*****JERIC POV ****
Naglakad kami ngayon ni Marvic para sundan si logan at ngayon nandito kami sa hallway at rinig na rinig parin si ms.Devon
[ Looowwgaan huhuhu *hink huhuhu ishushumbong kita huhu ]- kiana
[Baaaket mo ako *Hink Ginaganito!! Haaa!! Hehe ako?! Shiii Ashandra Kiana Devon!!!]-
Tawa Lang kami ng tawa ni Marvic habang naglalakad
[ * Door Open * ]
[ Waaaa huhu Lowwgaan]-
Para na kaming baliw ni Marvic sa kakatawa kahit yung mga tao dito nagsisitigil sa kanilang ginagawa at nakikinig ?
[ What are you Doing!!]- Ayaan na galit na ang boses ni logan
[ Hehe.Shabii ko na nga ba miissh mo rin *Hink ako]- Kiana
[ Turn that off!! ]- galit na boses ni logan at parang nag aagawayan sila
[Nooo!! Hehe Turn me on Babe hehe]-
"Hahahahaha "- malakas na pag tawa ni Marvic
[Heeey!! Stop!! What are you doing!!! ]- logan
Haha..lagot ka logan
[ Are you crazy! I said turn that off naririnig ka ng lahat!] - halos sumabog na sa galit si logan haha
[ Talaga??? Hehe *Hink Helloooooow everyone!! You know lowwgan?*Hink He's mine and I love him soooow soooooow much and............]-
Nagulat kami ng May marinig kami ng malakas na putok Napatingin kami sa speaker na nakalagay dito sa hallway..
Wasak na .. Napatingin kami sa taong bumaril sa speaker
Si Sean Devon lang naman habang galit na galit ang aura..
Tinuro nya ang mga taohan ng devon
"Tanggalin ang lahat ng speaker dito sa academy!"- he coldly said at naglakad na paalis
"Diba bawal ang b***l dito sa academy?? "- takang tanong ni Marvic
"Mukang bad trip si Sean sa ginawa ng kapatid nila "- sabi ko
Pagdating namin sa Radio/Anouncement Room naabotan namin si logan na buhat si Ms.Devon parang nakatulog na yata
Napatingin sya sa akin
"Kunin mo ang kanang kamay nya "- utos nya sa akin
What?!!!
Nakahiga lang naman si miya sa sahig habang mahimbing ang tulog.
"Tsk.lasingera "- sabi ko sabay buhat kay miya
Dinala namin sila dorm namin dahil hindi namin alam kung nasaan ang dorm nila ..
Hiniga ko si miya sa higaan ko at si Ms.Devon naman ay nasa kwarto ni logan..
Naka upo na si logan sa sofa habang nakakamot sa kanyang ulo..
" So tuloy parin ba ang kasal??"- pang-aasar ni Marvic
Hindi sya pinansin ni logan..
"Wala ng atrasan to "- sabi ko
***** LADY MARIE POV***
Ako si Marie Thompson ang asawa ng panganay sa anak ng lord ng mga Thompson!
Bata palang kami ng ipakasal kami ng mga magulang namin at si Jake pa noon ang susunod na magiging lord ng Isla ng Thompson si Jake Thompson ang asawa ko ang nakakatandang kapatid ni logan..
Maayos pa sana ang lahat ako sana ang magiging Susunod ng Lady ng mga Thompson ngunit! Dumating si logan ! At nag bago na ang lahat!!
Si Jake sana ang magiging lord at sya Lang talaga ang dapat na magiging lord! At ngayon na ikakasal na si logan sa isa sa pinaka malakas na isla! Mas lalo tuloy kaming mahirapan na bawiin ang tronong nararapat naman talaga sa amin !!
" Diba sinabi ko sayo na kunin mo ang loob ni logan!!"- inis na sabi ko sa kanya
"Hindi madali ang pinapagawa mo sa akin dahil hindi parin ako pinapansin ni logan! At lalo akong nahirapan nung dumating si kiana Devon!! .....Bumagsak na ang Isla namin!! Wala na akong sapat na kapangyarihan upang kalabanin ang isang devon!"- galit na sabi nya
Tsk!!
