Kabanata 2

1143 Words
"Bakit pa kasi kailangan mong lumapit at mangielam dun?!" sigaw ko kay Cita nung nakapag palit na kami ng damit. Nag palit din siya dahil natalamsikan din ng dugo konti yung manggas ng damit niya. Nandito kami ngayon sa mabaho at mapanghi na public cr. Dahil hindi kami pinapasok sa mall man lang o kahit sa anong fast food. Akala yata nila mga kriminal kami dahil lang sa mantsa sa damit namin. "Eh naawa nga ako dun sa lalaki!" giit pa niya. "Hindi mo man lang inisip na baka madamay tayo don? Grabe ka!" di mapaniwalang sabi ko. Kanina habang inambaan ako ng kutsilyo nung lalaki akala ko talaga katapusan ko na. Biglang pumasok sa isip ko si Ate. Paano na lang siya? Ni hindi niya malalaman na napatay na pala ako kanina. Buti na lang talaga at inunahan ng lalaking may tattoo yung lalaking adik na yun. "Pasensya na okay?" aniya pero inirapan ko lang siya. "Pasok na tayo Abi, malapit na tayong malate.." "Oh ayan na! Hindi na tayo nakapasok sa programming tapos malilate pa tayo sa next class.. Nakita mo na yung ginawa mong pangingielam!" hindi mapigilang hiyaw ko. Dahil sasabog na talaga ang utak ko sa sobrang stress. "Oo na nga.." maamong tupa na sabi nito. "Huwag ka nang magalit, Abi.." Hinaltak ko lang yung ko at nauna ng lumabas ng cr. Mabilis naman kaming nakapasok ng school dahil walking distance lang naman yung publik cr. Hindi ko pinansin si Cita nang maupo ito sa tabi ko. Naiirita pa rin ako sa kaepalan niya. Pagkatapos ng klase ay balak ko na sanang umuwi ng maaga. Gusto kong ipag luto si Ate ng pagkain. Sasabihin ko rin sa kanya yung nangyari sa amin kanina. Lahat ng nangyayari sa akin ay alam ni ate. Si Ate ang bestfriend ko. Nag iisa lang actually. Siya lahat yung nasasabihan ko ng problema o kahit mga petty things lang o kaya mga crush ko ganun. At sa kanyang advice lang lagi ang sinusunod ko. Si Cita naman kaibigan ko simula high school until now. Pero baka hindi na rin. Joke. Papalabas na ako ng gate ng biglang mag salita sa gilid ko si Cita. "Mall tayo, Abi.." Tinitigan ko siya ng may hindi makapaniwalang muka. "Seryoso ka?" Masaya pa itong tumango. "Oo, i heard may banda daw na mag-gigig ngayon dun sa paborito natin place. Tara? Libre kita." "Seryoso?!" hindi pa rin makapaniwalang sabi ko. Ngumiti ito sa akin na hindi pa rin nakukuha ang ibig kong sabihin. "Bakit?" "Matapos nung nangyari sa atin kanina, may gana ka pang mag mall?" "Hah?" "Muntik na tayong mamatay kanina, Cita!" "Kaya nga! Pampalibang lang naman!" "Ayoko! Grabi ka." lumingon na ako sa kalsada para tumawid. Hindi ako mapaniwala grabi 'tong babae na 'to. Hindi ba niya naiisip na second life na namin ito? Tapos mag aaya pa siya mag mall?Gosh! Hindi ko na alam kung ano'ng klasing liquid ang dumadaloy sa ugat nito. "Bakit mo 'ko iniwan dun?" ani nito pagkalapit sa akin. Inirapan ko lang. Nag papara lang ako ng mga jeep. "Abi.." tawag niya. Mabilis ko siyang nilingon. "Ayoko nga ano ba?" napatigil ako ng nakita yung muka niya. Mukha niyang takot.. "Cita, pasensya na kung nasigawan kita.. Ang kulit mo naman kasi.." "Abi.." nakatulala lang siya sa likod. Sinundan ko kung saan siya nakataingin. Kung malaki na mata ni Cita, mas lalo yatang nanlaki yung mga mata ko. Shet. Kaya pala ganun na lang yung hitsura ni Cita. Yung lalaking may tattoo, naglalakad papalapit sa amin. Kumapit ako sa braso ni Cita. "Cita.." "Abi.." "Cita.." "Takbo!!" malakas na hiyaw ni Cita. Mabilis kaming kumaripas ng takbo dalawa. Wala ng pakielam kung may mabangga man kami basta makatakbo lang. Takbo doon at takbo dito, kahit saan liliko kami basta may paliko. Nilingon ko yung likod namin at nakitang hinahabol kami nung lalaki. Naiiyak nanaman ako. "Cita nasa likod natin siya hinahabol tayo!!" "Putcha Abigail, huwag ka na kasimg lumingon!!" Patuloy lang kami sa pag takbo.. Nang makakita kami ng lugar na pwede pag taguan ay tumigil muna kami. "Putcha, bakit niya tayo hinahabol?" tanong sa akin ni Cita. Umiling ako. "Hindi ko alam.." hinihingal at kinakabahan na sabi ko. "Ano ba? Huwag ka ngang umiyak, Abi!" Umiling ako." P-paano k-ung p-patayin n-niya tayo?" "Ano ka ba? Hindi mangyayari yun!" "Paano si A-ate ko? H-hindi n-niya malalaman k-kung anong n-nangyare sa a-aakin.." "Sshhh! Wag kang maingay! May anino.." bulong sa akin ni Cita. Na siya lalo kong ikinatakot. "Cita.." "Tumahimik ka para hindi nika malaman na may tao rito.." Natatakot akong tumango.. Tinakpan ko pa ang bibig para walng lumabas na ingay. Maya maya ay nakita ko na rin yung sinsabi ni Cita na anino. "Lumabas na kayo, hindi ko kayo sasaktan.. May itatanong lang ako.." ani nung lalaki. Itatanong daw? Ano namana itatanong niya? Bakit pa niya kami kaialngang habulin. Kinalabit ko si Cita. Sinenyasan naman niya akong huwag maingay. "Alam ko na nandito kayo. Nangangako ako na hindi ko kayo sasaktan. Pangako.." "Hindi mo kami maloloko! Nakita ko kung paano mo pinatay yung lalaki kanina!" si Cita. Hinamabalos ko yung braso niya, "Bakit ka nag salita!" natatarantang sita ko sa kanya. "Ngayon alam na niyang nandito nga tayo!" "Pasensya na.. Akala ko kasi sa isip ko lang e, nasabi ko pala.." Napalundag kami ng may biglang sumilip sa pinagtataguan namin. "Hinde ko siya pinatay.." "Waaaahhh!!!" sabay na hiyaw namin. "Lumabas na kayo diyan." "Ano ba kasing kailangan mo sa amin?!" si Cita. "Lumabas muna kayo diyan at sasabihin ko." Sanglit na ang isip si Cita. "Nakakasigurado ba kaming hindi mo kami sasaktan?" "Kung gagawin ko man yun, dapat kanina pa.." "Oo nga no.." bulong sa akin ni Cita. Nanlaki yung mata ko. Sa nakikita ko naniniwala na siya sa lalaking may tattoo. "Cita, no.." "Hindi naman pwedeng nandito lang tayo, Abi. Kailangan natin dumiskarte para mailigtas ang sarili natin.." bulong niya ulit. "Ayoko.." iling ko. Paano kung hindi naman 'yon nag sasabi ng totoo? At bakit naman kami magtitiwala sa kanya, ngayon araw nga lang namin siya nakita! "Akong bahala sayo.. Trust me.." "Ayoko.." "Abi! We need to try this! Just trust me!" Kahit ayoko ay mabilis kaming lumabas sa lungga namin. "Ano na?" matapang na sabi ni Cita Prenteng nakatayo lang dun yung lalaki. Naka leather jacket na siya. At nakatingin sa amin. Dahil sa puti ng kutis niya, napansin ko yung mga pasa at sugat sa mukha niya, pati ang buhok ay parang ginulpi rin. Gulo gulo. "Gusto ko lang naman makasigurado kung okay lang kayo, yun lang yun." sabi nito. "Ngayon na mukha naman kayong okay.. Aalis na ako.." yun lang at naglakad na ito paalis. Hanggang sa mawala na ito sa paningin namin. "A-anong nangyari?" naguguluhang tanong ko. Yun lang yun? Malakas na tumawa Si Cita! "Putcha! Kinabahan ako dun ah!" ------ Stay safe. Stay at home. Love, love.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD