KABANATA 21 NOSGEL ( POV ) INIS AKONG NAUPO SA PWESTO KO PAGDATING SA WORK KO. Napansin naman iyon ni Rosario kaya nagtnong agad siya. " Anong nangyare sayo?" " Wala, may nakita lang akong hindi maganda makita." Walang emosyon na sagot ko habang binubuksan ang sariling computer. " Wala? Pero ang sama ng mukha mo? Ayan ba 'yung wala lang?" Pangumgulet niya sakin. Walang alam ang kaibigan kona nagsasama na ang pinsan ko at Neri. Hindi ko alam kung buntis lang si Ara kaya nagsasama na ang dalawa o mahal na nila ang isa't isa. Wala naman akong pakialam sa kanila. Pero naiinis talaga ako sa kanila sa tuwing nakikita ko sila. Ewan ko ba, siguro naiinis ako dahil pinapamukha nila sakin na hindi ko kaya ibigay ang sarili ko.Tapos parang nanadya, kapag nakikita nila ako ay subrang sweet ng mg