" Wag kang mag -aalala makakaganti karin sa kanya balang araw Seah sisiguradohin kong pahihirapan ko sya dito sa Isla "- seryosong sabi ko
Hindi lang sya ang nag mula sa malakas na Isla ! Tulad nya nagmula rin ako sa malakas na Isla! ! Nagkataon Lang na si Jake ay hindi buo ang kanyang dugong maharlika kaya napababa sya sa kanyang pwesto..!
Pagsisihan mong pumasok ka sa buhay ng mga Thompson...
*****KIANA POV *****
Nagising ako na sumasakit ang ulo Napatingin ako sa paligid ko ..
Nandito nanaman ako sa kwarto ni Logan hehe
Napa rami yata ang inom namin ni Miya
Umupo muna ako sa kama at sabay massage sa ulo ko ..
*Arrghh
"Kamusta na ang pakiramdam mo ?"- Tanong sa akin ni logan
Waaaaa...
Pero sinamaan ko sya ng tingin
"Mabuti naman at nag pakita kana sa akin "- nakasimangot na sabi ko
Lumapit sya sa akin at pinitik nanaman ang Noo ko
"Araaay!"- galit na sabi ko
"Alam mo bang hindi lang ako ang pinahiya mo pati Isla nyo pinahiya mo "- sabi nya sa akin
Sus!
"Kung hindi mo sana ako tinaguan hindi sana nangyari yun !"- inis na sabi ko
" Pakakasalan na nga kita Ano pa ba ang kailangan mo ?"- sabi nya
Napasimangot ako
kung sasabihin ko bang kailangan ko ng pagmamahal nya ibibigay kaya nya ??
"Ikaw ang kailangan ko "- sagot ko
"Tsk... Pwedi ba bawasan mo ang pagiging makulit mo "- inis na sabi nya
"Kiss mo muna ako hehe"- nakangiting sabi ko
Pinitik nya ulit ang Noo ko huhu
"Lasing kapa yata..Wag na wag mong dadalhin Yang ugali mo sa Isla ko ."- sabi nya sabay alis
Tss!
Napatingin ako sa pinto ng biglang pumasok si miya
"Waaaa young lady Anong nangyari sa atin kanina?"- nag-aalalang sabi ni miya
Ngumiti ako sa kanya
"Sabi ko sayo e effective ang alak "- sabi ko
Napaluhod naman si miya
"Waaaaa !!! Young lady malalagot nanaman ako huhuhu "- umiiyak na sabi nya
Tsk..Ayaaan nanaman ang pagiging OA nya
"Wag kang mag alala akong bahala sayo "-sabi ko
"Pag nalaman to ni Lady Sandy ! Huhu lagot nanaman tayo "- nakaluhod at umiiyak na sabi nya
"Malapit na tayong lumipat ng Isla kaya hindi na tayo mapapagalitan ni mama "- nakangiting sabi ko .
Napatingin ako sa pinto ng pumasok si Jeric habang dumudugo ang ilong nya
"At sa tingin mo hindi ka malalagot sa pag suntok mo sa isang maharlikang tulad ko ?! .. Sa oras na dumating ka sa Isla ng mga Thompson tapos na ang maliligayang araw mo !"- galit na sabi ni Jeric sabay alis
"Waaaaaaaa !Young lady !! Doon nalang kayo sa Isla natin "- sabi ni miya
Tsk..
"Bakit mo kasi sinuntok?"- Tanong ko
"Pag gising ko kasi nasa kwarto nya ako akala ko pinagsamantalahan nya ako kaya sinuntok ko sya "- paliwanag nya
Tsk..
"Hayaan mo sya "- sabi ko kay miya sabay harap kay logan na ngayon naka upo sa upoan nya habang nag babasa ng libro
"Babe Kailan tayo uuwi sa isla nyo?"-nakangiting tanong ko
Hindi nanaman ako pinansin!!
