"Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng yun, after n'ya magloko kay Haru bigla bigla s'yang manghahalik ma parang wala lang?" Nasa hagdanan kaming tatlo ni Hestia at Szaniah na sumasama na ulit sa amin by the way, kumakain habang kinukwento ko ang nangyari kagabi. Naurong ang dapat sana'y dialogue namin ngayon at sinabihan na lang kami na next week na para makapagfocus kami sa exam bukas. Actually, I almost forgot that today is the supposed to be date for our dialogue. Nagmamadali pa nga ako kanina kasi late na ako nagising at masyadong mahimbing ang naging tulog ko. Kaya napahinga ako nang maluwag nang malaman na hindi muna gaganapin yun ngayon. Kaya ito kami, nagkukwentuhan lang imbes na magreview kasi yun nga ang dapat naming gawin ngayon. "Tapos ang pangit ng respond mo kay Haru teh,

