AFTER TEN YEARS..
"Hey! What going on?!"
Malakas na hiyaw niya sa mga tauhan na nagkakagulo ilang pulgada ang layo sa kanila ni Ria.
Lalong naging doble ang bilis nang paghakbang niya papunta sa mga taong nagkakagulo nang marinig niya ang palitan na masasakit na salita nang mga ito.
Araw ng harbes ngayon sa kanilang malaking hacienda at dahil busy ang kaniyang Daddy, siya ang napag utusan nitong magbantay sa mga tauhan nila. Hindi naman siya makatanggi, sumagi na rin kase sa isipan niyang dapat na niyang pagsanayan ang ganoong gawain dahilan wala nang ibang gagawa 'non kundi, siya!
"Sab! Wait!" hiyaw naman sa kaniya ni Ria.
"Bilisan mo kasi! Dito lang kase sa rancho, kung bakit naka high heels ka pang may nalalaman?!" asik niya sa kaibigan. Patuloy pa rin sa paghakbang. Sanay na ito sa kasungitan niya.
"Hoy girl! May usapan na magmo- mall tayo ngayon!" Asik na sagot naman nito sa tinuran niya habang nagmamadaling sumusunod sa kaniya.
"Mall nga! Pero anong itsura mo? Para kang ilalaban sa kung saan! Hala! Dalian mo!" naiiritang sagot niya rito.
"Heto na nga kase. Dami pa kaseng sinasabi, parang 'di muna 'man ako kilala. Ito na nga lang ang nagpapasaya sa 'kin.." kahit hindi niya nakikita ang mukha nito tiyak malamlam ang mukha nito.
Si Ria ay kaniyang kababata, lumaki sila nito na magkalaro at tunay na magkaibigan at higit sa lahat magkaibigan na matalik ang mga magulang nila idagdag pang nag-aaral sila sa iisang school lamang.
Sa subdivision sila nakatira at limitado lang ang mga nakatira doon kumbaga sa pagkakaalam niya mga mayayamang tao lang ang pinpayagan manirahan sa subdivision na 'yon. Hindi nga siya magtataka. Ang luwang ng subdivision, ngunit tila ba benteng bahay lamang ang nakatira doon.
"Wait! Ang bilis mo kaseng maglakad! How can I follow you Sab?" irutadang sagot nito.
"Mag paa ka!" hiyaw niyang sagot ilang hakbang mula sa kinaroroonan ng huminto siya saglit. Hindi nga niya alam kung narinig ba nito ang hiyaw para sa kaibigan. Kailangan niyang abutan ang mga taong nagkakagulo para malaman ang dahilan, hayun at kitang- kita pa rin niya ang mga taong nag uumpukan at nag isyusuhan.
Sa wakas nakahinto din siya sa harapan nang mga ito ngunit habol hininga naman siyang nakatayo at nakatunghay sa mga tao.
"Anong meron?! Anong kaguluhan 'yan?!"masungit na pabulyaw na tanong niya sa mga tao, matapos mabilis na nagharapan ang mga taong hindi namalayan sa paglapit niya.
"Ma'am Sabrina..." dinig niyang sabay-sabay na ulas ng mga taong nagharapan sa kaniya.
"Naku ang sungit pa naman bata na 'yan." bulong ng isang matanda na hindi naman nakaligtas sa tenga niya.
Agaran umakyat ang galit sa sentido niya! Bastos 'man, galit na tinuro niya ito at saka matalas na nagsalita.
"Pakiulit nga kung ano ang sinabi mo tanda?!" nanliliit matang wika niya. Hindi niya palalagpasin ang narinig mula rito.
"Ma-ma'am Sabrina... Pasensya na po." kandautal na sagot nito.
"Ayoko ng makikita ang pagmumukha mo sa tubuhan na 'to, tanda!" bulyaw niya sa matandang tinatagakgak ng pawis. Hindi niya alam kung dahilan sa pawis o takot sa kaniya.
Naramdaman niya may humawak sa dulo ng baraso niya si Ria.
"Huy! Matanda na 'yan! Hindi mo na lang hayaan. Bakit ka magdedesisyon nang ganoon kabilis Sab?" dinig niyang pigil na sabi nito sa likuran niya.
Nilingon niya ito at pinagdilatan ng dalawang mata matapos malakas na hiniklat niya pabawi ang hawak nito sa baraso niya.
"Ayoko ng makikita ang pagmumukha mo rito, huh?! Naiintindihan mo ba ako tanda?! Alis!" Malakas na sabing taboy niya. Mabilis naman tumalima ito patalikod sa kaniya. "Kayo! Anong tinitingin -tingin ninyo diyan? Gusto ninyong masesante din katulad ni tanda?" baling na duro niya sa mga ibang nakatunghay sa kanila ni Ria.
Matapos bumaling siya sa kung anong nakapansin nang atensyon niya kanina. "Anong meron at nagkakagulo kayo? Hindi kayo binabayaran ng magulang ko para aksayahin ang mga oras sa walang ka kwenta-kwenta!" Malakas na hiyaw niya sa mga ito.
"Si Asteng po kase Ma'am Sabrina, balak po niyang agawin ang pwesto ko ganoong ako naman po ang nauna sa pwesto na iyon." Sumbong ng isang tarahabador nila.
Bumaling siya ng tingin sa idinuro ni Carding. Nakita niyang umiling bahagya ang lalaki bago magsalita, "Walang sino 'man ang puwedeng pumigil sa 'kin dito kung saan ako puwedeng magsimulang magtabas ng tubo Carding! Dahil wala pa 'man kayo, naandito na ako!" Matapang na sagot nito sa harapan niya.
"Ibig sabihin, ibinabase mo ba Asteng kung gaano katagal ang paninilbihan namin kila Donya Juancho at Don Clarita? Hindi na ba kami puwede magsalita? Ganoon ba? Kahit ba may mali ka?" sagot naman ng babaeng nasa likuran ni Carding at 'di s'ya nagkakamaling mag-asawa ang dalawa.
"Tumahimik ka Kasyeng!" pabulyaw na dinig niya kay Asteng na tila ba wala siya sa harapan nang mga ito.
Tila ba walang ibig patalo sa mga ito kaya malakas siyang umulas ng salita.
"Siguro hindi ko na kayo kailangan sa Hacienda Imperial. Makagugulo lang kayo sa hacienda kung hindi kayo magkakasundo. Huling kita ko na sa mga mukha ninyo dito!" matapang at diretsyang malakas na pagkakasabi niya sa mga ito.
"Ma'am Sabrina, huwag naman po! Paano naman ang mga anak namin? Paano kami mabubuhay? Minahal na namin ang hacienda'ng ito, maliit ka pa lamang naandito na kami. Huwag naman ganoon lang kadali sa'yo na palalayasin mo kami sa hacienda n'yo. Maawa ka hija." mahabang paliwanag ni Kasyeng sa kaniya.
"Matalas talaga ang dila mo Sabrina." si Asyeng na nakangisi pa nang sabihin iyon. Walang takot na nakabalatay sa mukha nito na 'di katulad nang ibang nakatunghay sa akin.
Itsurang hindi niya nasindak ito sa madaliang dedisyon nang magsalita ulit ito.
"Iba talaga ang mayayaman, kahit gaano ka katagal na nanilbihan mawawala iyon sa isang iglap pag iba na ang pumalit sa pwesto." makahulugan bigkas nito. Matapos sabihin iyon malakas na pumalatak ito.
Mabilis na nag- init ang ulo niya sa narinig, "Bastos ka! Nag- iisa akong anak nang mga magulang ko! Kahit balik- baliktarin ninyo! Ako ang papalit sa p'westo nila! Sino ka para pag salitaan ako ng ganyan?!" hindi 'man lang siya natakot sa hawak nitong panabas na kahit anong oras puwede siya nitong saktan.
Imbes na maawa siya lalong sumigid sa isipan niya na kailangan hindi siya maawa sa mga taong hindi marunong rumespeto sa kaniya.
"Masanay kayo kung sino ang makasasalamuha na ninyo dito sa hacienda!" nangangalit pangang hiyaw niya sa mga ito. "Ito na ang last na makikita ko kayo! Lalo na ikaw Asyeng!" sabay turo niya sa lalakeng madilim ang paningin na nakatingin sa kaniya.
"Hindi ako aalis sa hacienda'ng ito! Kung ikaw ang magpapaalis sa akin malabo mo akong mapaalis ng ganoon na lang kadali, Sabrina!" matapang at madiin na sagot nito. Lalong nag alon ang dibdib niya sa galit. Parang pinapahiwatig nito na wala siyang karapatan sa pagmamay-ari nila.
"Sab! Alam mo ba sinasabi mo? Matagal nang mga tauhan 'yan sa hacienda ninyo. Bago ka magdesisyon mag usap muna kayo ni tito. Halika na at umalis na tayo." Ulas ni Ria sa likuran niya na sila lang ang nakaririnig.
Inignora niya iyon. Hindi siya papayag na babastusin na lamang ng mga taong mababa ang pinag aralan!
Siya si Sabrina Imperial!
At hindi siya puwedeng pangunahan na kahit sino 'man saga tauhan nang kaniyang ama!