Kinuha ko ang unan at sabay tapon sa kanya
Napatingin sya sa akin ng masama
"Hehe...Kailan tayo uuwi sa bahay natin?"- nakangiting sabi ko
" Wala akong bahay! Maki tulog ka nalang "- sabi nya sabay basa sa kanyang libro
Tiningnan ko sya ng masama!!
*******
Gabi na at hindi parin ako bumabalik sa Dorm namin ni miya mas gusto ko kasi dito kay logan
"Young Lady bumalik na tayo ng Dorm baka hindi na babalik si Young master logan "- sabi ni miya
Naka tulog kasi ulit ako kanina at pag gising ko ulit wala na si logan at ang kanyang mga pinsan..
"Hintayin natin baka padating na sila "- walang ganang sabi ko
Tsk..
Nandito kami ngayon sa kwarto ni logan ng May marinig kaming ingay mula sa labas
Nag tinginan kami ni miya at sabay kaming lumabas..
At pag labas namin nakita namin ang mga pinsan ni logan habang may kasamang mga babae !
Napatingin si Marvic sa akin
"Ms Devon??? Nandito pa kayo??"- gulat na gulat na sabi nya
Nanatiling seryoso ang aking mukha
"Si logan "- I coldly said
Hindi sila agad nakapag salita
Napatingin ako sa bagong dating na si Logan habang May kasamang babae..
Hindi pa nila ako napapansin..
Biglang umusok ang ilong ko ng bigla nalang hinalikan ng babae si Logan
Now your Dead!!!!
*****MARVIC POV *****
Umalis muna kami ng Dorm ni Jeric at sinama namin si Logan para hindi na ma Depressed
Pumunta kami sa Black Island at nag libang pero si logan napaka Kill joy gusto agad umuwi kaya wala na kaming nagawa kundi mag take out ng babae haha...
At dahil malapit na ang kasal ni logan pinag take out ko na din sya ng babae... Yeah I know ipagpapa salamat nya din sa akin to ..
Hindi Lang basta basta ang babaeng kasama namin ngayon isa silang mga assasin na gusto din ng katuwaan
Pag dating namin ng Dorm nagulat kami dahil nandito pa pala sina Ms.Devon ,.
Akala namin umuwi na sila !!?
Sh*t!!!
Huling dumating si Logan at ang kasama nyang babae..hindi pa nila napansin si Ms.Devon..
At nanlaki ang mga mata namin nang bigla nalang hinalikan ng babae si logan agad namang tinulak ni logan ang babae at tiningnan ng masama
"Do you wanna die?"- seryosong sabi ni logan
Napatingin ako kay Ms. Devon na tahimik parin habang umuusok sa galit
Napatingin ako kay logan mukhang hindi pa nya napapansin si Ms.Devon
"Why??? ..Parang kanina Lang sabik na sabik kang halikan ako "- pang aakit ng babae
Napalunok kami ni Jeric
Lumapit ang babae kay Logan at tinulak si logan kaya napa upo si logan sa sofa kaya agad namang kumandong ang babae sa kanya
At ngayon pinag papawisan na kami ni Jeric kahit isa sa amin parang hindi makapag salita
Niyakap ko ang sarili ko dahil nilalamig ako ..Gusto ko sanang tingnan si Ms.Devon pero lintik na!! Natatakot ako !!
Napatingin si logan sa akin kaya tiningnan ko din sya na parang sinasabi ' Tumingin-ka-sa-gilid -ko': Look
Napatingin naman sya sa gilid ko kung saan nakatayo si Ms.Devon
Agad na namutla si Logan habang nanlalaki ang kanyang mga mata sabay tulak ng malakas sa babae
"Ouch "- Daing ng babae
"Bakit hindi ka pa umuuwi?"- Tanong ni logan kay Ms.Devon
Lumapit si Ms.Devon kay logan
Pinunasan nya muna ang labi ni logan at hinalikan din si Logan
"Alam mo namang ayaw na ayaw kong May humahalik at hinahalikan ka Babe "- she coldly said
Humarap si Ms.Devon sa babae agad namang nanlaki ang mga mata ng babae parang kilala nya si Ms.Devon
"Can I kill her ?"- Tanong ni Ms.Devon kay logan
Umiling naman si logan
Huminga ng malalim si Ms.Devon halatang nagtitimpi
"Out "- seryosong sabi ni ms.devon sa babae
"Patawad Young lady "- sabi ng babae sabay alis at sumunod naman ang mga kasama nyang babae
Young lady????
