Simula

3070 Words
Napaahon ako sa higaan ng marinig ang sabi ni Mama. Hindi ko naisara ng mabuti ang pintuan kanina ng nagmamadali akong humiga sa kama dahil sa pagod. "Uuwi sila Lara sa susunod na araw. Ikaw na ang bahalang tumawag kay Laurio at Rico." "How about Gavin and Jandrick?" Hindi ko alam ang sagot ni Mama. Kung hindi siya uming malamang ay tumango lang iyon. Kaya nagulat ng magsalita ako galing sa likuran. "Is it true? Uuwi sila Tita Lara?" I asked Mama She didn't answer. Nagtinginan lang sila ni Papa at pilit na ngumiti sa akin. Alam kong alam nila ang pagkakagusto ko kay Jandrick noon pa man. Simula noong maliit palang ako unang kita ko palang kay Jandrick ay nagustugahan ko talaga siya. Pero syempre alam kong puppy love lang iyon kahit na hanggang ngayon ay tingin ko si Jandrick ang dahilan kung bakit wala akong boyfriend o naging boyfriend. "Akala ko mamayang gabi ka pa uuwi? I mean uuwi ka para matulog di-dito." Lumapit si Mama at hinalikan ako sa pisngi. "Uuwi sila anak. Take a rest sumabay ka sa amin sa hapunan.." Si Papa. Tumango ako at bumalik sa kwarto. Kailangan ko talaga sumabay sa kanila sa hapinan para naman malaman kung pati pa si Gavin at Jandrick ay uuwi. Matagal ko narin silang hindi nakita kung umuwi man sila dito nagkataon naman na nagbabakasyon ako at hindi talaga nasasabi ni Mama, ngayon lang sumagi sa isipan ko na baka sinasadya niya na huwag ipaalam sa akin. Sinubukan kong tawagan si Tricia pero hindi sumasagot, gusto ko lang tanungin kung may alam ba siya tungkol dito pero walang reply. Masyado naman akong desperada kung pati si Tim ay tatawagan ko. Hindi ako makapaghintay sa hapunan kaya nauna na akong bumaba, mabuti at hindi rin nagtagal ay bumaba sila Mama. "Dito ka ba matutulog?" Una niyang tanong ng magsimula kaming kumain. Gusto ko sana at dito ang balak ko ngayon pero nagbago agad ang isip ko. Makikipagkita ako kay Tricia siguradong nasa bar siya ngayon. Friday at walang pasok bukas sa trabaho, tulad ng dating gawi she's with Tim maybe. Umiling ako kay Mama. Sinabi ko naman kung bakit tumango lang siya at sunod-sunod pa ang tanong tungkol sa trabaho ko. Nagtatatrabaho ako bilang Architect sa Fedelicio Architectural Firm. Ang sabi kasi ni Papa mas maganda kung makakuha ako ng experience dito lalo na at kilala ito sa bansa mangin sa ibang bansa. Walang problema sa akin dahil isa din si Tita Lara at Tito Greg na nakiusap sa akin na sa kanila mag trabaho, katulad ni Dennise na anak din ng kaibigan nila Mama na si Tita Allena at Tito Rico. "I'll visit you this week. Spa after shopping what do you think anak?" I smiled. Kahit na sa kaloob-looban ko naiinis ako dahil hindi sila nag oopen ng topic tungkol sa pag-uwi ng Fedelicio. "Tawagan mo ako ng maaga kung anong araw Mama. Busy ako dahil may seminar kami at may mga baguhan na Architect sa kompanya.." Inaasahan kong doon matatapos ang usapan namin tungkol sa trabaho at dudugtungan na niya ng tungkol sa pag-uwi nila Tita Lara since the topic is about the Fedelicio's business pero wala talaga. Lalo akong nainis, wala akong ganang kumain at panay lang ang inom ko ng tubig. Bakit ayaw nilang nagkwento? Ganon ba kahalata ang pagkagusto ko kay Jandrick? Syempre ayoko din pangunahan dahil magmumukha akong tanga kung talagang ako pa ang mangngulit. "'Ma I need to go. May pupuntahan pa ako." Nagtinginan si Mama at Papa. Tumango naman si Papa kaya alam kong makakaalis ako agad. Kahit may kaya ang pamilya namin ay hindi ako umaasa sa pera ng pamilya namin. I have my own condo with my savings. Iyong allowancw na naibibigay sa akin ni Papa at extra money na natatanggao ay diretso lang yon sa savings ko sa ibang account. I don't need it kaya abala ko sa mga donations at pagbibigau ng tulong sa mga bahay ampunan. Magulo at maingay ng dumating ako sa bar na lagi namin tinatambayan. Nakita ko kaagad si Tim ngumuso ako dahil mukhang wala si Tricia mali yata ang hula ko. Kasama ni Tim si Gab at Dennise. Kung minamalas nga naman, kahit malalapit na magkaibigan ang mga magulang namin ay hindi ako kailanman man naging close kay Dennise. Of course bata palang kami ay siya na ang malapit kay Jandrick kaya bakit ako matutuwa sa kanya? Pero hindi naman kami gaanong nag-aaway minsan lang at hindi kami nag-uusap kahit na madalas kaming magsama-sama sa ganitong tagpuan. "Oh! Sabi ni Tricia umuwi ka." Si Tim. Sinalubong ako ng halik sa pisngi gaya ng nakaugalian. Parang magkakapatid ang turing namin sa isa't-isa at lalong tumibay ang relasyon ng magkaroon kami ng mga isip hanggang ngayon. Noong highschool ay madalas kaming mag overnight kanila ni Gab pero ngayong may mga trabaho kami madalang at ganito nalang lagi ang eksena. Bar at kanya-kanyang uwi sa condo. "Baka naman di makatiis na hindi mag party." Si Gab. Nagtawanan sila. Umirap ako. "Where's Tricia? Akala ko ba dito siya?" Sinundan ko ng tingin ng ngumuso si Gab sa dance floor. Napamura ako. Nakikipaghalikan siya sa kung sino. Mabilis akong naglakad at hinila si Tricia sa lalaki. Natatawa pa siya ng lingunin ako. Halos madapa na nga ako sa kakahila ng mapansin na sumunod ang lalaki sa amin ay agad naman hinarang ni Tim. "What the F! Kanina pa kayo dito tapos ngayon kalang kikilos?" Sigaw ko kay Tim. "Nagawa mo pang tumawa riyan." Lasing na lasing si Tricia. Si Dennise naman ay inabutan siya ng tubig. "Ayoko siyang pakialaman. Lagi niyang sinasabi na pakialemero ako..Lalo siyang nagagalit." Huminga ako ng malalim sa inis dahil maliban don mukhang wala akong mapupulot na impormasyon sa kanila. Ayoko din magtanong kay Dennise pero sana may masabi siya. Uminom kami hanggang madaling araw, Nakatulog si Tricia at ng malapit na kami umiwi ay nagising din siya. Hinayaan kong si Tim ang maghatid. Kinabukasan ay parang sasabog ang ulo ko. Tanghali na ng mabasa ko ang mensahe ni Tricia at mukhang natauhan na siya. Tricia: Hindi ako sigurado pero ang sabi ni Mommy si Tita Lara lang at Tito Greg. Maybe busy silang magkapatid lalo na sila na ang humahawak ng negosyo. Kaya magtiis ka sa mga larawan ni Jandrick sa internet. Ako: Just asking. Na miss ko din naman si Gavin hindi lang si Jandrick ang nasa isip ko. Naligo ako pagkatapos at lumabas para maghanap ng masarap na pagkain, Kailangan ko ng mainit na sabaw para maibsan ang sakit ng ulo at sama ng loob dahil sa sinabi ni Tricia. So si Tita Lara lang talaga at Tito ang uuwi, kaya siguro ayaw din sabihin din ni Mama kasi ayaw niyang masaktan ako. Naging normal ang linggo ko para sa trabaho, isang beses lang kami nagkita ni Tricia at Gav sa linggojg iyon at si Mama naman ay tinulad ang sinabing mag pa spa at pamili ng gamit. Bago ako sumakay ng kotse ay pinaalala niya sa akin ang dinner kasama ang mga kaibigan at pagdating ni Tita Lara at Tito Greg. Syempre hindi ako excited. Kaya matamlay ako nang pumasok sa opisina at inabala ang sarili sa pag schedule ng site visit at pagbasa ng mga emails. Natigil ako ng tumunog ang cellphone ko. Tsaka ko lang napansin ang orasan sa lamesa na mag-aalauna na pala, tapos na ang lunch break ng