It’s an interview with the BuilGuez Corporation.”               “Are you planning to leave Dad’s Cook?”               “If I will be accepted then I would.”               “Okay, I’ll let go. But if ever you won’t be accepted, you are free to come back here.”               “Thank you very much bossing.”               “Now go...Don't disturb me anymore!!!”               Pagkawika nito ng boss ni Drexter ay lumabas na rin sya at nagpatuloy sa trabaho nya.    Kinabukasan... Nakoow! Mali-late na ako nito!! Napapabuntong-hininga si Drex habang pinapanood ang napakahabang pila ng sasakyan sa may tulay.               “Ah.. Manong, wala po bang shortcut rito? Kanina pa ho kasi tayo rito eh! Dehins na po umuusad ‘tong taxi eh…” tanong na sa driver ng may pagmamadali sa boses.                “Pasensya ka na hijo, talagang ganito talaga dito sa tulay na’to, usad pagong ang trapik!” paumanhin naman ng driver sa kanya.             Papunta si Drex sa job interview nya sa BUILGUEZ CORPORATION, isang sikat na kompanya na nagtatayo ng malalaking gusali sa Pilipinas. Nagsubmit siya ng resume last week at tinawagan siya kahapon ng kompanya para ipaalam sa kanya na may interview siya with the CEO of the company. At last, ito na ang matagal na niyang hinihintay, ang makapagtrabaho sa isang sikat na kompanya at magkaroon ng stable na income.         Matapos kasi noong pumanaw ang mga magulang niya ay nakitira na siya sa pinsan niya. Ito na ang nagpaaral sa kanya sa kolehiyo at ngayong nakatapos na siya ay kailangan naman niyang suklian ang kabutihang-loob ng kuya Arnel nya.         Hindi lang naman dahil sa utang na loob kung bakit siya naghahanap ng trabaho, kundi dahil na rin sa malapit ng ikasal ang kuya Arnel nya sa girlfriend nito. Ayaw naman niyang maging pabigat pa siya sa magiging pamilya nito, kaya naisipan niyang magsarili na lamang kahit sinasabi ng kuya niya na ayos lang. Kahit nga pagiging sekretarya ay papatusin nya at nang kahit papano ay mairaraos niya pa rin ang sarili ng hindi nagiging pabigat sa pinsan nya.         Dahil nga bumuklod na siya sa pinsan niya ay kinailangan niyang maghanap ng matitirhan, eksakto namang may nahanap siyang boarding house na mura lang ang bayad. Kahit papano ay may naipon din naman siyang konting pera mula sa allowance nya noong nag-aaral pa siya, idagdag pa run ang ibinigay sa kanya ng pinsan niya nung umalis siya sa bahay nito.         Mula sa kinauupuan nya sa taxi ay kitang-kita niya ang napakalaking gusali na may nakalagay na BuilGuez Corporation…the company that builds the future.. Tinatanaw pa lamang nya ito ay nalulula na siya a taas, idagdag mo pa ang nalalapit niyang interview kaya talaga napakabilis ng pintig ng puso nya na aakalain mong may mga humaharurot na sasakyan. Tiningnan nya ang metro ng taxi at nakitang halos dalawang daan ang babayaran nya. Hinagilap nya sa bulsa nya ang kanyang wallet.         Ano ba namang buhay ‘to oo, napakamalas ko naman. Baka kulangin ako sa bambayad rito kay manong. Lintik na trapik yun!         “Ah.. Manong! Pwede one fifty nalang ibayad ko? Nashort kasi budget ko eh..Wag po kayong mag-alala, pagsumweldo ho ako’dodoblehin ko ang bayad! Kunin ko lang po yung contact number nyo kung sakali” hirit naman nya kay manong driver.         “Ay, okay na yan hijo! Beinte pesos lang naman ang kulang eh.. Umakyat ka na at baka mahuli ka pa!” nag-iintinding wika ng driver. Bait ni manong,         “Naku! Maraming salamat po talaga manong..May utang na loob po ako sa inyo. Marami rin po sana kayong kostumer ngayong araw!”         “Naku! Sana nga..Magdilang-anghel ka sana hijo.”         Umakyat na sa gusali si Drex habang nagpapraktis ng isasagot sa mga kunwaring itatanong sa kanya ng mag-iinterview. Mas mabuti na yung medyo handa, kaysa naman nga-nga di ba?           Pinagpapawisanng husto si Drex sa mga tanong na itinatapon ng magandang binibini sa harapan niya. Nasa isang meeting room sila ng CEO na napag-alaman niyang Nadine Dominguez ang pangalan.  Pamilyar ang mukha ng babae, parang nakita na nya ito sa kung saan. Tinititigan ng mabuti ni Drex ang mukha ng kausap at bigla nyang naalala ang nangyari sa kanya kahapon.               “Pasenya ka na hijo, hindi ko napansin yung motor mo.”                           “Naku manong, buti nalang po at hindi po tayo nagkabanggaan. Kung di tiyak na kayo po ang magbabayad ng damyos. Mas malaki po kaya tong kotse nyo sa motor ko.”               “Pasensya ka na talaga hijo, nagmamadali lang talaga ako.”               “Paano yan manong, nagasgasan nyo po yung motorsiklo ko!”               “Hijo, baka pu-pwedeng pag-usapan natin yan.”               “There’s no need. Mister, may kasalanan ka rin naman, dapat hindi mo binabaybay ang lugar na yan. Pantao lang ang daanang yan.”                   “Paki-ulit miss...”               “Hindi ko na kailangan pang ulitin ang sinabi ko. I’m sure you’ve heard it!”               “Teka, teka, sino ba ‘tong babaeng ‘to. Apo nyo po ba ‘to manong?”               “Of course I’m not his grand-daughter!”               “Relax... Eh manong, sino po ‘to? Ang tabil ng dila hah...”               “Boss ko po.. “               “Hah? Boss ka mo?”               “Yes! I’m his boss! So take this! Nagmamadali kami.”               “Hindi ko kailangan ‘tong pera mo. Kailan ko yung apology mo!”               “Whatever! I don’t say sorry for someone na may kasalanan din naman. Pasalamat ka nga at ako na ang magbabayad ng damyos.”               Naku lagot, ito pala yung mataray na babaeng muntik ng makabangga ng delivery motor nya... Sana wag syang mamukhaan nito kundi good bye sa pangarap nya. Naka-helmet naman sya kahapon, so baka hindi na sya nito mamukhaan pa.             Pero infairness, kanina pa nya ito tinitingnan, maganda ito kaso talagang parang napakasuplada ng dating, parang kakainin ka ng buo eh. Kanina pa siya tinatanong sa maraming bagay na hindi naman related sa pagiging secretary nito. Para bang wala itong tiwala sa kanya o baka naman wala talaga itong tiwala kahit kanino.             Kanina pagdating nya ay agad siya tinapunan ng tingin at sinabing, “You’re five minutes late, kung gusto mong magtrabaho rito dapat mong malaman na ang secretary ay nauuna pa sa boss nila”. Sa traffic ba namang yun sino ang di malilate sa interview ano.             Napanganga talaga siya sa katarayan nito. Naiisip nga nya minsan habang pasimpleng pinagmamasdan si Ms. CEO kung marunong ba kayang ngumiti ng babaeng ‘to? Hindi naman maitatanggi ni Drex na lubhang kaakit-akit ang boss nya. Maputi ito, makinis. May magandang hugis ang mukha nito, mahahabang pilik-mata, mga labing nakakaakit kahit na obvious na manipis na lipstick lang ang ginagamit nito. Idagdag mo pa ang perpektong kurba ng katawan nito kahit na nakasuot ito ng formal attire, talagang nakakabighani ang dating nito. Kahit sinong lalake ay nanaising yakapin at siilin ito ng halik.         “Are you listening to me, Mr. Romano?”  nagising si Drex sa kanyang paglalakbay-diwa ng tanungin siya ni Nadine.         “Hah? B-bakit? A-ano po yun?” napa-utal-utal si Drex.         “Sabi ko, you could start your job next week. Be here before seven. Nagkakaintindihan ba tayo?”          “Yes ma’am! Wag po kayong mag-alala, aagahan ko po sa unang araw ng trabaho ko. Maraming salamat po”, pagpapasalamat naman ni Drex sa bagong boss nya.         “Don’t say it. Do it! And mind you, hindi lang dapat sa unang araw ng trabaho ka maaga, dapat everyday. Nagkakaintindihan ba tayo Mr. Romano?” ang huling kataga na sinabi ni Nadine bago siya lumabas ng meeting room.         Yes, sa wakas may trabaho na rin sya sa Builguez Corporation, magandang simula ito para sa panibagong buhay nya. Dahil nga katatapos lamang ng interview nya ng napagpasyahan nyang dumaan muna sa malapit na simbahan upang magpasalamat sa biyayang natanggap nya.         Tahimik ang buong simbahan at walang masyadong tao ang nagsisimba. Marahil ay nasa trabaho pa ang karamihan dahil Martes pa lamang ng tanghali. Ganito kasi sa siyudad, masyadong busy ang mga tao. Naupo sya sa upuang malapit sa rebulto ni Hesukristo na nakapako. Masyado sigurong malupit ang mga batas noong kapanahunan ng Diyos hindi ba? Yun ang nasasaisip nya sa mga sandaling yun.         Taimtim syang nanalangin na sana’y magdulot ng maganda ang bagong trabaho nyang ito at sana’y makahanap ng mabuting empleyado yung boss nyang kano pag nagresign na sya. Wala kasi syang tiwala sa Paul na yun.         Diyos ko, maraming salamat po sa lahat-lahat na naibigay nyo sa akin. Huwag po kayong mag-alala, pagbubutihin ko po lalo ‘tong buhay ko. Sana nga po’t magkasundo kami ng bago kong boss, eh mukhang mataray po eh. Ikumusta na rin po ninyo ako kina Mama at Papa dyan sa itaas, alam kong inaalala nila ako rito sa baba, pakisabi na lang po na nagpapakabait po ako dito kahit na paminsan-minsan ay makulit ako. Salamat po talaga sa lahat.         Pagkatapos magdasal ay dumaan muna sya isang flowershop para bumili ng bulaklak para kay Krisha. Pagkakataon na nya itong dalawin , isang linggo na rin kasi nya nadadalaw ito. Dadaan na rin sya sa paboritong tindahan ng dalaga ng makabili sya ng masarap na puto na paboritong-paboritong lantakan nito.         “Ate, magkano ho ‘tong callalily nyo?”         “Singkwenta isang piraso.”         “Pabili po ng tatlo... heto po yung bayad.”         Mahilig sa Callalily ‘tong si Krisha, kaya ito ang lagi nyang binibili kapag dumadalaw sa kanila. Nilalagay naman ito ng dalaga sa may altar upang ialay sa santo. Sumakay na sya ng jeep papunta sa bahay nina Krisha. Medyo malayo din ito sa tinutuluyan nya ngayon, di gaya nung nasa kay Kuya Arnel pa sya, isang subdivision lang ang layo nilang dalawa.         Matapos ang halos isang oras na beyahe ay nakarating na rin sya sa tahanan nila Krisha. Gaya ng dati, marami pa ring aso sa lugar nila. Dahan-dahan lang sya s paglalakad, ayaw nyang istorbohin ang mga aso mahirap na at baka makagat sya at magka-rabbies pa.         “Tao po... Tita Weng, Tito Sol, Krisha... si Drex po ‘to”         Sana naman at nakauwi na galing sa palengke ang mga yun. Wag naman sana silang gabihin at baka papakin ako ng lamok dito sa labas.         “Drex? Ikaw ba yan?” galing ang boses ng babae sa likod nya. Lumingon si Drex at nakitang kararating lang ng mag-anak galing sa palengke. Hay salamat naman...         “O hijo, anong ginagawa mo rito?” tanong ni Mang Sol.         “Dinadalaw ko lang po si Krisha...”         “Pasok ka muna dito sa loob at ng makapagmerienda ka” alok naman ni Manang Weng.         “Salamat ho...”         “Drex, magbibihis lang muna ako hah...” paalam naman ni Krisha sa kanya.         “Walang problema...”         “Kumain ka muna, medyo malayu-layo rin yung binayehe mo.”         “Walang kaso ho yun sa akin, basta ba’t para kay Krisha eh, kahit ilang bundok pa yan eh lalakbayin ko madalaw ko lang po yung anak nyo.”         Ganoon na lamang ang tawa ng mga magulang ni Krisha sa ka-corny-han ni Drex. Matagal-tagal na rin nilang kilala ang binata at alam nilang mabait ito at mapagmahal.         “Drex, pasensya na at pinaghintay kita.”         “Ayos lang yun Krish...”         “Napadalaw ka, akala ko ba alas nuebe pa ng gabi matatapos yung trabaho mo?”         “Ahh... Naka-leave ako ngayon”.         “Bakit? May problema ka ba?”         “Hahaha... Wala naman, may interview lang kasi ako sa Builguez Corporation, yung kompanyang sinasabi ko?”         “So? Ano yung kinalabasan? Mabuti ba naman?”         “Guess what, tanggap na ako Krish... Next week na ako magsisimula...”         “Naku! Masaya ako para sayo... Pero, paano na yung trabaho mo sa Dad’s Cook?”         “Magpapaalam na nga ako bukas kay bossing, mahirap ng magtrabaho pa rin ako pero aalis din naman ako next week... Di naman yata fair yun.”         “Tama nga siguro yung desisyon na yan. Baka maging bigtime ka na dyan sa trabaho mo, walang limutan hah.”         “Sus, ikaw pa, kakalimutan ko... maging busy man ako hahanap at hahanap ako ng paraan para madalaw ka. Di ko pa kaya nakakamit ang matamis mong uhmmm...” sabay nguso na wari ay naghihintay ng halik mula sa dalaga.         Biglang namula si Krisha, nahiya yata... Masyado talagang inosente ‘tong babaeng mahal nya.         “O sige, di na ako magtatagal, tita,tito, mauna na po ako..malayu-layo pa yung uuwian ko. Krisha, sa susunod na dalaw ko uli...”         “Mag-iingat ka hah...”         Umuwi na si Drex sa inuupahan nyang kwarto, maghahanda na rin sya ng resignation letter para maipasa na nya bukas. Maganda ang naging takbo ng araw nya ngayon at sana ganun din ang mangyari bukas.         Kinabukasan sa Dad's Cook. “You're resigning already? Why?” tanong ng boss nya.         “I was accepted for the job yesterday and I don’t want to be unfair to you boss.”         “But it’ s okay for me. You could work for as long as you like.” Pangungumbinsi naman ng boss nya.         “Sir, please, just let me do this. I respect you and the Dad’s cook very much so to be fair, I must resign now.”         “Okay, I respect your decision. Thank you for being part of this business...”         “No sir, I should thank you.”         Lumabas na si Drex at tama nga naman ang hinala nya, maraming nakikichismoso sa labas ng opisina ng boss nila habang nag-uusap sila. Hay... ‘tong mga ‘to, talagang mga Pinoy, masyadong mga chismoso...               “Ba’t magreresign ka Drex, naku, ako na ang magiging kanang kamay ni boss nyan.”               “Masaya ka naman? Wag kang mag-alala... Sayung-sayo na ang trono.”               “Aba ‘tong lokong ‘to?”               “Paalam na Paul. Enjoy your life as much as possible.”               Nagwalk-out sya sa harap ng mayabang na Paul na yun.Hindi sya affected sa kayabangan nito.               Tanong ng tanong ang mga kasamahan nya kung saan sya pupunta, isa lang ang masasabi nya, pupunta sya sa trabaho kung saan siguradong magiging challenging ngunit alam naman nyang magiging masaya sya. Sana...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD