Chapter 9

4869 Words
****JERIC POV **** *** Bago naabotan ni Jeric ang pag halik ni Logan kay kiana ito muna ang unang nangyari *** ULol talagang Marvic na yun! Iwan ba naman ako sa bar at sumama sa babaeng yun .. Tapos pag gising ko nasa Mesa na ako nakatulog!! Haist !!! Kahit masama ang Loob ko pina alam ko parin kay Marvic na uuwi muna ako ng Isla .. Lumabas ako ng Bar at naglakad papunta sa port nandon ang yacht ko para maka balik ng isla namin Habang naglalakad ako ramdam na ramdam ko ang sakit ng katawan ko ! Bwesit ka Marvic! Napahinto ako ng makita ko ang kanang kamay ni Ms.Devon na palakad lakad sa paligid habang mugto ang kanyang mata at halatang hindi natulog tapos yung buhok nya parang binagyo parang baliw tuloy sya na palakad lakad.. Lumapit ako sa kanya "Hoy Anong nangyari sayo? "- takang tanong ko sa kanya Napatingin sya sa akin pero sinamaan nya ako ng tingin. Aba!? " Hinahanap mo parin ba si Ms.Devon? "- Tanong ko Lumapit sya sa akin " Alam mo ba kung Nasan si Young Lady ?? "-halos umiiyak na sabi nya Umiling ako "Hindi "-sagot ko Sinapak nya ako "Araay!! Hoy Ikaw ha ! Wala kang karapatan saktan ang maharlikang tulad ko "- sabi ko Bigla syang nataohan "Patawad "- Tagos sa ilong na sabi nya Agad syang umalis "Teka lang ! "-tawag ko sa kanya "Ano!!"-sabi nya habang nagsasalubong ang kanyang mga kilay May attitude talaga tung kanang kamay ni Ms.Devon manang mana sa amo. " Ibigay mo sa akin ang number mo "- sabi ko Tiningnan nya ako na parang nangdidiri "Excuse me mahal na prinsipe hindi kita bet "- sabi nya Ay hala ? Ang Feeling din pala nito.. "Paano kung nakita ko si Ms.Devon ? Paano ko ipapaalam sayo? "-sabi ko "Paano ako nakakasiguro na ipapaalam mo sa akin ?"- paninigurado nya Tsk "Kapag tinawagan kita "- Napa isip muna sya at binigay din ang number nya " wag kang mag alala hindi kita tatawagan kung hindi ko nakita si Ms.Devon "- sabi ko Tumango naman sya at umalis Saan ba kasi nag punta si Ms.Devon .. Tsk . maka uwi na nga ng Isla .. Ilang oras din ang byahe bago ko narating ang napaka ganda naming Isla.. Pagbaba ko sinalubong agad ako ng mga taohan upang mag bigay ng respeto.. Lumapit ang isang taohan sa akin "Sir Jeric pinapatawag kayo ni Lady Fatima "- sabi ng taohan Ha ? Bakit nanaman! Pag minamalas ka nga naman o !! Haist pumunta ako sa malaking mansion kung saan ang bahay ng lord at ng kanyang reyna na si Lady Fatima ang Ina ni Logan Pinag buksan ako ng taohan ng pinto upang pumasok dinala ako ng taohan sa isang malaking kwarto kung nasaan si Lady Fatima Pag pasok ko naka upo Lang naman si Lady Fatima sa kanyang upuan habang pinalilibotan ng kanyang mga tagasilbi habang iniinom nya ang kanyang wine .. "Pinapatawag nyo raw po ako auntie?"-sabi ko sabay yuko upang mag bigay ng respeto Ngumiti sya sa akin pero agad din nawala "Nasaan ang napaka galing mong pinsan?"- tanong nya sa akin Ha ? Bakit nya sa akin hinahanap "Diba po May ka -Date sya kagabi baka kasama nya po ang ka-date nya "-sabi ko Sumimangot sya .. " Inawan nya ang ka date nya !!! Nanaman!!!"