Friday. Last day na ng second semester finals. Hindi na ako magkandaugaga sa pag-aayos ng aking sarili. I glanced at my wristwatch. “Male-late na ako.” Mabilis kong pinasadahan ang aking uniporme gamit ang aking kamay at pagkatapos ay hinablot ang bag na nakapatong sa ibabaw ng aking kama. Sa sala, naabutan ko si Mommy na maingat na nagpupunas sa mga naka-display na figurines sa aming payak na sala.
“Mi, I need to go, I’m late. Baka mahirapan akong makapara ng jeep.” Sabi ko habang sinusuri ang aking sarili sa salamin na nasa sala. At talaga namang may oras pa akong suiriin ang sarili ko, noh?
“Hindi ka na ba mag-aalmusal anak? Baka malipasan ka ng gutom niyan.” Kunot ang noo ni Mommy na lumapit sa akin. She was checking me from behind. Pinasadahan ng kamay nito ang likod ko habang tinitingnan ang repleksyon ko sa salamin.
“Sa school na lang Mi, my classmates will treat me.” Pag mayroon kasing activities sa bawat subject namin eh sa akin inaasa ng mga kaklase ko ang pagre-research at sa iba pang preperations. Wala naman akong reklamo since gusto ko rin namang naaayon ang lahat sa plano ko. They are just there supporting me financially. Kaya ang laging nangyayari kapag sa mga ganitong pagkakataon ay libre lagi ako ng lunch at merienda. Not that I can't afford but they are just that persistent.
“Ah, ganun ba. Okay sige pero kung gagabihin ka ay tawagan mo ako para mapasundo kita sa motorsiklo ni Manong Pedring. Mahirap na baka di mo maabutan ang huling biyahe ng jeep. Marami pa naman ang mga manloloko sa daan.” She sighed. “Ang ganda mo pa naman anak. Manang mana ka sakin."sabi pa nito while smiling.
Napangiti naman ako. Please forgive her, she is just a proud Mom na nagkaanak na, according to her, ay maganda, at mana daw sa kanya. Sige na lang at pagbigyan na lamang natin. Mothers always think that way, don’t they? For them, their kids are perfect in their eyes. But Mom is really a beauty. Believe me when I tell you that my Mom is a head-turner kahit mahigit singkwenta na ang edad nito. Tamang-tama lang din ang proporsyon ng kanyang katawan. She looked younger than her age. And mind you, may mangilan-ngilan ding nanligaw sa kanya noong nalaman ng buong bayan na biyuda na pala ito. But my Mom said that she could not love anymore dahil kasama na niyang nilibing ang puso niya sa hukay ni Dad.
May lahing kastila si Mommy. Si Daddy naman ay half-british. Nakuha ko ang kulang ng mata ko sa kanya. Sadly, pumanaw na ito noong maliliit pa lang kami dahil sa malubhang karamdaman. Sa kabutihang palad, may naitabing sapat na ipon sila sa bangko kaya nakaraos kami sa pang araw-araw na pangangailangan. May mini-convinient store din kami sa harap ng bahay na siyang ginagawang libangan ng mommy ko. Tatlo kaming magkakapatid. Si Kuya Mase ay nasa ibang bansa. Nagtatrabaho ito sa The Heritage Hotel sa Hong Kong bilang Head waiter. Ako naman ang pangalawa sa aming tatlong mgkakapatid. Ang bunso, si Leah, ay nag-aaral pa bilang third year high school malapit lang dito sa aming lugar.
“Don't worry Mi, ihahatid ako ni Aireen. Hindi ko ata nakita si Leah?” I asked. Nagbibihis na ito kanina habang papasok palang ako sa banyo para maligo.
“Pumasok na. Examination week ngayon, di ba. Kaya maagang lumakad ang kapatid mo.” Sagot ni Mommy. Napatango ako. Oo nga pala. Nagtatampo nga pala ito kagabi kasi hindi ko ito matulungan sa pagre-review.
Isang sulyap ulit sa salamin ang aking ginawa. My lips looked pale. Kinuha ko ang aking lip gloss sa bag at nagpahid ng bahagya sa aking mga labi. Nang makontento sa sarili, I kissed my Mom’s cheek and bid my goodbye.
Ala siyete na ng umaga. Before eight dapat ay nasa school na ako para may time pa kami ng mga kagrupo ko na magpraktis bago kami sumalang para sa speech choir for our subject na Effective Speech. Ito kasi ang magiging exam namin para sa nasabing subject.
Mabilis ang lakad ko papuntang kanto kung nasaan ang sakayan ng jeep. Mangilan-ngilan din ang bumati sa akin ng magandang umaga. Gumaganti din ako bilang respeto. I am not the friendly type of a person. People who don’t actually know me personally would think that I am a snob person. Pero ang totoo, mahiyain ako. Ako ang tipo na hindi magsasalita unless mauuna kang kausapin ako. Pero nungka kitang kakausapin kong alam kong may ibang motibo ang pakikipag-usap mo sa akin. Lalo na if you make me feel uncomfortable just by looking at me intently.
