KABANATA 46 BUBOY ( POV ) HINDI AKO MAPAKALI DAHIL nagalit si Nosgel sakin kanina no'ng tumawag siya. Binibiro ko lang naman eh, ang pikunin talaga ng babaeng 'yun. Hindi ko tuloy alam kung paano ko siya susuyuin ngayun. Hindi pa kami pero may war agad. Ewan ko ba do'n, may nangyare na samin lahat lahat, gusto ligaw muna bago kami maging official. " Huy! anong nangyare sayo?" Untag sakin ni Nestor habang nasa pilahan pa kami. " Para kang hindi mapakali diyan." " Wala, naiihi lang ako." Pagsisinungaling ko sa kanya. " Ahh, okey. Yung bebe mo parating." Kapagkuwan ay saad nito kaya napalingon ako sa kanya. " Sino?" Salubong ang kilay na tanong ko sa kanya. " Ayun oh!" Nakanguso nitong sagot. Napasapo naman ako ng ulo nang makita ko si Karen na palapit samin. Inantay ko naman ang dal

