KABANATA 42 NOSGEL ( POV ) TINAWAG NA KAMI NI LOLA PARA KUMAIN NA. Hindi ko pinapansin si buboy dahil naiirita ako sa kanya. Sabihan ba naman akong sa iba siya makikipagseks? Pakialam ko naman, hindi naman kami hmp. " Nosgel, sorry pala kanina. Hindi-" " Hmp!" Pairap kung sambit sakanya saka nauna ng lumakad patungo sa kusina. Nauna na ang dalawang bata at nahuli kami ni buboy. Kanina pa niya ako kinukulet at humihingi ng sorry dahil sa ginawa niya sakin ngunit hindi ko siya pinapansin. Panay 'din ang text niya sakin. " Halina kayo at kumain na. Iinum kapa ng gamot mo, Nosgel." Sabi ni lola ng makapasok ako sa kusina. Natutuwa talaga ako kay lola dahil palagi niya ako inaalala. Para siyang mama ko kaya naman hindi ko mapigilan na pumunta dito. Bale pangalawa ko silang pamilya dahil wa

