********KIANAPOV*****
Nakatingin Lang ako kay logan habang kumakain sya
Tahimik na ang rest house dahil Tulog na ang lahat maliban sa amin ni logan .
Tinitingnan ko sya ng masama dahil naiinis parin ako sa kanya ..
Bakit ba sobra kitang mahal!! Ang hirap pala kapag mahal mo ang isang tao kahit na halos pinagtatabuyan ka kahit na ilang luha na ang pumatak sa iyong mga mata kahit ilang ulit ka nang nasaktan pero ito ka parin MAHAL MO PARIN SYA..
"Baka matunaw na ako "- biglang sabi nya
Sumimangot ako
"Sana nga "- sagot ko
Tiningnan nya ako at napailing sya
"Tsk...Napaka Selosa "-sabi nya
Aba!!!??
"Bakit masama ba ?? Wala na ba akong karapatan mag selos e asawa naman kita?! Bakit kasi nandito Yang EX mo !!! "- inis na sabi ko
Nakakainis talaga
Hindi sya nag salita pinag patuloy nya ang kanyang pag kain
"Bakit kasi hindi ka kumain !? Madaling araw na kaya !! Dapat mga ganitong oras gumagawa na tayo ng baby e !!!"- inis na sabi ko
Bigla syang nasamid
Inabot ko sa kanyang ang tubig
"Ok kalang ?"- nag aalalang tanong ko
"Ganyan ka ba talaga??kung gaano ka anghel ang boses mo sya namang kabaliktaran ng ugali mo "-sabi nya sa akin
Tinaasan ko sya ng kilay
"Bakit??diba dapat ganon naman talaga ang ginagawa ng mag asawa?? "- sabi ko
Napa iling nanaman sya
Bigla syang tumayo
"Tapos na akong kumain "- sabi nya sabay alis
"Teka babe! Paano yung baby natin?gagawin na ba natin??? Hooooooy babe!! Wag mo akong iwan!"- sigaw ko sabay habol sa kanya
Huminto sya sa harap ng kwarto namin ako naman e dumiritso sa kabilang kwarto
Nagulat ako ng hinawakan nya ang kamay ko
"Hindi dyan ang kwarto natin "- sabi nya
Bigla akong namula....? kinikilig ako
Lumapit ako sa kanya
"Gagawa na ba tayo ng baby?"- bulong ko
Pinitik nya ang Noo ko
"Matutulog Lang tayo "- sabi nya
Sumimangot ako kaya napa iling nanaman sya
Sabay pasok sa kwarto agad naman akong sumunod.
Haist...
Humiga sya sa kama ako naman ay nakatayo Lang at naka simangot
Napansin nya yata na nakatitig Lang ako sa kanya kaya napa upo sya
Tiningnan nya ako ng Seryoso
"Hindi ka pa ba matutulog??"- tanong nya
"Hindi ba talaga tayo gagawa ng baby? " - sagot ko
Automatic bigla syang humiga at natulog
Kaya mabilis na lumapit ako at humiga sa tabi nya
"Sure na ba talaga babe?? Ayaw mo talaga??"- pangungulit ko
Bigla nyang kinuha ang isang unan at tinakpan ang tenga nya at natulog
"Huhu babe!!!!!!"-
********
Nagising nanaman ako ng May naramdaman akong May yumayakap nanaman sa akin ..hindi pa ako sanay!
Tiningnan ko si logan na himbing na himbing parin ang tulog
Ang hirap nya talagang basahin minsan sweet sya sa akin minsan naman para Lang akong hangin..
Tiningnan ko ang oras
Waaaaaa!! Tanghali na!!! Ipagluluto ko pa si logan ..
Dahan dahan kong tinanggal ang kamay nya pero mas lalong humigpit ang yakap nya
"Magluluto pa ako " - sabi ko
"Hmm mamaya na "- husky na pagkakasabi nya ....huhu ang Hot !
Kaya ako Ito nakahiga Lang habang nakatingin sa kisame habang hinihintay bumangon si logan!
Tsk..
Isang oras!!!! Isang oras Lang naman akong nakatunganga bago naisipan ni logan na bumangon!!!!!!!
Sabay kaming bumaba
"Young lady "- nakangiting sabi ni miya sa akin
Sabay pa taas taas pa ng kilay
"Kamusta logan?? Mukang tinanghali tayo ngayon ah "- sabi naman ni Marvic na ngiting aso
"Magkakaron na ba ng bagong tagapag mana ang isla??"- sabi ni Jeric habang ngumingiti ng nakakaloko
Ha? Anong pinagsasabi ng mga to
Hindi namin sila pinansin..
Didiritso sana ako sa kusina ng biglang May nagsalita
"Young master nakahanda na po ang pagkain nyo ako po muna ang nag luto dahil umalis po ang chef ngayon "- sabi ni ayara
Umusok nanaman ang butas ng ilong ko !!
Huminga ako ng malalim pinipigilan ko na magalit dahil baka mag away nanaman kami ni logan..
Hinihintay ko na sabihin ni logan na mas gusto nya ang luto ko pero iba ang nangyari dahil mas na una syang lumakad para umupo at kumain
Ok.kalma muna tayo.
******MIYA POV******
Kitang kita sa mukha ni young lady na sasabog na sya sa galit..
Sino ba naman ang hindi magagalit kung kasama mo ang ex ng asawa mo sa iisang bubong at ngayon pinag luto pa ang asawa mo
Sumunod si young lady kay young master tumabi sya kay young master samantalang nasa harap naman ni young master si ayara
Haist...Saan ba kumukuha ng kapal ng mukha ang babaeng to pasalamat sya kaya pang mag pigil ni young lady dahil kung hindi,Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa kanya
"Pinag luto ko po kayo ng paborito nyong pagkain ,Naalala nyo pa po ba ? Ito yung madalas natin kinakain "- nakangiting sabi ni ayara sabay abot ng pagkain kay young master
Huhu ! Parang pinag papawisan na yata ako ngayon..
Parang ayaw kong tingnan si young lady
Kaya kay ayara ako tumingin
" Hindi mo na dapat pa sabihin ang mga ganyang bagay mag bigay respeto ka kay young lady "- inis na sabi ko
Bigla syang tumayo at yumuko
"Pasensya na young lady wag nyo sanang masamain ang sinabi ko "- sabi nya
Hindi sya pinansin ni young lady
"Sit " - utos ni young master kay ayara
Kaya agad namang umupo si ayara
"Good dog "- Rinig ko na bulong ni young lady
Natawa ako kaya Napatingin silang lahat sa akin
Ngumiti Lang ako sa kanila
Bakit kaya hinahayaan Lang ni young master na gawin ni ayara lahat ng gusto nya ! Alam nya naman kung gaano ka selosa si young lady hindi nya ba naiisip kung ano ang mararamdaman ng young lady ko !!
Tahimik parin si young lady at hindi man lang niya ginagalaw ang kanyang pagkain
Nagulat kami ng biglang sinubuan ni young master si young lady
Eehh???
Umiwas si young lady halatang ayaw nyang kumain ng pagkaing gawa ni ayara
"Tsk...Kailangan mong kumain dahil babalik na tayo ng isla "- sabi ni young master kay young lady
Ha??? Akala ko ba two weeks kami dito?
"Babalik na tayo? "- tila nagugulan na tanong ni Jeric
Tumingin sa kanya si young master
"Kami Lang,Kung gusto nyong mag pa-iwan kayong bahala "- sagot ni young master sabay subo ulit kay young lady
Bakit biglang sweet si young master??
"Saan Isla tayo babalik?"- Tanong ni young lady
"Isla ng mga Thompson "- sagot ni young master
Ngumiti na si young lady sabay kain ng pagkain sinusubo sa kanya ni young master
"Ayara pwedi kanang bumalik sa kabilang Isla "- biglang sabi ni young master kay ayara
Hmmp! Buti nga sayo
"Masusunod po "- malungkot na pagkakasabi nya
Chee!
Napatingin nanaman ako kay young master dahil sinusubuan nya si young lady gamit ang kutsara nya
Kakain muna sya tapos si young lady nanaman papakainin nya...
Anong meron!!!!!!!!!!!
"Logan subuan mo rin ako "- sabi ni Marvic
Sabay na tumingin si young master at young lady sa kanya ng masama
Kaya agad syang napa yuko at kumain ng tahamik
********KIANA POV******
Lumabas muna ako para pumunta sa gubat dito ito nalang kasi ang hindi ko napasyalan
Inaya ko si logan na samahan ako pero Syempri hindi nanaman ako pinag bigyan parang kanina Lang ang sweet tapos ngayon balik suplado nanaman...haist napaka moody..
Napatigil ako ng naramdaman kong May sumusunod sa akin
Napangiti ako ...Tsk Anong kailangan nya ? Gusto nya na bang mamatay?
Huminto ako para pakiramdam ang galaw nya
Nanlaki ang mga mata ko at bigla kong iniwasan ang bala na tatama sana sa akin ..
Tss! Gumamit pa talaga sya ng silencer !
Umiwas ulit ako ng barilin nya ulit ako
Mahusay syang gumamit ng b***l at napaka bilis ng kanyang kilos
Sunod sunod na tatlong putok ng bala ang tatama sana sa akin pero mabilis na iniiwasan ko ang mga bala ..
Napangiti nanaman ako
Hindi nya ba alam na sanay na sanay akong umiwas ng bala?? Bata palang ako ng turuan na ako ng lolo ko gumamit ng b***l at kung paano iwasan ito at nilihim namin yun kina mama at papa nalaman nalang nila nasa tamang edad na ako ..
Ang husay nyang mag tago!
Napangiti nanaman ako !nakaka excite
Naramdaman ko ang kaluskos ng kanyang mga paa kaya naman mabilis akong tumakbo sa diriksyon nya habang pina pa ulanan nya ako ng bala
Pero iniiwasan ko lamang ito umakyat ako sa puno para mabilis ko syang makita
And Taaadaaaa target spotted!!
Tumalon ako sabay sipa sa kanya agad syang napahiga agad na kinuha ko ang b***l nya at sabay tutok sa kanya
"Nice try ayara "- sabi ko
Ngumiti sya ng nakakaloko
" Tunay ngang mahusay ka pero hindi ka parin nararapat para kay logan "- sabi nya
Tiningnan ko sya ng masama
"At Sino ang nararapat ?kaw?"-
Tumayo sya habang nahihirapan
"Kung maharlika Lang ako na tulad mo hindi sana kami nagkaganito ni logan !! Ako ang lumayo para ma protektahan nya ang kanyang trono!! At pumayag sya na ang mga magulang nya ang pipili ng mapapangasawa nya kapalit ng kaligtasan ko "- seryosong sabi nya
Bigla yatang kumirot ang puso ko
"At hindi ka ba nagtataka kung bakit hinahayaan nya akong gawin lahat ng gusto ko ??? Dahil nararamdaman ko na mahal nya parin ako ! Asawa ka nga pero ako ang mahal!!"-
Tahamik parin ako halos hindi ako makapag salita parang gusto ng pumatak ng luha ko pero pinipigilan ko
"Ako ang una nyang nakasama! Sabay kaming lumaki! ! Ako ang una nyang minahal , Ako ang unang halik! Sa akin sya unang sumaya ! ..........At sa akin nya naranasan ang unang gabi !!"-
Parang sumabog na yata ang puso ko kaya pala ayaw nyang makipag talik sa akin dahil iba ang laman ng puso nya
Napatingin ako kay ayara kaya bigla syang napa atras
Lumapit ako sa kanya
"Wag kang lumapit! A-anong gagawin mo!? Ka-kapag na-nalaman ni logan na pinatay mo ako sa-satingin mo ma-mapapatawad ka nya!!"- nauutal na sabi nya
I smirked
Isinandal ko sya sa puno at sinakal
"Iparanas mo narin kaya sa kanya ang unang gabi ng lamay mo???- nakangiting sabi ko
Ngumingiti ang mga mata ko nang nakikita ko na nahihirapan syang huminga
Gusto kong baliin ang leeg nya !!!
"Wala akong pakialam kung sino ang mahal nya ! Wala akong paki alam kung Ikaw ang unang gabi nya ! .... Ang importanti sa akin na sya !! Sa akin sya tatabi! Sa akin sya titira! At ako Lang ang May karapatan na isilang ang tagapag mana nya!!! At gagawin ko ang lahat mawala kalang sa buhay nya "- galit na sabi ko
Papatayin ko sya !!!!!!
Nagulat ako ng May humawak sa kamay ko
Si
Si
Si
Si Logan??
Agad na pumatak ang luha ko ng makita ko sya makita nya sana sa mga mata ko na nasasaktan rin ako
"Let her go "- sabi nya
Umiling ako
"No"- matigas na sabi ko
Malakas na kinuha nya ang kamay ko sa leeg ni ayara agad namang natumba si ayara dahil nahimatay
Nakatingin Lang ako sa kanya
Lumapit sya sa akin at niyakap ako
"Hindi sya ang unang gabi ko "- sabi nya
Napatingin ako sa kanya
"Sino!"- galit na tanong ko
Gusto kong malaman kung sino ang unang gabi nya !!!!