hindi ko manlang nalalaman. Tricia: May isusuot ka na bang damit mamaya? Parang kinabahan ako sa tanong niya. Sumandal ako sa upuan at napapikit bahagya dahil sa pagod. Ako: My working clothes. Dinner lang naman hindi party. Hindi ko pa nailapag ang cellphone ko ay muling tumunog iyon. Sunod-sunod ang mensahe ni Tricia. Tricia: I'm sorry. But Jandrick will be there, he'll join us. I called him yesterday. Tricia: Ayoko lang sabihin agad kasi baka maabutan ka niyang baliw. Nabaliw sa kakaisip at pumangit ka dahil walang tulog. Napaupo ako ng maayos. Nanginig ang kamay ko habang nagbabasa ng ibang mensahe ni Tricia na hindi niya sinend ng isaha kailangan talaga isa-isahin. Tricia: Hintyain kita dito sa lobby. Ayokong magmukha kang basahan sa harap ni Jandrick at Dennise mamaya. Nagmadali akong patayin ang computer at hindi na makapaghintay na mag reply sa mensahe ni Tricia, habang nasa elevator ay tinatawagan ko siya. Totoong naghihintay siya sa ibaba kasama si Tim. Napailing ako ng maabutang silang nagbabasa ng magazine sa sofa. "What the hell! Traidor ka talaga." Sabi ko kay Tricia. Tumawa lang siya at kinaladkad ako palabas ng mapansin ang tingin ng mga empleyado sa amin. Nakapamulsa si Tim na mukhang walang pakealam sa pagtatalo namin. "Traidor? Kung traidor ako wala ka dito mag-isa akong mamimili." Muli siyang tumawa. Inirapan ko siya hindi ako nakasagot ng nakitang sa amin na ang tingin ni Tim ngayon. Naiwan ang kotse ko sa Fedelicio Archi Firm. Sumabay ako sa dalawa, naghalo na ang excitement ko at kaba tsaka ko lang na realize tama nga si Tricia kung sinabi niya agad sa akin ay baka mabaliw ako sa paghahanda at kakakisip. Gusto kong batukan ang sarili ko para sa kalandian kong ito. Pero sa maniwala kayo o sa hindi ngayon ko lang naramdaman na feelinf ko ang landi ko nga. Ni minsan hindi ko naranasan ang mainlove sa kahit sinong lalaki. Kahit pa anak mayaman o artista yan! Hindi tulad ni Tricia ex na niya ang sikat na anak ng abogado dito sa bansa pati anak ng senador ay naakit na niya. Minsan ayokong mag-isip na baka nga nababaliw na ako? O baka normal lang talaga ang lumaki na walang boyfriens. Feeling ko tuloy minsan ang bata ko pa. Malapit lang ang mall kaya hindi matagal ang byahe. Nang umilaw ang stopligh ay tumigil si Tim at sumulyap sa akin. "Are you excited bebe girl?" Ngumuso ako. "Shut up Tim!" Tumawa sila ni Tricia. Sumagi sa isipan ko na bakit hindi to sinabi ni Mama sa akin?O talagang sinasadya niya na tuwing uuwi ang mga Fedelicio ay nasa bakasyon ako at lahat yon ay libre dahil sinasabi niyang regalo niya sa akin. Ngayon ko lang naiisip ang lahat ng ito. "Don't worry Vera. Kapag ikaw hindi pa nilandi ni Jandrick.May mga nakapila na akong irereto sayo." Hindi ako sumagot. Nanatiling busangot ang mukha ko. Natutuwa naman si Tricia sa naririnig ang sarap nilang pag-untogin. Si Scott, Lendon, Luigi and Kyrone." Tim winked. Hindi talaga ako natuwa kaya umiling nalang ako. "Oh my gosh! Si Kyrone iyong car racer? Ang hot kaya no'n." Kinilig si Tricia ng humarap sa akin ng magtama ang tingin nila ni Tim ay nawala ito. Tumawa ako. Alam kong may gusto si Tim kay Tricia pero hindi niya masabi dahil ayaw niyang masira ang samahan namin pero sa nakikita ko ngayon mukhang hindi tatagal ang pagpigil niya sa nararamdaman. "Do you want me to introduce Kyrone to you instead of Vera?" Ngumuso si Tricia. Itong isang pakipot kahit sino na ang ginagawang boyfriend para maiwasan at mawala ang nararamdaman kay Tim. Pareho lang sila. ayoko naman