-sabi ni Lady fatima "Baka umuwi na po sya ng academy "-sagot ko Umiling sya " Ang sabi sa akin ng ka date nya May nabuntis daw si Logan ! At mula raw sa isang malakas na Isla !! "- sabi nya habang naiinis Ha ? Nabuntis? "Po ? Sa pagkaka alam ko wala po girlfriend si Logan "- sabi ko "Nako ang batang yan !! Hindi pa nga kasal nagagawa na ang mga ganong bagay "- sabi ni lady fatima Uso na ngayon yan e .hehe Napatingin kami sa pinto ng pumasok ang asawa ng panganay na anak ng lord si Lady Marie May limang anak kasi ang lord May anak ang lord dati sa kanyang pagka binata sa ibang tagasilbi nag ka anak muna sya ng Tatlo bago nya nakilala si Lady fatima at nagkaron naman sila ng anak ni Lady Fatima ng Dalawa yun ang Ate ni logan at si logan si logan ang naging susunod na pinuno dahil sya ang anak sa Legal at buo ang dugong maharlika nya ... dati yung panganay na anak ng lord ang susunod na tagapag mana pero hindi inaasahan ng lahat na magkakaanak pa pala si lady fatima at naging lalaki pa kaya pinababa agad sa pwesto ang anak na panganay ng lord .. "Pinag hahandaan na po namin ni Lady Leah ang mga kailangan gawin "- sabi ni Lady Marie Si Lady Leah ang asawa ng pangalawang anak ng lord Ha ? Ano kaya ang meron? "Mabuti naman kung ganon pwedi kanang umalis "-sabi ni Lady fatima Yumuko muna si Lady Marie sabay alis "Anong po ang meron? "-takang tanong ko "Pinaghahandaan namin ang kasal ni logan sa babaeng nabuntis nya "- sagot ni lady fatima Nanlaki ang aking mga mata "Po ? Paano kung hindi po pala buntis? "-sabi ko "Ang sabi mula raw sa malakas na Isla kaya ok Lang kailangan ni Logan ng mapapangasawa na mula sa malakas na Isla upang protekhan ang kanyang Trono "- sabi naman ni lady fatima "Pero paano po kung ayaw pumayag ng kabilang isla?"- "Wag kang mag alala ginagawan na ng paraan ng asawa ko "- nakangiting sabi ni Lady fatima Ha!!! "Si uncle? Ang lord mismo?"-gulat na sabi ko Patay kang logan ka !!! "Pag nakita mo si Logan pa uwiin mo dito wag na wag mong sasabihin ang tungkol sa kanyang kasal " - sabi ni lady fatima sabay tayo "Kailangan ko ng mag paganda sa nalalapit na kasal ng aking anak "-nakangiting sabi nya sabay labas ng kwarto agad namang sumunod ang kanyang mga tagasilbi. At naiwan akong mag-isa habang Gulong g**o ang isip.. **** Bumalik agad ako ng academy upang maka Iwas kay lady Fatima dahil Siguradong gugulohin nanaman nya ako.. Pagpasok ko sa Dorm nasalubong ko ang tita ni logan.. Yumuko ako at tumango naman sya nagmamadaling umalis. Himala yata? Anong ginagawa nya dito? Napatingin ako sa kwarto ni logan dahil bukas Siguradong nandito sya Napahinto ako sa aking nakikita si logan!! Hinahalikan nya si Ms.Devon! "Lo-gan?!"- "Hi-Hinalikan mo si Ms .devon!"-Gulat na sabi ko Tiningnan nya Lang ako ng Seryoso at kinuha ang mainit na tubig at dahan dahan na pinunasan ang Noo ni Ms.Devon .. "Anong kailangan mo "- sabi nya habang nagpupunas parin kay Ms.Devon Umiling ako "Wala naman..Anong Ginagawa ni ms.devon dito at hinalikan at inaalagan mo pa ?"-takang tanong ko Lumapit sya sa akin "O ayan ang bimpo punasan mo sya May kukunin Lang ako "- sabi nya sabay abot ng bimpo Eh?? Ano ba ang nangyayari?!!!! Gulong g**o na ako!! Wala akong nagawa at kinuha nalang ang bimpo at pinunasan si Ms.Devon Nagulat ako ng nanginig si Ms.Devon . "Logan !!"-tawag ko Agad namang lumapit si Logan at niyakap si Ms.Devon Ehhh???? "Nilalamig si Ms.Devon binibigyan ni logan ng Body heat baka kasi yan pa daw ang ikamatay "- sabi naman ni Marvic habang nakatayo sa harap ng pinto ni Logan "Ha??"