Narinig kong tumawa sya ng mahina ito ang unang besis na marinig ko ang tawa nya
Lalo tuloy akong na-inlove
Kahit masakit titiisin ko lahat logan mahalin mo Lang ako
"Tara na "- sabi nya sabay hawak sa kamay ko
Hindi ko na pina alala sa kanya na naiwan namin si ayara baka buhatin pa nya !!!
Kainin sana sya ng langgam..
*******MIYA POV *******
Hindi ko alam kung bakit pina una ako ni young lady dito sa Isla ng mga Thompson
Ang sabi nya May kukunin Lang sya at ayaw ako ipasama...
Aaminin ko na nakapaka ganda ng isla ng mga Thompson napaka dami nilang taohan at nakapakalaki ng kanilang mansion
Kilala ang mga Thompson sa pinaka mayaman na Isla sagana sila sa lahat ng bagay...
Oo madami silang taohan pero hindi parin mapapantayan ang lakas ng Devon .
Nandito kami sa dalampasigan para hintayin ang Pag dating ni young lady Oo "kami " dahil May mga tagasilbi akong kasama mga sampu!! Pinadala sila ni lady fatima para pag silbihan si young lady ! At hindi pa kasali ang ibang tagasilbi na nandon sa mansion ni young master
Napangiti ako ng makita ko na papalapit na ang yacht ni young lady
Nawala agad ang ngiti ko ng makit ko kung sino ang kasama nya
Waaaaaaa bakit kasama nya si Mr.Blacky!!!!
Nasa tabi nya Lang naman ang Oso /Bear nya
Bakit biglang lumaki ang oso nya ??
Mas malaki pa kay young lady ... lapitin talaga si young lady sa mga hayop at kaya nyang paamuhin ang mababangis na hayop
Bumaba si young lady sa yacht habang nasa tabi nya si Mr.Blacky
Agad na napa atras kami dahil nakakatakot ang oso Ano mang oras pwedi ka nitong salakayin
Yumuko ang taohan kay young lady
"Maligayang Pag dating young lady "- sabay na sabi ng taohan
Hindi sila pinansin ni young lady
" Welcome to our new home baby "-sabi ni young lady sa oso
Niyakap nya ang oso at agad naman sya dinilaan ng oso
Lumapit ang isa sa mga taohan kay young lady
Pero bago pa makalapit bigla syang sinugod ni Mr.Blacky
"Stop "- sabi ni young lady sa oso agad naman huminto ang oso at lumapit ulit kay young lady
Napatingin ako sa taohan na putlang putla sa takot
Huhu kahit ako natatakot din Buti sana kung ibang hayop Lang to pero hindi !!! Isa na itong royal pet !!
"Di-dito p-po a-ang daan"- sabi ng taohan kanina sabay turo ng daan papunta sa mansion ni young master
Na unang lumakad si young lady habang nasa tabi nya si Mr.Blacky
Habang ako naman ay nasa likod nya at nasalikod ko naman ang mga taohan nya .,
Habang naglalakad nagbibigay galang ang mga taohan kay young lady at hindi sila masyadong lumalapit dahil sa takot sa oso ni young lady
Dumating na kami sa mansion ni young master
Napakalaki talaga!!!! At napaka ganda
Ang sabi limang magkakapatid sina young master at bawat isa sa kanila May sariling mansion dito sa isla pero si young master ang may pinaka malaking mansion at bawat isa sa kanila May sariling mga taohan. At Syempri si young master ang May pinaka madami
Agad na May sumalubong kay young lady pero napa atras agad
"Maligayang pag dating young lady "- sabi ng taohan
Again hindi nanaman sila pinansin ni young lady ..
Haha...
******* LADY MARIE POV*****
Napatingin ako sa pinto ng May pumasok agad syang yumuko at sabay luhod
"Lady Marie dumating na po si young lady kiana sa isla "- sabi
So totoo nga ?? Bakit ang bilis nilang bumalik sayang ang mga inihanda ko sa kanila
Nagustohan kaya ni logan ang regalo ko sa kanya???
"Bakit hindi pa bumabalik si ayara?"- Tanong ko
"Hindi ko pa po alam lady marie "-
"Walang kwenta!! Ipaalam mo agad sa akin kapag dumating na si ayara! At bantayan mo ang bawat galaw ni kiana!!"- galit na sabi ko
"Masusunod po "- magalang na sabi nya
Tsk.Welcome to hell kiana
********KIANA POV *****
Nakatingin Lang sa akin ng masama si logan habang katabi ko si Mr.blacky
"Diba sabi ko sayo wag mong isasama ang alaga mo "- inis na sabi nya
Sumimangot ako
"Pero babe parti na sya ng buhay ko "- sabi ko with paawa effect pa
Huminga sya ng malalim
"Siguradohin mo Lang na wala syang gagawin na ikakagalit ko "- sabi nya
Yeeeesss !!
"Siguradohin nyo Lang din na wala kayong gagawin sa akin na ikakagalit nya rin "- sabi ko sabay yakap kay mr.blacky
"Haist.....Saan mo yan papatulogin? "- tanong nya
"Syempri sa tabi natin!"- sagot ko
Umiling sya
"Hindi pwedi doon na natutulog si B1 at B2 "-
Ha???
"Ano ??? Sinong B1 at B2 ?? " -nagugulohan na tanong ko
Bigla syang nag whistle at kasabay nun ang pag labas ng dalawang BLACK JAGUAR!!!
Wow!!! Ang gaganda nila
Lalapit sana ako ng pigilan ako ni logan
"Gusto mo bang kagatin ka nila "- sabi nya
Tinapik ko ang kamay nya at lumapit kay B1 at B2
Ang mukha nila parang gusto akong kainin pero itinaas ko ang kamay ko at dahan dahan na hinawakan ang ulo nila at sabay himas sinigurado ko na kampante sila sa akin pinaramdam ko sa kanila na hindi ko sila sasaktan and Taadaaaa dinilaan na nila ako
Niyakap ko silang dalawa
"I'm your momma "- sabi ko
Napatingin ako kay logan na tulala
"Ilang taon ko sila napa amo tapos ikaw???!!! Ganon Lang yun ?!!"-
Ngumiti ako at tumayo sabay tabi kay Mr.Blacky masyadong malaki si Mr.Blacky para sa kwarto namin at hindi sila pweding mag sama nina B1 at B2 dahil Siguradong babaha ng dugo ?♀️
Pinasok ko muna si Mr.Blacky sa malaki at maganda nyang kulongan Buti nalang meron dito sa likod ng mansion NAMIN ni logan
Sa sobrang laki ng kulongan pwedi ko na palagyan ng gamit para kung mag aaway kami ni logan dito ko sya patutulogin..
Napakalaki pala talaga ng mansion nya at meron din infinity pool
Parang gusto ko yatang maligo ngayon
Pumasok ako sa mansion dumiritso ako sa master bedroom para kunin ang swimsuit ko
Bumaba ako ng naka swimsuit Lang
Biglang nagsiyuko ang mga taohan na lalaki ng dumaan ako
Napadaan ako kay logan pero hindi sya nakatingin sa akin
"Babe maliligo muna ako sa pool "- paalam ko
Pero hindi nya ako pinansin
Kaya dumiritso na ako
Naligo ako sa pool napaka refreshing ang lamig ng tubig
Napatingin ako sa taas ng makita ko si logan na nakatingin sa akin ng Seryoso
" Wanna join?" - pang aakit ko
Napatingin sya mga taohan na lalaki
" Lahat ng mga lalaki magsiyuko!!!! Walang aangat ng ulo hanggat hindi pa sya natatapos maligo!!!!!!" - sigaw nya agad naman nagsi yuko ang mga taohan
Ngumiti ako
Matapos kong maligo umakyat ulit ako sa kwarto para mag bihis
Naabotan ko si logan na nag babasa ng libro
Napatingin sya sa akin kaya naman hinubad ko ang bathrobe ko at nag h***d ng swimsuit sa harap nya
Namula nanaman sya
Kinindatan ko sya bago ako pumasok sa CR
Matapos kong mag bihis tumabi agad ako kay logan ..
At Nagulat ako ng bigla nya akong ihiga sa kama
"What are you doing?"- nagtatakang tanong ko
Hindi sya nagsalita sa halip ay bigla nya akong hinalikan sa labi
I can't help myself but respond back to his kiss