mangialam kasi ayokong masisi sa huli. Ayaw kong masira ang friendship namin sa kaling seryosohin nila ang isa't-isa pero hindi rin naman masamang subukan. Nakapili kami agad ng Tricia ng maisusuot. Kulay itim iyong sa kanyan hangang ibabang tuod at medyo kita ang dibdib samantalang yung akin naman ay white dress hangang ibabang tuhod, at dahil sa natural na maganda ang hubog ng katawan ko lalo lang nadepina ang dibdib ko. Hindi pa natigil si Tim sa kakatalak dahil sa ayaw niyang sexy ang damit ni Tricia sa huli ay wala parin siyang nagawa. May oras pa naman kaya nagdesisyon kami ni Tricia na sa suking salon na kami magbihis at mag-ayos. Total kilala narin naman kami ng mga staff doon at pinsan ni Tricia ang may-ari. Kinakabahan ako hindi naman kailangan maghanda pero ewan ko ba at bakit gusto ko rin, ayoko lang sana na mapansin nilang masyado akong naghanda para sa dinner na ito. Walang alam si Mama na alam kong nandoon si Jandrick at Gavin. Ngayon ko lang napagtantong hindi lang sa hindi nila alam ni Papa. Totoong ayaw nilang magkita kami ni Jandrick. "Ang ganda mo. Tingin mo makukuha mo na ang atensyon niya?" Si Tricia habang sinusuot ang relo. Ngumuso ako. "Kung ikokompara kay Dennise baka nga wala pa akong laban. Maganda lang ako pero hindi ganon ka lakas ang loob." Mahinang tumawa si Tricia sa akin at sinulyapan si Tim. "Hindi pa ba malakas ang loob mo sa ilang taon na paghihintay sa kanya? Jusko Vera! Tanga nalang ako kung hindi ko pa mapapansin. Kaya walang kang boyfriend dahil kay Jandrick." Bahagya kaming nagkatinginan at sa huli ay ngumuso lang ako tsaka kinuha ko ang bag ko sa kanya. Hinayaan kong matawa si Tricia, aalis na sana kami patungol sa hotel nang maalala ko ang kotse ko. May schedule ako ng site visit bukas at hindi ako makakaabot sa tamang oras kung dadaanan ko pa sa opisina. Kaya imbes na sumabay kanila Tricia ay bumalik ako sa firm ng nakasakay sa taxi para kunon ang kotse ko,hindi rin ako nag aksaya ng oras dahil umalis ako agad ng firm yun ngalang naabutan ako ng traffic dahil alas sais na. Tumigil ako at kinontak si Gab, siguradong hindi pa siya dumadating dahil ang alam ko ay galing siya sa training. Nakakahiya naman kung mag-isa akong dadating at kumakain na sila.. "Were are you?" Sabi ko ng sagutin niya ang tawag. "On the way. Medyo traffic. Andun na ba si Tim?" "Yup. Papunta narin ako. Can you wait for me kapag nauna ka?" Tumawa si Gab. "Baka magselos si Jandrick!! Bakit kinakabahan ka ba? Unang pagkikita ninyo after 10 years di ba?" Huminga ako ng malalim at napailing kahit hindi naman ako nakikita ni Gab. "Shut up!" Yun lang ang tangi kong nasabi ng maagaw ang atensyon ko ng dalawang bata na pilit hinihila ng dalawang lalaki na nakaitim. Narinig ko pa ang pag tawa ni Gab sa cellphone. Tumakbo ang dalawang batang lalaki, hinabol sila ng dalawa pa at maliban do'n may isang puting suv na sumusunod sa kanila. Minsan ko ng narinig ang mga balita tungkol sa sendikato, sa bahay ampunan kung saan ako tumutulong ay halos bugbog sirado at may mga sugat ang mga batang na re-rescue ng foundation. "Gab nagbago ang isip ko. Mauna ka na! May gagawin pa ako." Hindi na ako nagdalawang isip napaandarin ang kotse ko. Hindi ako racer pero naniniwala ako sa driving skills ko. "Vera what happened?" Siguradong narinig niya ang bosina ko. " Vera nasa stoplight ka ba? Bakit ka umalis hindi pa umilaw ang go signal--" Hindi ko na hinintay padugtungan ni Gab ang sasabihin niya dahil pinatay ko kaagad ang cellphone ko. Hindi ko inalis ang