“Good morning, Emz.” Bati sa akin ni Nathan na may ngiti sa labi. Isa siyang sikat na basketball player sa lugar namin at notorious din when it comes to women. I could not blame him though; he has the looks. He's twenty-one years old at graduating na sa isa ring pribadong unibersidad sa bayan. Pero hindi ako interesado sa kanya, and to all other men, for that matter. Wala sa isip ko ang makipag-relasyon.
“Oh. Good morning too.” Bati ko rin naman sa kanya ng medyo may alanganin. Nathan courted me before and I declined him which makes the whole situation more awkward. Hindi ako snob pero prangka akong tao. At ilang beses ko na siyang sinabihan na wala syang mahihita sakin.
"Ihahatid na kita sa paradahan ng jeep, mahirap na baka may bigla na lang humarang o humablot sayo.” He grinned at sinuri ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “Damn, why are you so beautiful in the morning?” umiiling-iling pa siya at napakagat labi.
I stiffened a little. “So, you're trying to say na sa umaga lang ako maganda and the rest of the day, hindi na? Ganun?” Nilakipan ko ng medyo pagalit na tono ang boses ko. I hoped I didn’t sound too edgy. I felt like laughing lalo nang nakita ko kung pano lumaki ang kanyang mga mata. Minsan kasi sarap ring asarin nito, namumula kasi agad.
“No! Of course not! I mean, you are always pretty but a lot prettier in the morning. That's what I meant.” Napakamot pa ito sa batok. Natawa na ako nang tuluyan. I guess, we’re not awkward anymore.
“Hindi ka na mabiro, sige na salamat sa pagsabay. At walang hahablot sakin, Nathan. Masyadong OA naman ang term na hablot. Gamit ba ako at nahahablot? Joke. Pero alam mong imposible yan. Ang mga tao dito ay kilala nating lahat. Walang magtatangka nang masama kahit kanino. Magkakaibigan tayong lahat dito. Everyone is safe here.” Nginitian ko ito habang pumapara sa jeep na paparating.
“Tss! Mabuti na yung sigurado. With a pretty face and a body like that? I doubt kung hindi ka ba pinagnanasaan ng mga taong tumitingin sayo.” Napapalatak pa siya.
Isa ka ba sa mga taong yun? Gusto ko sanang itanong but I did not want to sound rude to him. “O sya, sya, sabi mo eh. Salamat Nathan and please know that you are my friend. Alam mo naman yan, di ba?" Nakita ko siyang tumango pero hindi maitago ang pagkabigo sa mukha nito. Kung nagkataon siguro na hindi ko siya kilala at hindi ko alam na may pagka-playboy at heartbreaker ito, baka may tsansang magustuhan ko siya. But loving a womanizer is not my cup of tea. It will never be.
Kinawayan ko ang lalake habang umuusad na ang jeep at hindi ko na siya nilingon pa. Thank God at hindi gaanong puno ang nasakyan ko. Suminghap ako ng malalim. Maganda ang lugar namin, tahimik at malinis ang simoy ng hangin. May nadadaanang palayan at mga punong-kahoy sa paligid. Ang school ko ay nasa bayan, ang pinakasentro ng buong siyudad ng Valencia City. I'm studying at St. Bernadeth Academy, isa sa pinaka prestigious school sa bayan. I'm a first year HRM student. Vocational course lang siya, actually. Kasi wala pa atang four-year course na HRM sa buong lalawigan ng Surigao del Sur. My family can afford to send me to some schools in Davao pero tumanggi ako. Total naman kako, after ko makagraduate, kukunin ako ng kuya ko na nasa abroad so I can work there too. Someone will back him up so it will be easy for me to work there.
Habang naglalakad ako patungo sa gate ng school, kaliwa't kanan din ang bumabati sa akin and I greeted them back. Sabi ko nga, hindi ako snob pero once na may nagparamdam, unti-unti akong lumalayo. Ayoko ng commitment talaga. Halos lahat ng nag-aaral dito ay nakakaangat sa buhay. At wala rin naman akong masabi sa mga hitsura ng mga lalake dito sa school. Kadalasan talaga ay mga gwapo at malalakas ang dating pero ayoko talaga makipagrelasyon. Or maybe, hindi ko pa nakikita ang tamang lalake para sa akin. No need to rush since bata pa naman ako. Heck, I am just eighteen years old.
Nagmadali na ako sa pagpunta sa building ng HRM department. Ang Speech Laboratory ay nasa third floor. Just when I am about to approach the last step up the stairs, Jaze high-pitched voice startled the hell out of me.
“Emerald Fitzgerald! Thank God dumating ka na! Kanina ka pa namin hinihintay, Emz! Kinakabahan na kami!” Jaze is my gay classmate na kasama din sa grupo ko. Kumpleto na pala sila at ako nalang ang kulang.
“Wow. What a nice way to greet a person, Jaze. You freaked me out." I said sarcastically habang nilalabas sa bag ko ang mga papers for our speech. Natulig kasi ata ang tainga ko sa tili niya. No, hindi lang pala ako pati lahat ng mga estudyanteng nakatambay sa corridor.