Kilala nila si Ms.Devon?!!
Teka Paano na yung mga babae namin ni jeric?? Haist gusto ko sanang mag reklamo kaso parang hindi yata maganda sabayan ang mood ni Ms.Devong ngayon
Napatingin naman ng masama si Ms.Devon kay logan
Nakita ko kung paano napalunok si logan..Haha
Tinulak ni Ms.Devon si Logan at kumandong din
Ehhhh??
Akala ko tutulak din sya ni logan pero hindi !hinayaan Lang sya ni logan
"So sabik ka palang halikan sya kanina babe?"- seryosong tanong ni Ms.Devon habang naka kandong parin
Umiling ulit si logan na parang batang May kasalanan
Narinig ko ang pag tawa ng mahina ni Jeric
Pucha! Ang hirap mag pigil ng tawa!!!
"She...she...was lying "- na uutal na sagot ni logan
Pffffftttt
Tumaas ang isang kilay ni Ms.Devon
" Ito na ang huling besis na makakakita ako ng babaeng humahalik sayo o May hinahalikan ka .... I'm warning you honey Don't push me into my limits. .. Hindi porket mahal kita pwedi mo na akong lokohin "- seryosong sabi nya sabay alis sa lap ni logan
" Sa labas ka matutulog "- sabi ni Ms.Devon sabay hila kay miya at Sara ng pinto
Napatingin sa amin si Logan
"Kwarto ko yan diba ??"- hindi makapaniwalang sabi ni logan
Tumango kami ni Jeric
" ah e logan parang napagod yata ako kanina mauna na akong matulog "- sabi ko sabay takbo ng mabilis papunta sa kwarto ko at lock ng pinto
Baka mamaya maki tulog pa sa akin yan o hindi kaya ako ang patulogin sa labas
Narinig ko ang malakas na pag Sara ni Jeric sa kanyang pinto...Haha
*****KIANA POV****
Maaga akong nagising para mag jogging kailangan ko mailabas ang sama ng loob ko !!
Nakita ko si logan na himbing na himbing ang tulog sa Sofa!
Hmmm..Takpan ko kaya ng unan ang mukha nya ??
Wag nalang pala hehe..Ang cute ng baby ko matulog nakakagigil
Napasimangot ulit ako ng maalala ko ang nangyari kagabi..
Tinuro ko si logan
"Taksil!"- mahinang sabi ko baka kasi magising
Tsk..maka alis na nga
Dumaan muna ako sa dorm para kumuha ng damit pang jogging
Naka suot Lang naman ako ng maikling short at manipis na white crop
Now Im comfortable !
Wala masyadong tao kaya mas nakaka relax tanging huni ng mga ibon Lang ang iyong maririnig..
Wooo! I feel relax
Naka abot ako sa dalampasigan sa kakatakbo
Umupo muna ako sa buhangin at pinag masdan ang dagat habang hinihintay ang sunrise ?
Sh*t!! I really love my life!!!
Humiga muna ako sa buhangin ..
At hindi ko namalayan na naka tulog na pala ako ..
****
Nagising ako sa sinag ng araw...
What the????
Mabilis na tumayo ako at umalis sa dalampasigan..
At ngayon madami ng taong dumadaan at lahat sila nakatingin sa akin ..
Tsk. Yeah I know I'm hot.
Hindi ko sila pinansin at bumalik nalang sa dorm ni logan
*****MIYA POV****
Kumakain kami ngayon dito sa Dorm ng mga Thompson..
Tsk ..Iwan ba naman ako dito ..
At hindi ko alam kung saan nanaman pumunta si Young lady dahil pag gising ko wala na sya
Tanghali na hindi parin sya bumabalik
Hindi na muna ako bumalik sa dorm dahil panigurado dito parin babalik si young lady haist..
Ako na ang nag luto para pakainin ako
Tsk
"Woah "- biglang sabi ni Marvic habang May tinitingnan sa phone nya
Kaya Napatingin kaming lahat sa kanya
"Si Ms.Devon to diba???"- Tanong ni Marvic kay jeric
Nanlaki ang mata ni jeric
"Oo ...Woah she's Hot "- sabi naman ni jeric
Bigla kong inagaw ang phone sa kanila
Napangiti ako ...
Naka suot kasi si young lady ng maikling short at white crop top..pawis na pawis sya kaya bumakat ang itim nya na b*a manipis Lang kasi ang crop top nya
At medyo magulo ang kanyang buhok
Pero napaka Hot at ganda nya parin
Hindi ko alam kung sino ang kumuha ng picture nya pero napaka husay lalo tuloy nag mukhang Model ang Young lady namin
Isali na natin ang medyo malaki nyang Boobs at maumbok na p***t! At mahaba nyang Buhok.. ano pa ang hahanapin ni Young master logan !!
Nagulat ako ng agawin ni Marvic ang phone nya
" Nakikikain kana nga nakikitingin kapa "- sabi nya sa akin
Tiningnan ko sila ng masama
"O tingnan mo ! Yang mata mo miya ha "- sabi naman ni jeric
Tsk.
Kumain nalang ako..huhu
"Sikat na sikat na talaga si Ms.Devon sa academy "- sabi ni jeric
"Napaka Hot talaga ni Ms.Devon...Logan Ano sa tingin mo "- sabi naman Marvic
Hindi sya pinansin ni young master
Napatingin kami sa bagong dating na si Young lady
"Young lady nag jogging ka pala tara kain na tayo "- sabi ko
Tumango naman sya
Hinubad ni young lady ang damit nya sa harap namin dahil pawis na pawis ...haha ganyan talaga si Young lady kahit sa Isla namin naka pang swimwear Lang habang na mamasyal pero Syempri naka short at b*a
Nanlaki ang mga mata ng mga Thompson
"What the!"- galit na sabi ni Young master
Tiningnan ni Young master ang kanyang mga pinsan kaya agad namang napa yuko ang dalawa para hindi nila makita si Young lady
Tsk ! Bakit ba ?! Ano ba ginawang mali ng young lady ko
"Why?"- nagtatakang sabi ni young lady
"Kakain ka ng nakaganyan??"- hindi makapaniwalang sabi ni young master
"Bakit ba ???! Gutom na ako babe "- sabi ni young lady
"Ganyan ba talaga ang mga babae sa isla nyo??!"- galit na sabi ni young master
Napatingin si young lady sa akin na parang tinatanong kung May ginawa ba syang mali
Umiling ako ..
Napatingin ulit si Young master sa mga pinsan nya
"Wag na wag nyong I- aangat ang ulo nyo !"- galit na sabi ni young master kaya mas lalong napa yuko ang mga pinsan nya
Pumasok muna si young master sa kwarto nya at pag balik May dala na syang damit
"Isuot mo "- sabi ni young master sabay abot ng damit kay young lady
Awh ang Sweet..
Napangiti naman si Young lady sabay suot ng damit
At upo
Inangat na ng mga pinsan ni young master ang kanilang ulo..
Napahawak sila sa batok nila ..