tingin sa suv hindi ako makasingit dahil mabilis din ang pagmaneho nila. Bago lumiko sa kalye ay tumigil ako, muntik mo ng masagasaan ang matanda. Nanginginig ang kamay ko sa takot pero hindi ako mapakali hindi ko pwedeng iwan ang dalawang bata. Hindi ako makakatulog ng mahimbing kapag may nangyaring masama sa kanila. Nadagdagan lalo ang pangamba ko ng makita ang isang buntis na lumapit at isa pang may edad na ale. Sinunyol ng isang lalaki ang mas batang lalaki dahilan ng mawalan ito ng malay. Maya-maya pa ay hinarang na ng ale ang lalaking naka itim ngunit wala din siyang nagawa dahil hinawakan lang siya sa buhol at tinulak. Nagulat ang mga malapit na dumadaan sa kanila, may mga tumakbo at may tumigil lang para manuod.! Wala na akong oras. Hindi ako dapat sumunod kung wala lang din akong gagawin.Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago banggain ang suv na kulay puti kung saan sana isasakay ng dalawang nakaitim na lalaki ang mga bata. Mabilis ang pangyayari at ngayon nakataas na ang aking dalawang kamay habang tinututukan ng mga bumaba sa sub suot ang itim na bonet. "Sino ka! Ang lakas ng loob mo mangialam" Sigaw ng lalaki, halos bumaok ang kuko niya sa braso ko ng kinaladkad niya ako. Ang baril na nakatutok sa akin ay hindi ko matignan ng maayos dahil narin sa takot. "Bakit niyo sinasaktan ang bat-" Hindi pa ako tapos ng lumipad ang palad ng isa pang lalaki sa aming pisngi. Naramdaman ko kaagad ang hapdi at init nito. Dumami ang tao,narinig ko pang nag talo-talo ang mga lalaki tungkol sa akin. Kailangan daw ako dalhin dahil nadamay na ako. Lalo ako nakaramdam ng takot. Nanginig ang na ang paa ko dahilan kung bakit hindi ako makakilos ng sigawan akong pumasok sa kotse. "Ang yabang mo!Pakialamera ka!" Dagdagpa ng isa. Tumulo ang aking luha at bago pa dumampi muli ang palad ng lalaki sa mukha ko ay narinig ko ang isang putok at sigawan ng tao. "Huwag niyo siyang takutin. Hindi dapat tinatakot ang mga babaeng katulad niya." Sigaw ni Gab. Lalo akong napaiyak. Hindi ko maisip kung ano na ang kasunod kung hindi pa siya dumating. "At sino ka naman?" Bulyaw ng mas malaki ang katawan. "Bitawan niyo siya kung ayaw niyong matigil ang paghinga ninyo sa kinatatayuan ninyo..." Nagtawanan lang ang mga lalaki ngunit di na sila nakasagot pa ng dumating na ang mga pulis. Halos kaladkarin ako ni Gab sa kotse niya at itapon sa loob ng mabuksan ang pinto. Umiiyak parin ako habang nanginginig ang katawan dahil sa takot at gulat sa nangyari ni hindi. Nakatingin ako kay Gab na ngayon ay kausap ang mga pulis at sinuntok pa ang nagtutok ng baril sa akin. Mabuti at napigilan siya ng mga tauhan. Galit na galit siya ng balikan ako sa tingin palang ay hindi ko na magawang magpaliwanag. "What was that Vera? Nababaliw ka ba?" He shouted. Lalong napalakas ang iyak ko. Hindi ko inaasahan na ganon ka delikado ang mangyayari. Sa reaksyon ni Gab alam ko g nagsisi siya na masigawan ako, hindi ko sinasadya at hindi ko balak na ipahamal ang sarili ko gusto ko lang tulungan ang mga bata. "I'm sorry. Nag-alala lang ako. Paano kung di kko nakita ang kotse mo at hindi ka naabutan? Naiiisip mo ba ang pwedeng mangyari?" Niyakap niya ako. Hindi ako nakasagot at nagpatuloy sa pag-iyak. Alas otso na kami nakarating sa Hotel. Pinakalma muna ako ni Gab. Ayaw niyang malaman ni Mama at Papa ang nangyari ngayon, iyon din ang balak ko ang huwag munang sabihin. Ayokong mag-alala sila at ayokong mapahiya sa harap ng mga Fedelcio.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD