KABANATA 08 MATAPOS KUNG MAGHUGAS NG MGA pinagkainan ay lumabas na ako sa kusina saka hinanap si lola. Sa sala's ko siya nakita habang nanunuod ng TV. " Lola uwe na po ako." Kuha ko sa presensiya niya ng makalapit. " Oh, uuwe kana? Mamaya na lang kaya?" Anang ni lola sakin. " Sorry, Lola. May ginagawa po kasi ako eh. Naglalaba po ako ng mga damit ko." Saad ko kay Lola. " Gano'n ba? Oh sige. Pasensya kana ah? Wala kasi ako makausap eh. Ayaw ko naman lumabas para makipag-tsismisan." Wika ni lola sakin na halata sa tono na malungkot siya dahil uuwe na ako. Nakaramdam naman ako ng awa kay lola dahil kahit 'di niya kilala ay hinahayaan niyang papasukin sa bahay nila para lang may makausap siya. " Hayaan niyo po, lola. Kapag may oras po ako ay da-dalaw po ako dito." Nakangiti kung sambit