- sabi ko "Haist ! Nilason si Ms.Devon kaya nagkakaganyan pero ok na binigyan na ng Antidote ng tita ni logan si Ms.Devon baka bukas May Malay nayan "- paliwanag ni Marvic "Pero diba dapat tawagan natin ang kanang kamay nya para alagaan si Ms.Devon ? "-sabi ko "Tanongin mo si Logan "- sabi ni Marvic sabay turo kay Logan "Tsk..Tawagan mo na "- sagot ni Logan Tumango naman ako at nilabas ang phone ko "Baka napapagod kana dyan logan gusto mo bang ako na muna ang yumakap kay Ms.Devon?"-nakangiting sabi ni Marvic Tiningnan sya ng masama ni Logan "Mabuti sana kung walang malisya ang yakap mo baka imbis na pasalamatan ka baka pugotan ka pa ng Ulo ..hayaan mo na si logan dyan malinis ang utak nyan "- sabi ko "Yung Totoo logan? Malinis ba talaga ?"- pang aasar ni Marvic Tiningnan sya ng masama ni Logan .. Kaya napatahamik na si Marvic Sa amin kasi si Logan Lang talaga ang matino hindi Lang halata pero napaka buti ng puso nyan wag mo Lang kakalabanin dahil nakakatakot ****MIYA POV**** Halos madapa ako sa kakatakbo! Tinawagan ako ng isa sa pinsan ni Logan na nandon raw si Young lady sa kanilang Dorm.. Anong ginagawa ni Young Lady dun?? Haist !! Hindi dapat malaman nila Young master kung nasan si Young lady dahil Siguradong magkakagulo na.. Wala ng katok katok basta nalang akong pumasok sa dorm ni logan at umakyat sa taas.. Nakita kong naka upo sa sofa ang dalawang pinsan nya Napatingin sila sa akin "Mabuti naman at nandito kana puntahan mo na ang young lady mo"- sabi ng isa sa pinsan ni logan sabay turo sa isang kwarto. Agad akong pumasok.. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko si young lady na nakahiga sa kama .. Ang putla nya !!! Patay na ba sya ?? Agad na pumatak ang aking mga luha. Noooooooo!!! "Yo-ung La-dy ? "- sabi ko habang dahan dahan na lumalapit sa kanya "Young lady! Gumising ka!"-sabi ko habang pa tuloy na dumadaloy ang aking mga luha Pero hindi parin gumugising si Young Lady Noooo !! Please Nooooooooo!!! Kinuha ako ang knife na dala ko " Patawad Young lady nabigo akong protektahan ka pero nandito Lang ako lagi sa tabi mo at mamatay akong nasa tabi mo " - sabi ko sabay saksak sana sa puso ko Pero May umagaw sa dala kong knife "Anong drama mo?"- takang tanong ng pinsan ni logan "Hawakan mo nga ang Noo nyan Jeric baka nilalagnat din "- sabi ng isa pang pinsan ni logan So Jeric pala pangalan nya "Wala na ang Young lady ko ! Kaya ano pa ang say -say ng buhay ko !! "- sabi ko habang umiiyak parin "Teka lang ha May sinabi ba ako kanina na patay na si Ms.Devon ? "- sabi ni Jeric sa akin na parang Gulong g**o din Oo nga no? Napatingin ako ulit kay young lady hinawakan ko ang pulso nya .. Huhu buhay pa sya ! Napatingin ako sa kanila at pilit na ngumiti huhu nakakahiya !!! Napatingin ako sa kabilang dulo nandon si Logan naka upo sa kanyang upoan habang nagbabasa ng libro.. Lumapit ako sa kanya "Anong ginawa mo sa young lady ko !!! Bakit wala syang malay !!! Malalaman to ng mga Devon !!! Malalagot kayo!!"- sabi ko "Hindi mo ba alam na dahil kay logan kaya pa buhay ang Young lady mo !":-sabi naman ng isang pinsan ni logan "Ipaalam mo nga Marvic "-sabi ni jeric "Hindi mo ba alam na nilason si Ms.Devon pasalamat ka at si logan ang kasama nya dahil kung hindi Siguradong patay na si Ms.Devon ngayon "- sabi ni Marvic raw Nilason??? "Nilason??? "- takang tanong ko Lumapit si Jeric kay young lady at pinakita sa akin ang sugat nya na kagagawan ni Seah "Ang kutsilyong ginamit ni Seah ay May lason kaya nalason si Ms.Devon "- Sabi naman ni Jeric Seah!!! Humanda ka pag nagkamalay na si Young lady Siguradong lagot ka !! " Hindi ito palalampasin ni young lady !!""