"Sa susunod wag na wag kang mag susuot ng damit ng tulad ng suot mo kanina sa isla ko ... Sa oras na maikasal ka sa akin kailangan mong galangin ang mga patakaran ng Isla namin hindi ganyan ang ugali ng isang lady ng isang Thompson "- sabi ni young master logan
"Ok "- simpleng sagot ni young lady
Napatingin naman sa kanya si young master
"Nakikinig ka ba ??"- naiiritang sabi ni young master
Napa hinto naman sa pag kain si young lady at tiningnan ng masama si Young master logan
"Ok nga diba "- inis na sabi ni young lady
Wow..nakaka panibago naman .. hindi naman ganyan si young lady kay young master ah ..parang kanina Lang nasa magandang mood sya ngayon bad mood nanaman.... Ikaw nga si Young lady kiana
Napailing nalang si young master
Napatingin ako sa phone ko nang nag ring
Si mama tumatawag
"Hello ma "- sabi ko
[ Miya nasan kayo?? Pumunta kayo dito sa principal office ngayon na !! Galit na galit si lady sandy! ]-
Bigla akong napatayo
"Young lady nandito si lady sandy! Kailangan na natin pumunta ng principal office "- natatarantang sabi ko
Nanlaki ang mga mata ni young lady
Agad syang napatayo at na unang lumabas ng Dorm..
*******
Ito nanaman kami naka luhod sa harap ng principal at ni lady sandy
At kasama namin si Young master Sean na naka luhod din
"Kailan pa kayo natotong uminom?"- hindi makapaniwalang tanong ni lady sandy sa amin
Hindi kami makapag salita
"At Ikaw naman Sean !!! Haist Bakit mo binaril at pinatanggal ang mga speaker dito sa academy nyo !! Yang ugali mo ! Manang mana ka sa papa mo!"- Galit na sabi ni lady sandy
"I already explained myself "- sagot naman ni Young master Sean
Tiningnan kami ng masama ni lady sandy kaya napa yuko kaming tatlo
"Ano ba ang magiging parusa sa kanilang ginawang kasalanan?"- Tanong ni lady sandy sa principal
" Ang paglalasing sa campus ay May kaparusahan na pag bibilad sa araw habang naka luhod sa gitna ng field "- sabi nang principal
Nanlaki ang mga mata namin
Huhu Nooooooooo
"Ang pagdadala ng b***l dito sa academy ay May kaparusahan na kulong ng dalawang araw sa gubat ng academy "- sabi ng principal
Napatingin sa amin si lady sandy
"Sige parusahan sila "- seryosong sabi ni lady sandy
Huhu..
"Tinatanggap ko ang parusa ngunit walang kasalanan si miya ako ang nag pupumilit na uminom sya at dahil sya ang kanang kamay ko wala syang nagawa kundi sundin ako kaya inaako ko ang lahat ng kasalanan "- seryosong sabi ni young lady
"Young lady ok Lang po "- sabi ko
Huhu. Yan ang mahirap kay young lady dahil kapag May kasalanan kami inaako nya lahat hindi sya tulad ng ibang maharlika
Oo ! Nakakatakot si young lady pero May malasakit sya sa kanyang mga taohan tulad ng mga assasin na dala nina Marvic kagabi isa silang assasin ng ika dalawang Isla ng mga Devon dahil kung hindi malamang May mga pasa na sila ngayon..
" Ganon ba ang gusto mo ..sige "- sabi ni lady sandy kay young lady
Huhu.. kahit sabihin ko na ok Lang sa akin hindi parin makakapayag si Young lady kaya ayaw na ayaw kong May ginagawa kaming hindi magugustohan ni lady sandy dahil inaako nya ang lahat ng kasalanan kahit May pag Kukulang ako bilang kanang kamay nya ,
*****JERIC POV *****
Papunta na kaming tatlo sa Room nang Napatingin kami sa taong naka luhod sa gitna ng field habang tirik na tirik ang araw
"Si Ms.Devon yan diba ??"- sabi ko
Tumango naman si Marvic
"Sya nga ..pinarusahan na yata sya sa pag dala nya ng alak dito sa academy..pwedi naman sanang mag dala eh pero wag mo Lang ipaalam Paano ba kasi pina announce nya pa kasi ang kalasingan nya "- sabi ni Marvic
Napatingin ako kay logan
Napaka seryoso ng kanyang mukha habang nakatingin kay Ms.Devon
Pero hindi nag tagal dumiritso nadin si logan para pumasok sa room
Kawawang Ms.Devon
Napatingin kami sa gilid kung saan naka luhod din ang mga taohan ng mga Devon
Ha??
