"May mataas na karangalan, Raelyn Jae Hernandez." Nakangiting binigay sa akin ang diploma na masaya ko namang hinagkan bago nakipagkamay sa kanila. Sinenyasan ako ng photographer na tumingin sa harap kaya naman humarap ako kasama si mama at ngumiti sa camera. "Congratulations." Pagkababa ko ng stage, kahit na hindi pa tapos ang program ay humiwalay na ako kay mama at pumunta sa mga kaibigan. Ako na lang kasi ang hinihintay nila dahil nakuha na nila ang sa kanila "Tara kain tayo! Celebrate!" suhestyon ni Prim na agad naman naming sinang-ayunan, kasama ako na hindi pa sigurado kung papayagan. Sa totoo lang, hindi gaanong masaya ang moving up namin dahil kulang kami ng isa, si Hestia. Pagkakuha n'ya ng diploma kanina ay agad na s'yang umuwi para makapagpahinga. Hindi rin namin s'ya nakau