- sabi ko habang nang aapoy sa galit "Buti nga at buhay si Ms.Devon e pero alam mo ba kung ano ang ikamatay nya ? "-sabi ni Jeric habang nakatingin sa akin ng Seryoso "Ano?"- Takang tanong "Yang hininga mo ! ! Kailan ka ba last nag toothbrush? At kailan ka huling naligo?"- pang aasar nya sa akin Pero inamoy ko ang hininga ko .. Pwee ! kahit ako parang gusto kong mag suka.. "Ikaw kaya mag hanap ng buong magdamag!!hindi mo alam ang pinag daanan ko kaya pag tiisan mo ang amoy ko !"- sabi ko at malapit sa mukha nya Agad syang nag takip ng Ilong nya . "Wala ka talagang galang!! Isa akong maharlika! Tagasilbi!!" - galit na sabi nya Ayan nanaman ginagamit nya nanaman ang pagiging Royal Blood nya ! Lumapit ako kay Young Lady "Babalikan ko si Young lady mamaya ipapaalam ko muna na kasama ko na si young lady kina young master "-sabi ko "Wag mong kalimutan mag toothbrush "- sabi ni Jeric Tiningnan ko sya ng masama at mabilis na umalis para naman makabalik ako agad.. ******* Pagkatapos kong maligo ng Dalawang beses at mag Toothbrush ng tatlong beses.. inayos ko na ang sarili upang balikan na si Young lady Hindi dapat to malaman ng mga Young master dahil makakarating to sa lord at kay lady sandy .. Pagbukas ko ng pinto nanlaki ang aking mga mata ng makita ko sina young master sa harap ng aking pintoan habang nakatingin sa akin ng Seryoso. "Nahanap mo na ba si Kiana?"-seryosong tanong ni young master Sean Tumango ako "Opo ..Ang sabi nya Tsaka nalang raw muna sya magpapakita kapag hindi na mainit ang ulo ng lord "- pagsisinungaling ko "Nasaan sya ngayon?"-Tanong naman ni Young master Zach Huhu..Anong sasabihin ko!!!! Sasabihin ko ba na kina logan sya ??? Waaaa!hindi baka ako pa ang malintikan "Patawad po pero kabilin bilinan ng young lady ko na wag daw po ipaalam sa inyo "-pagsisinungaling ko nanaman Huhu! Alam kasi nila na tapat ako kay young lady kaya Siguradong maintindihan nila ako "Tsk! Basta bantayan mo sya ng mabuti! Wag nya na dagdagan ang init ng ulo ni papa pasalamat sya May inaasikaso pa kami !!! "- galit na sabi ni Young master zach Tumango naman ako "Kung maari ilayo mo sya kay logan "-seryosong sabi naman ni Young master Sean Tumango nanaman ako "Aalis na kami kailangan na kami ni papa "- sabi naman ni young master zach Tumango nanaman ako..: Agad na umalis sina young master hinintay ko muna makaalis sila ng matagal bago ako nagmadaling umalis para puntahan na ang young lady ko .: *******KIANA POV ***** Minulat ko ang aking mga mata Bakit parang ang bigat ng ulo ko ?? Napahawak ako sa ulo ko dahil ang sakit .. Napatingin ako sa paligid ko .. Ha??? Bakit ako nandito?? Bakit ako nasa kwarto ni logan ?? "Young lady!!mabuti at Gising na kayo "- naiiyak na sabi ni miya "Bakit ako nandito?"-Takang tanong ko Babangon sana ako pero hindi ko kaya sobrang hina ng katawan ko . "Humiga muna kayo young lady hindi pa sapat ang lakas nyo "- sabi ni miya "Miya Bakit nga ako nandito?"