Nasa ilalim sila ng puno habang nakaluhod din Napatingin ako sa iba pang mga puno at May ron din mga taohan ng Devon na naka luhod
Parang dinadamayan nila ang kanilang prinsesa..
Woooaah... Imagine nasa gitna ng field si Ms.Devon habang ang kanyang mga taohan ay nasa paligid ng hindi kalayuan habang naka luhod din .
Kakaiba!!
Natapos nadin ang mahabang klase namin at naglalakad na kami pabalik ng dorm
Napadaan ulit kami sa field at nandon parin si Ms.Devon nakaluhod
Hindi ba sumasakit ang tuhod nya ?? Ilang oras na ang nakalipas!!
Napahinto si logan at Napatingin kay Ms.Devon na putlang putla na ..
"Logan hindi pa ba tayo aalis?"- Tanong ni Marvic
Hindi nagsalita si Logan
Isang oras!!! Isang oras na kaming nakatayo dito habang tinitingnan parin si Ms.Devon
"Logan masakit na ang paa ko ! Kung gusto mo syang tulongan! Puntahan mo na ! ...... Pero wag na wag mong gagawin dahil baka Ikaw pa ang maparusahan "- inis na sabi ni Marvic
Nanlaki ang mga mata namin ng lumakad si Logan papunta sa field
Lahat tuloy ng tao Napatingin sa kanya
No no no !
Napatingin sa kanya si Ms.Devon ngumiti si Ms.Devon habang putlang putla at agad na nawalan ng malay
Agad na binuhat ni Logan si Ms.Devon
Lahat ng tao Napatingin habang buhat ni logan si Ms.Devon paalis ng Field.. lahat ng taohan ng Devon ay tumayo at yumuko para mag bigay galang kay Ms.Devon ..
"What are you doing??!"- hindi makapaniwalang sabi ko
"I'm gonna take my lady back to my room "- seryosong sabi nya at naglakad paalis
"Ano yun??"- nalilitong sabi ni Marvic
*****MIYA POV *****
Nandito kami ngayon sa principal office habang naka tingin sa glass wall na kung saan kitang kita ang buong field..
Kanina pa kasi namin tiningnan si young lady at kanina pa iyak ng iyak si Lady sandy
"Huhu My princess "- iyak ni lady sandy
Kahit pinarusahan si young lady hindi parin maiwasan na maawa at masaktan ang isang Ina habang nakikita nyang nahihirapan ang kanyang anak
Pero Syempri kailangan din pag bayaran ni young lady ang kanyang kasalanan
Huhu..dapat kasi kasali ako pero pinag bawalan ako ni young lady
Ang nakakamangha Lang dahil dinamayan sya ng mga taohan ng devon..Nakaka proud tuloy na maging isang Devon
Nagulat kami ng May isang lalaking lumapit kay young lady
Teka?? Si young master Logan ba yan ???
Nanlaki ang mga mata namin ng nahimatay si Young lady at binuhat sya ni young master
"Sino ang lalaking yan ?"- nagtatakang tanong ni lady sandy
"Si young master logan po "- sabi ko
"Si logan ??"- hindi makapaniwalang sabi ni lady sandy at agad din napangiti habang pinag mamasdan ang anak na binubuhat ni young master logan
******
Nandito na ako sa Dorm nanaman nina young master
Habang binabantayan si Young lady
Lumapit ako kay young lady nang magising sya
"Young lady kamusta na ang inyong kalagayan?"- nag aalalang tanong ko
"Si logan ?"- Tanong nya din sa akin
Haist..
Pumasok si young master
Inabot ang kanilang wedding invitation
"Kailangan mo nang mag palakas ikakasal na tayo sa susunod na araw "- sabi ni young master
Oo Tama ! Sa susunod na araw na dahil pinadali ni lady sandy ang kasal
Napatingin ako kay young lady dahil sobrang saya ng kanyang mga mata...
"THE WEDDING DAY"
Ito na ang araw na pinaka hihintay ni young lady huhu ang araw ng kanilang kasal
Nasa isang Isla kami kung saan pag mamay ari ng Thompson..
Napaka ganda ng Isla at napaka puti ng buhangin...
Isa itong Beach wedding
Nakakamangha ang View ..
Mula sa Devon at Thompson Lang ang invited sa kasal
Nasa kabilang side ang Thompson habang nasa kabilang side naman ang Devon
Madaling araw ang oras ng kasal.jusko!
Kanina pa kami nakatayo dito habang hinihintay ang pag pasok ni young master at young lady
Hinintay namin ang Sunrise at sa hindi kalayuan narinig namin ang boses ng isang kabayo
Kabayo??
At yun nakita namin si Young master Logan habang nakasakay sa Black horse naka suot sya ng white long sleeve! Habang kitang kita ang Abs medyo naka bukas kasi ... Ang hot naman
Papunta sya sa amin pero nung palapit na sya agad nyang pinatigil ang kabayo at huminto at Doon namin narinig ang isa pang kabayo
At nakita namin si Young Lady habang naka sakay sa puting kabayo naka suot sya ng white dress habang nakasuot ng white Rose crown
Huhu napaka ganda talaga ng young Lady ko para syang dyosa!!
Huminto si Young lady sa tabi ni Young master at sabay silang pumunta palapit sa amin ! Napaka ganda nilang pag masdan habang papalapit sa amin dagdag mo pa ang napaka gandang sunrise sa kanilang likod..
Huhu Bagay sila!!! Bagay na bagay
Nanayo ang balahibo ko nang nakita kong ngumiti si young lady ng nakakaluko
May gagawin nanaman to!!!
Habang papalapit sila sa amin biglang tumayo si Young lady kaya agad na pumalag ang kabayo..
Nanlaki ang aming mga mata dahil Paano kung mahulog si Young Lady ..
Mabilis na tumalon si Young lady papunta kay young master kaya agad namang hinawakan ni young master logan ang kanyang kamay at pinasakay sa kanyang kabayo..
*facepalm ?♀️
Young lady talaga o!!!
Agad na napakamot si lady sandy at lord seth sa ginawa ni young lady
Ngayon nasa harap ni young master si Young lady habang nakasakay sa kabayo ni young master logan....Gusto Lang palang maki sakay sa kabayo e ! Pina kaba pa kami!
Hmm..mukhang mas Bagay yata habang nakasakay sila sa iisang kabayo mas sweet tingnan
Habang papalapit sila sa amin hindi ko mapigilan mapa iyak..
Bakas kasi sa mukha ni Young lady ang sobrang saya natoto na syang ngumiti ng matamis ..
Pag dating nila unang bumaba si Young master at na unang pumunta sa gitna agad na yumuko ang taohan ng mga Thompson upang mag bigay galang
Pagkatapos sunod na lumakad si Young lady papunta sa Gitna at agad na yumuko ang taohan ng devon habang lumuhod ang taohan ng mga samurai..
Pagdating ni Young lady inumpisahan na ang kasal
Matapos ang Isang oras natapos nadin ang serimonya
" I now Pronounce you Husband and wife you may now kiss your Bride"-
Tulad ng inaasahan ko si young lady ang unang humalik kay young master..
Haist...napailing nalang kami ..
Humarap sila sa amin
Kaya lahat kaming taohan at sabay na lumuhod at yumuko..
Napaangat ako ng tingin
Si young lady napaka galing sa lahat ng bagay walang tinatago hindi ka mahihirapan sa kanyang personality
Samantalang si Young master mahirap basahin alam kong May tinatago pa syang lakas napaka Linis ng puso at nakakatakot..
Ito ang magiging leader ng mga Thompson sa susunod na panahon Siguradong lalakas ang kanilang angkan
At excited na akong masaksihan ang kanilang sabay na pag lakas..