"Ay ang taray ni ate mo Jae, blooming oh! Palibhasa masaya ang lovelife!" pang-aasar ng mga kaibigan ko pagkarating ng school. Ang bilis ng araw, parang kahapon lang nang nilabas ang mga grades namin tapos ngayon, magpapractice na kami. As for me and Haru, after n'ya sabihin na okay na ang lahat, naging okay naman talaga kasi magkausap na kami ulit gaya ng dati. Wala na s'yang excuse na may nagbabantay sa kanya, at wala na rin akong narinig pa tungkol kay Elira. Of course, curious talaga ako sa kung ano ba talagang nangyari pero kada tatanungin ko s'ya, halata namang iniiba n'ya ang topic kaya hindi ko na lang din pinush pa na sabihin n'ya. Hahayaan ko na lang s'ya na sa kanya mismo manggaling yun. Hinila ako ni Hestia palayo sa mga kaibigan namin at ipinagaharap sa kanya. Nagtaka ako