-Tanong ko ulit sa kanya Huminga ng malalim si miya " Nilason po kayo ni Seah young lady mabuti nalang at inalagaan kayo ni logan at nabigyan ng antidote "- malungkot na sabi ni miya Agad akong napangiti.. "Paki ulit nga ng sinabi mo "-nakangiting sabi ko "Nilason po kayo ni Seah "- sabi naman ni miya "Tapos ano pa ?"- na e-excite na sabi ko Napakamot naman si miya "Yung alin po ba ?"-takang tanong nya Tiningnan ko sya ng masama "Ahhh! Yung inalagaan ka ni logan?"- sabi nya Tumango Ako at ngumiti Mag papasalamat ako mamaya kay Seah .. " Tapos alam mo ba young lady sabi ng pinsan ni logan niyayakap ka raw ni logan kapag nanginginig ka sa lamig! abuso yun sa inyong kahinaan!!"- seryosong sabi ni miya Kuminang ang aking mga mata "Talaga?"-hindi makapaniwalang sabi ko Tumago naman si miya "Nasan si logan?"- Tanong ko "Ewan ko po simula ng dumating ako dito ako na ang nag aalaga sa inyo at hindi ko na alam kung Nasan si logan ang mga pinsan nya Lang ang nakikita ko dito "-paliwanag nya Bigla akong nalungkot "Young lady kailangan nyo na magpalakas dahil Ano mang oras ipapatawag na kayo ng lord "- Oo nga pala!! May atraso pa pala ako kay papa ..huhu Ano na ang gagawin ko !! Sanay na sanay naman akong pinapagalitan ni papa pero ngayon iba na baka hindi na ako pag aralin dito !!! Huhu "Mabuti naman at gising na ang princessa"- sabi ni Marvic Tiningnan ko sya ng Seryoso "Nasan si Logan ? "-Tanong ko sa kanya " aba malay ko "-sagot nya sa akin Tiningnan ko sya ng masama "Hindi ko nga talaga alam "-sabi ni Marvic at agad na umalis: Paano ako gagaling kung hindi ko naman nakikita ang pinagkukunan ko ng lakas.. haist . ******* Gabi na at hindi ko parin nakikita si Logan !!! Medyo ok na ako unti unti na bumabalik ang lakas ko ., Pina punta ko muna si miya sa Dorm namin para kunin ang damit ko .. ang sabi ko nga sa kanya dalhin na lahat ng gamit ko e balak ko na kasi dito tumira. Napaayos ako ng higa ng biglang bumukas ang pinto.. Waaaa Logan !!!!! Agad kong pinikit ang aking mga mata at nag kunyaring tulog.. Naramdaman ko na parang nakatingin sya sa akin .... Kaya nag inarte akong nanginginig sa lamig ., Pero Bakit parang hindi nya parin ako niyayakap?? Napapagod na ako "Anong nangyari sayo?"-takang tanong nya "Logan nilalamig ako yakapin mo ako "- sabi ko habang fake na nanginginig Naramdaman ko na lumapit sya sa akin ., Ayaaaan na yayakapin nya na ako!!!! "Araaaaay!"-daing ko nang pitikin nya ang Noo ko . Minulat ko ang mga mata ko at ang lapit ng mukha nya sa akin nag tama ang aming mga mata.. "Nilalamig ka ba o sinasapian?"- sabi nya Ang bango ng hininga nya !! Nakaka in-love! Ha? Love? Oo gustong gusto ko sya pero ibang usapan ang Love.. Napahawak ako dibdib dahil ang bilis ng pintig ng puso ko Napatingin ako ng Seryoso sa kanyang mga mata at mas lalong bumilis ang pintig ng puso Mahal ko na yata sya !!! Tinulak ko sya "Araay!anong problema mo "- sabi nya Tumingin ako ng Seryoso sa kanya " Logan kahit 1% Lang May chance ba ako na magustohan mo ? "-seryosong tanong ko "Hindi nga kita gusto "- sagot nya "Pero May chance ba na magustohan mo ako ?? "-Tanong ko "Tsk.:. Wala "-sagot nya Pakiramdam ko parang ang bigat ng puso ko Sanay na sanay akong lahat nakukuha ko kaya hirap na hirap akong tanggapin na kahit Anong gawin ko hinding hindi ko pala kayang makuha ang unang lalaking nagpa t***k ng puso ko ... "Parang ok ka naman e nagawa mo nga akong itulak pwedi kanang magpalakas sa dorm mo "- sabi nya at sabay alis Haist.. pinikit ko nalang ang aking mga mata at kasabay nun ang pag bagsak ng luha ko .. *****LADY SANDY POV( Ina ni Kiana) **** Kanina ko pa tinitingnan si Seth dahil ang Lalim ng kanyang iniisip.. "Seth May problema ka ba ? "- Tanong ko sa kanya Lumapit sya sa akin at niyakap ako I've never seen her like this before "- Sabi nya Nagtataka napatingin ako sa kanya "Ha? Sino ?"-takang tanong ko "Our daughter Kiana if you've seen how sincere her eyes when she told me that she like that man. I feel like she turned into someone else "- sabi ni seth "What!!! May nagugustohan na si kiana!?"- hindi makapaniwalang sabi ko Tumango si Seth "She likes that man a lot "- "So Anong gagawin mo ?"- Tanong ko "I think I know what to do "- sabi nya Bakit parang hindi ko gusto ang gagawin nya ! ***** Nandito kami ngayon living room namin habang nakatingin ng Seryoso sa isang lalaking nasa harap namin ngayon. "Maraming salamat sa pagtanggap sa akin dito sa Isla nyo " - sabi nya habang pinapalibotan ng marami nyang taohan at hindi pa kasali ang mga taohan nya na nasa labas Ang sabi sa akin ni Jasper (ama ni miya ) ilang araw na raw nag papadala ng sulat ang lalaking ito sa amin upang makipag meeting.. At ngayon Lang tinanggap ni Seth "So Mr......?"- unang sabi ko Bumulong naman si mica (ina ni miya) sa akin "Thompson po lady sandy lord ng Isla ng mga Thompson "- bulong ni miya Nanlaki ang mga mata ko Isang lord!!!!??? "What brought you here Mr.Thompson?"-sabi ni seth "Hindi ko na patatagalin pa , I came here with my proposal inaalok ko ng kasal ang inyong anak "- seryosong sabi nya m Automatic na tumaas ang isang kilay ko "Wait Lang ha Mr.Thompson hindi ba masyado kang matanda para sa princessa ko ?!"- inis na sabi ko Tumawa naman sya "I mean nais ko syang ipakasal sa aking tagapag mana "- sabi nya Ginagalit ba nya ako !! Anong akala nya sa anak ko!!!! Magsasalita sana ako kaso Napatingin ako kay seth ng bigla syang tumayo at tinaas ang kamay nya para makipag shake hands.. "Deal "- sabi ni Seth. Ngumiti naman si Mr.Thompson sabay tayo at nag shake hands sila sa harap ko Noooooooo!! Hindi ako papayag!!!! ******KIANA POV ***** "young Lady hindi nyo naman kailangan gawin to e "- sabi sa akin ni miya Tsk .hindi ko sya pinansin "Hayaan mo nga akong pag silbihan ko ang asawa ko "- sabi ko "Correction PO ! Hindi nyo sya asawa!"- sabi nya Nandito kasi ako ngayon sa kusina nina logan kakatapos ko Lang mag luto hehe "Wow ang sarap naman nyan!"-sabi ni Jeric Biglang lumabas si Marvic "Ang bango! Nakaka gutom na ! "- sabi nya Napangiti ako ng lumabas din si Logan "Para sa amin ba to Ms .Devon ? Hindi ko alam na marunong ka palang mag luto!"- sabi ni Marvic sabay upo sa upoan Kakain na sana sya kaso tinapik ko ang kamay nya . "Para kay logan Lang ang lahat ng yan "- sabi ko Sumimangot si Marvic. "Ang dami nyan o !! Hindi ma uubos ni logan yan !!"- sabi nya pa "Edi itapon!"- sabi ko "Grabi Ms.Devon ! Sayang ang pagkain "- sabi naman ni jeric Tsk. "So ?? "- pag tataray ko Umupo na si Logan kaya napangiti ulit ako .. "Kumain na kayo "- sabi ni logan sa mga pinsan nya Kukuha sana si Jeric ng pagkain na luto ko kaso pinigilan ni logan.. "Ang ibig kong sabihin kainin nyo yung tirang pagkain kagabi "- sabi ni logan "Logan!!"- sabay na sabi ng mga pinsan nya Napangiti ulit ako .... tiningnan ko Lang si Logan habang kinakain nya ako ay este yung pagkain na Luto ko .. "Tatayo lang ba kayo dyan?"-takang tanong ni logan sa amin Kaya agad kaming umupo ni miya para kumain din .. "Sinabi ko bang kakain kayo?""-sabi nya habang nakatingin sa amin ng Seryoso "Tutal magaling kana pwedi bang umalis kana sa dorm namin at wag kanang bumalik "-sabi nya Napasimangot ako "Pagkatapos kang ipag luto ni young lady yan pa ang gagawin mo!! Hindi mo ba alam na tanging mga importanti Lang sa buhay ni young lady ang nakakatikim ng luto nya!!!"- galit na sabi ni miya "Kabayaran nato sa pag ligtas ko ng buhay nya "-sagot nya naman "Kumain ka ng madami babe ha "- nakangiting sabi ko sabay alis "Young lady !! Aalis tayo ng hindi nanaman kumakain!!"- pagmamaktol ni miya Napatingin ako sa kanya ng Seryoso " May gagawin tayo "- seryosong sabi ko *****MIYA POV***** Huhu.!!!! Ano nanaman kaya ang gagawin namin .. Naglalakad kami ni Young lady upang bumalik sa Dorm ng nasalubong namin si Seah .. Nagulat sya ng makita nya si Young lady "O buhay ka pa?"- nakangiting sabi nya Nanatiling kalamado Lang si Young Lady "Wag mo sanang pagsisihan na kinalaban mo ako "- dagdag pa nya Ngumiti si Young lady Kaya nainis si Seah "Ito na ang huling besis na makikita kita ! Sisiguradohin ko sa pangalawang besis mawawala kana sa landas ko "- sabi ni Seah Lumapit sa kanya si Young lady "Tingnan natin "- nakangiting sabi ni young lady at naglakad paalis Pag dating namin sa Dorm humiga agad si young lady "Dapat sinampal mo si Seah !"- galit na sabi ko Umiling si Young Lady "Kulang ang sampal "- sagot nya Ha ? "Gusto mo bang mag pahangin sa labas?"-nakangiting sabi ni young lady Parang hindi ko yata gusto to !!!! ***** "Young lady Anong ginagawa natin dito!!!"- hindi makapaniwalang sabi ko Nandito kasi kami ngayon sa isang isla at hindi ko alam kung kaninong isla to., "Baka makita tayo ng tagabantay dito!dalawa Lang tayo?! "-natatarantang sabi ko Nagulat ako ng May lumapit na lalaki sa amin teka!!!! " Rence???!!!! "- Anong ginagawa ni Rence dito?!!!! Si Rence lang naman ang anak ng unang pinuno ng Isla ng mga Devon May sampung Isla ang mga devon at bawat Isla May mga pinuno.. Si Rence ang leader ng mga assasin ng mga Devon at hawak Lang naman nya ang Shadow Guards ng mga Devon :.. shadow guard yung mga tagabantay ng Isla sa gabi ng hindi mo nalalaman kung nasaan sila kahit Sino walang nakakaalam kung nasan sila kaya kung papasok kayo sa isla ng mga Devon ng walang pahintulot sila ang unang makakapatay sa inyo ng hindi nyo namamalayan.. "Young lady "- sabi nya sabay yuko "Nagawa mo na ba ? "-seryosong sabi ni young lady Ha?!!! Ang Ano !!!! Huhu g**o nanaman to !!! "Nahanap na ng mga taohan ko kung nasan naka tanim ang mga halaman na ginagamit nila pang lason at nagawan na namin ng paraan "-sagot ni Rence Ngumiti si Young lady "Pwedi na ba akong mag bilang?"-Tanong ni young lady Tumango naman si Rence "5...4....3....2.....1 "- BOOOOM! Kasabay nun ang malakas na pag sabog kaya agad akong napatakip sa tenga ko Sumakay na kami sa yacht habang tinitingnan ang nasusunog na Isla.. "Kaninong Isla ba yan young lady?? Kaaway ba ng lord? "- Tanong ko Umiling sya "Isla ni Seah "-simpleng sagot nya Nanlaki ang aking mga mata,, "What!!!!!!"Young Lady !!!!"