“Girl naman kasi, ikaw pachillax chillax nalang, sisiw lang sa'yo ito. While kami? Paano kung bumagsak kami? Nganga kami pag nagkataon! Lagot ako kay fadeer! Jumbagin na talaga ako nun!” Angal nito kasabay pa ng pagkumpas ng mga daliring well-manicured sa hangin. Nagtawanan na lang ang ibang mga kagrupo ko while ako, umiiling-iling na lang. Kahit kasi group performance ito, individual naman ang pag gegrades ng mga instuctors sa amin. Nang makuha na nila ang papel na ni-print ko pa kagabi, nagpractice na agad kami. Pinaalala ko sa kanila ang mga techniques na lagi kong ginagawa para mabigkas ng mabuti at klaro ang mga salita.
“Guys listen carefully. To make this perfect, we just have to feel the words as we speak them. Timing is the secret here guys and make your voice louder, say the words with conviction and blend some emotions. Alam nyo na kung saang parts ang tinutukoy ko, okay? Madame Montalban is very particular with diction guys. So, lets give the jury what they are exactly looking for." I’ve been repeating myself to remind them about the crucial parts of our speech and I silently prayed na sana maipasa namin ito for our finals. Tumango silang lahat sa akin. Hindi man nila pansin, kinakabahan din ako para sa aming lahat. I want all of us to pass this subject. We’ve been working hard on this. I hope all this work pays off.
Nakita ko ang aking bestfriends na sila Mary, Aireen and Lizette who are equally busy practicing with their own group. We are, by the way, scholars in our school kaya siguro nagkakasundo kami apat. Nang dumating na si Madame Montalban pati na rin ang iba pang jury, kabado kaming pumasok sa loob ng Speech Laboratory.
The performance went well, thank God. Nagawa namin ng maayos ang aming speech although may iba talaga na namimilipit ang dila tuwing nagsasalita ng ingles. Pero sa tingin ko naman ay mukhang pasado kaming lahat. Malulungkot talaga ako kapag mayroong bumagsak kahit isa sa mga classmates ko. Magkakasama na kami ng mga co-scholars ko sa likod nang marinig naming tumikhim si Madame Montalban sa gitna ng ministage sa aming harapan.
"You've done a great job, students. Pasado kayong lahat sa finals ng subject ko. This will be our last session. See you next school year, class. For now, you may proceed to your classroom. Your advisor will have further announcements for you. She's waiting there already." Aniya at humakbang pababa ng stage na iyon.
“Announcement? Anong mayroon?” Bulong ni Lizette habang inaayos ang salamin niya sa mata. Nakakapagtaka naman kasi na malaman na may announcement na gagawin ang aming advisor gayong last day na ng finals at bukas ay pwede nang huwag pumasok. Bakit may announcement? May magaganap ba?
“No one knows.” Kibit-balikat ni Aireen habang tinitingnan ang kanyang mga kuko. Sa aming apat, she's the vainest one.
“There's only one way to find out.” Si Mary habang pinulupot ang kanyang braso sa braso ko. I nodded at her.
“Guys, let's go!” Sabi ko sa lahat at nagpatiuna na kaming lumabas mula sa speech lab.
Pagdating namin sa aming classroom, naabutan na nga namin si Madame Santos na nakaupo na sa harap, her legs were crossed, and boredom was visible on her haggard face. Umayos kami ng upo at naghintay sa sasabihin niya.
“Class, makinig kayong mabuti. Sa susunod na pasukan, you will be doing your on-the-job training. The Dean told me na sa first semester nyo gagawin ang OJT instead na second sem. Ito ay sa kadahilanang mahihirapan kayo na makapasok sa mga hotel sa dami ng schools sa Mindanao ang mag-uumpisa ng OJT sa second sem. Katulad ng nangyari sa second year students ngayon. We do not want to gamble with that again. Mahirap makipag kumpetensya sa ibang schools. Iilan lang ang mga five-star hotels at four-star hotels dito sa Mindanao and we want all of you na makapasok sa mga hotels na yun. We want you to have an experience of a lifetime from the best in this field. And aside from that, here is the big news, the Dela Vega Suites and Resorts emailed us and asked for practioners from this school. Isn't it surprising? It is very flattering and humbling na sila pa mismo ang nagrequest sa atin. They are lacking manpower. Lalo na at maraming guests ang dadagsa starting from June dahil sa Kadayawan Festival sa August. That's why we decided that the best from this batch will be send off to them.” Her eyes narrowed as she boldly roamed them over the place, searching for something. When her eyes met mine, my heart stopped for a second. “And that is your team, Emerald, I am referring to.” Sabi ni Madame while pointing her finger at me.
I sank back in my seat and covered my face with the notebook I was holding. Why me, of all these students?
“Uh-huh.” Palatak ni Aireen.
When I tried to peek to check if Madame was still looking at me, I nearly jumped out of my skin when literally all of them were giving me those weird looks.
This time, I crouched down and buried my face on the armrest. Can’t I say no?