- hindi makapaniwalang sabi ko ****** Papalapit na sana kami sa Academy ng harangan kami na maraming yacht Patakbong lumapit si Rence sa amin . "Mga Taohan po ng Devon young lady pina patawag na kayo ng lord " - sabi ni Rence Lagot na !!!!!!!!!! ******MARVIC POV ***** Tiningnan namin ng masama si logan akalain mong na ubos nya ang pagkain na niluto ni Ms.Devon sa kanya !! Hindi man lang kami tinirhan!! "What?"- maangas na sabi nya "Wala!!!"- sabi ko "Hoooy nabalitaan nyo na ba!"- sabi ni Jeric na gulat na gulat "Ang Ano ?"-takang tanong ko "Yung Isla nila Seah pinasabogan!! Nasunog lahat ng mga lason nila at mga importanti nilang kagamitan!!! Ito ang magiging dahilan ng kanilang pag bagsak!!! "- jeric Nanlaki ang mga mata ko "At ito pa nung nalaman ng mga kaaway nila Seah ang nangyari agad nilang sinugod ang Isla !"- dagdag pa ni Jeric Tsk ..kawawang Seah mawawalan na ng korona "Sino kaya ang nagpa sabo?"-Tanong ko Isa Lang ang alam ko "Si Ms.Devon?!!!!"- sabay na sabi namin ni Jeric Nagulat kami ng May pumasok na mga taohan sa dorm namin .!! Taohan ng mga Thompson!!!! "Anong ginagawa nyo dito!!!!?"-galit na tanong ko Yumuko muna sila sa amin "Young master Logan sumama po kayo sa amin "- sabi ng isa sa mga taohan Wala ng nagawa si Logan kundi sumama nalang.. *****KIANA POV ***** Haist ..nandito nanaman ako sa Isla namin at naka luhod nanaman sa harap ng mga magulang ko .. Si mama kanina pa nakatingin sa akin ng masama ,. "Hindi mo ba alam kung ano ang magiging epekto ng ginawa mo !!! Dinagdagan mo nanaman ang kaaway ng Isla natin!!!"- galit na sabi ni mama Naka yuko Lang ako ayaw kong dagdagan ang galit nya dahil nakakatakot "That's enough "- sabi naman ni papa "Ikaw ba si kiana? Waaa ang ganda mo "- sabi sa akin ng isang babae Hindi ako umimik "Kiana! Mag bigay galang ka isa silang mataas na maharlika!! "- sabi ni mama Kaya labag sa loob na yumuko ako "Kami ang magiging future in-laws mo "- sabi nanaman ng babae "What!!!ma !pa! Ano to !!!" - galit na sabi ko "you're getting married"-seryosong sabi ni papa Kaya napa tayo ako !! "Pa !! Bakit ganito!! Ayaw ko !!!! "- sabi ko Ito na ba ang kabayaran sa lahat ng kasalanan ko !!!!!!??? " Isusumbong ko kayo kay Lolo!!"-halos maiyak na sabi ko "Mr.Thompson I think my daughter doesn't like this idea"-sabi ni papa Wait ..Thompson?! Napatingin kami sa pinto ng bumukas at pumasok ang mga taohan ng Thompson at kasama si Logan Napatingin sa akin si Logan at dalawa kaming gulat na gulat. "Logan my son "- sabi ng babae kanina Nakatingin sa akin si papa ng Seryoso at mabilis na ngumiti "it's nice to see you again Young Thompson "- sabi ni papa "I know you know him already but he's going to be your husband "- sabi ni papa Napatingin ako kay mama "Do you agree with this Anak?- nag aalalang tanong ni mama sa akin Nakatingin ako sa kanilang lahat,Lahat sila hinihintay ang magiging sagot ko "Hindi ko alam na kaya nyo pala ako ipamigay nalang ! Pero sige dahil pinipilit nyo ako papayag na ako ! "- sabi ko "No anak hindi ka namin pinipilit pero kung ayaw———-"- pinutol ko na ang sasabihin ni mama "No ma! Don't have to explain I understand....pakakasalan ko sya "-sabi ko sabay turo kay logan "Haist "- tanging sabi ni logan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD